Date??
DONNALYN
"Grabe! Ilang araw ka bang di kumain? at lamon talaga ang ginawa mo ngayon ah!?" Pangaasar sakin ni Sid.
Saturday ngayon and walang pasok. Kesa mabored ako sa bahay, sinabihan ko nalang sya na samahan ako maggala! Actually, kakatapos lang kasi namin mag-lunch.
"Pwede ba? Masarap nga kasi!" Sagot ko sabay hampas sa braso nya.
"Nahiya ka pa nga eh! Kala ko uubusin mo na lahat! Haha"
Kumain kasi kami ng pizza and pasta. Kaya lang, dun sa 8slice na pizza, akin yung lima! Tsk! Eh sa masarap lang naman talaga eh! Bwisit tong lalaking to mangasar!
"Kainis to!" Pairap kong sagot. Nang matigil ako sa pagirap, tumambad sakin tong nakakasilaw na pink na store.
"Uy! Halika dali!!" Ayon ko bigla sabay hila kay Sid.
"Grabe! Lalake ako huh? Trip ko lang minsan sabayan yung kalokohan mo kaya ako nagbabakla-baklaan! Pero hindi ako bakla Donnalyn!"
"Tse! Wala naman akong sinasabi ah!"
"Eh bat mo ko dinala dito? Etude House? Anong mabibili ko dito?"
"Loko! Syempre sasamahan mo lang ako! Bibilhan ko lang ng perfume si Aly! Dito kasi yun bumibili lagi--"
"Goodafternoon Ma'am! Sir!" Biglang bati samin nung babae.
Napalingon ako kay Sid na parang ginagala lang yung mata nya sa buong store. Yung babae naman... Ay jusko! Pupunta na ba ko sa likuran nya para alalayan sya kung sakaling mahimatay sya? Sus!
Papadaliin ko na to! Alam ko na naman ang bibilhin ko.
"Ahm miss! Can you give me two petit bijou perfume?" Ayon ko habang nakangiti pa.
Wait... Ay te! Bibili ako oh! Sana pansinin mo rin ako! Wala kang mapapala dito sa lalaking kasama ko ah!
"Miss? Miss?" Ayon ko pa habang kumakaway na sa harap ng mukha nya at tsaka lang sya matauhan.
Sinabi ko ulit yung inuutos ko kanina sakanya. Agad na naman nya kong binigyan ng two bottles nung perfume.
Nang mabayaran ko na, hinila ko agad palabas nung store si Sid.
"Oh! May nakita ka na naman ba at kung makahila ka talaga jan, wagas!"
"Wala!!"
"Hala? Badtrip? Problema mo?"
"Wala!!"
"Meron eh!"
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
General FictionSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.
