Girl talk.
DONNALYN
Ewan ko kung ako lang ba pero bakit ganito itong mga kaibigan ko? Nung umpisa, si Aly lang ang may problema! Sumunod si Yumi pero di ko inakala na makikisali si Nao!
"Hija! Ok ka lang?" Biglang tanong sakin ni Manang na katabi ko na pala.
Nakatayo ako dito sa may pinto habang nakatitig dun sa tatlo na tulala at parang ang lalaki ng mga problema!
"Ako po, Oo! Pero yung tatlo, Manang? Ewan ko po eh!" Sagot ko nang medyo pabulong.
"Naku! Naku! Kadalasan, pag ang babae ay ganyan ang posisyon, Isa lang ang iniisip nyan!"
"Po? Ano naman po yun?"
"Pag-ibig, Donny!"
Napakunot ang noo ko! Pag-ibig? Love? Pero, eversince marami nang nagkakagusto jan sa tatlo! Marami narin silang nagiging crush! Pero ngayon lang! Ngayon ko lang sila nakitang ganito!
"Manang? Ano pong gagawin ko?"
"Mainam na kausapin mo nalang sila ng masinsinan! Kung ayaw nilang magsalita dahil apat kayo! Isa-isahin mo sila! Gets?"
"O-opo?"
"Mabuti! Oh pano? Dun muna ako sa hardin at magdidilig lang ako ng mga bulaklak! Ikaw ng bahala dito hah?"
"Osige po Manang!"
Ngumiti sakin si Manang bago tuluyang umalis. Gawin ko nga kaya yung payo ni Manang? Wala naman sigurong mawawala? Hmmm...
* * *
Nandito na yung tatlo sa kwarto ko. Nagtititigan kami! Pero kada papasadahan ko sila isa-isa ng tingin, isa-isa rin silang yumuyuko.
"Magsalita nga kayo! Akala nyo ba di ko pansin? Sana man lang sinasabihan nyo ko kasi hindi madaling manghula kung anong nangyayare sainyong tatlo!" Seryoso kong sabi.
"Donny--"
"Yumi! Please! Mauna ka na! Kailangan ko na ng sagot! Ngayon din!"
"Fine!" Tinignan ako ni Yumi diretcho sa mata.
Teka! Bat naman pakiramdam ko nasisindak ako sa nga tingin nya? My god Mayumi! Kayo dapat ang masindak sa inaasal ko ngayon! Ugh!!
"Start asking now, Donny!" Seryoso pang sabi ni Yumi.
Napalunok nalang ako at di dapat magpasindak sakanya kahit alam kong hindi naman talaga nya ko sinisindak!
"Anong problema mo?"
Ganito dapat kausapin si Yumi! Direkta! Dahil direkta rin sya kung sumagot!
"Namomoblema ako sa isang lalake na ginugulo ang isip ko!" Agad agad na sagot ni Yumi. See?
"Sinong lalake?"
Akala ko agad rin syang sasagot pero parang natatagalan sya ngayon! Pansin kong humugot sya ng malalim na paghinga bago sumagot!
"Si-- Si Neal!"
Sa wakas! May isa ng sagot sa kanina ko pang tanong!
Pero-- Sino daw?? Kumunot na ang noo ko.
"Bakit? Anong ginawa nya sayo?"
"Naguguluhan ako sakanya Donny! Ewan! Ang dami nyang pinapasok sa utak ko na mga palaisipan! Hindi ko mapunto kung anong mga ibig nyang sabihin! Kaya ako madalas mapatulala nalang! Nagiisip ako!" Dirediretcho na sagot ni Yumi.
Napapatango lang ako! Yumi is not the type na mamomoblema sa mga simpleng bagay! Di sya yung tipo na magsasayang ng oras para sa isang problema lang kasi alam nyang sakit lang yun sa ulo!
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
General FictionSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.
