I'm falling.
DONNALYN
Eto na naman ako!! Ilang araw na ang lumipas pero di parin mawala sa isip ko yung nakita ko.
Si Aly! Si Chino! Naghahalikan sila! And once again, sa parking lot ko na naman sila nakitang magkasama! Anong meron sa parking lot at parang ginawa na nilang lugar nila yun? Ugh!!
"The food is ready na daw Donny!" Napalingon ako sa masiglang bisita ko.
Sabado ngayon at kami lang ni Aly ang magkasama pero di ko parin sya magawang tanungin about dun sa nakita ko.
Tumango nalang ako sabay tumayo na at dumeretcho na sa dining para sa meryenda namin.
"Yey! Lasagna! The best talaga cook nyo! Alam ang favorite ko!" Natatawa at talaga namang masayang ayon ni Aly ng makaupo na kami. Nginitian ko lang sya.
Sinimulan na naman nyang kainin yung meryendang inihanda para samin. Ugh!! Nawawalan ako ng gana kakaisip! Kainis!
"Uhh.. Donny?" Dahan dahan kong nilingon si Aly.
"Hmm?"
"If the lasagna could talk? Minura ka na nya!"
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Nahalata nya siguro na di ko sya maintindihan kaya basta nyang nginuso yung pagkain ko.
Hala!! Kakaisip ko, gutay gutay na yung lasagna! Ano ba yan!!
"Tch! Okay ka lang?" Natatawa pang tanong ni Aly.
Ibinaba ko yung tinidor ko at tinignan na ng diretcho si Aly.
"Hmm... Can i ask you something?" Seryoso kong tanong.
"Sure! What about?"
"About... Uhm... About You!"
"M-me??"
"Yeah! And... Chino!"
"Wait! Me and Chino? What about us Donny?"
Humugot muna ko ng malalim na hininga bago ulit magsalita.
"Sa point na agad Aly! Yesterday! Pauwi na ko and after ko makasakay sa car ko, i saw you! With Chino! Sa parking lot! You're... You're kissing!"
Halos pakiramdaman ko malalagutan ako ng hininga sa mga oras na to! I should be open to my friends! Gusto ko lang naman malaman kaya okay lang naman siguro magtanong. I guess?
"Ohh! That!"
"So? A-anong ibig sabihin nun?"
"Hmm... Donny?"
"Oh?"
"I need to tell you something! Kaso... Satin lang muna, Please? Wag mo muna papaalam sa iba! Kay Yumi at lalo na kay Nao!"
"Uhh... Okay? Uhm. Sige! Just tell me! You know you can trust me!"
Bumuntong hininga muna si Aly. Hindi rin mapakali yung nga kamay nya. Tense na tense sya! Hayyy..
"I'm kindda... Uhh... I'm starting to fall!"
"And?"
"And... Kasi... What if di nya ko saluhin? Uhh... You know naman who i'm talking about, right?"
"Ofcourse! Uhm.. Aly! Parang mali yang pinoproblema mo?"
"Huh?"
"Kitang kita naman na halos ipagpilitan na nga ni Chino yung sarili nya sayo! Dedma ka lang ng dedma!"
"Eh kasi.. I'm fighting kaya! I don't wanna fall in love with a womanizer, lahat naman yata tayo diba?"
"Kaya lang, hindi mo na nalabanan? Ganun? You said you're falling na!"
"Kaya nga! Ugh!!!"
Natahimik kami saglit. Nilantakan nanaman ulit ni Aly yung lasagna! Mukhang stress na sya!
"You know what Aly?!"
"W-what??"
"Just go with the flow nalang! If you're falling inlove with Chino, then be it! If you're scared? Nandito ako! Akong bahala sayo!"
"Donny—"
"It will be okay! Wag ka ng magisip pa Aly! If you want him, go get him! Actually, mukhang ibibigay narin naman talaga nya sarili nya sayo eh!"
Hindi nawawala ang ngisi ko. Naka-kunot na ang noo ni Aly! Alam kong gets na gets nya ko and that's a good thing!
"So okay na?!" Tanong ko pa. Sinagot lang ako ng tango ni Aly habang nakangiti na.
Ay wait!! Hindi naman to yung hinihintay kong sagot eh! Iba! Naku naman! Mukhang napalawak yung usapan namin ah?
"Ay Aly! Ang itatanong ko kasi kanina pa... Uhm... B-bakit kayo naghahalikan? Well, did he kiss you first or did you kiss him?"
"Huh? Uhhh... Kain ka pa Donny! You look skinny na! Here oh!" Sabay abot pa ni Aly ng isang slice nung lasagna.
"Wag mong ibahin ang topic! Ano nga kasi?!"
"Donny naman eh!"
"Just tell me nga Aly!"
"Well... Uhm... Basta!! He provoke me, okay?! Ugh!!"
Napataas ang kilay ko habang nakangisi pa.
"So? Ikaw nga yung unang humalik?"
"Donny kasi eh—"
"Ano nga?!"
"Oo na! Okay? Oo i did the first move! Pero like what i said nga, he provoked me! He said na i have lovely lips but for sure daw di naman ako good kisser! He make asar sakin! Syempre, nainis ako! So ayun! Tsk!"
Ewan ko pero nagpakawala nalang ako bigla ng halakhak.
"What's funny dun?!" Iritang tanong pa ni Aly.
"You!" Sagot ko ng natatawa parin.
"Donny naman ehhhh!"
"Hay naku! You're telling me na you let him have your first kiss dahil lang pinrovoke ka nya? Sus! Sinong niloloko mo Aly? Ang sabihin mo, ginusto mo rin talaga!" Hindi matapos tapos ang pagtawa ko.
Nakita ko ang pagmula bigla ng pisngi ni Aly! Sabi na nga ba eh! Magdadahilan pa eh pabor naman talaga sakanya yun! LOL
"Osige na! Di na ko mangaasar!" Pero napahalakhak parin ako. Kainis! haha.
Hindi na nagsasalita si Aly pero panay pout sya. Akala mo naman bagay sakanya! Dejoke. Pacute eh! What's new?
"We'll tell this kay Yumi and Nao!" Bigla ko lang na sabi.
"Wait! What? Why? No way!!"
"Anong no way ka jan?? Tayo lang ang magkasama ngayon pero may dalawa pa tayong bestfriend ah! Di pwedeng hindi! Open dapat tayo diba?"
Hindi agad sumagot si Aly. Yung mukha nya mukhang magmamaktol pa at aangal!
"Fine! Sige na nga! But promise me na pag inasar ako ni Nao and Yumi, you'll defend me hah!"
"Sus! Yun lang ba? No problem!"
Nag high-5 pa kami ni Aly. Eto ang gusto ko! Yung open kami sa isa't isa! Tsss! Kung di ko yata sila nakita, mukhang di pa sya magsasalita! Aba! Subukan nya lang!
Papakalbo ko na talaga sya kay Nao!
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
General FictionSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.