Chapter Fifty-Six

43 3 0
                                    

Eavesdropper

NAOMI


Panay lakad ako sa buong kwarto. Hindi ako makalabas. Panay tawag narin sakin ng yaya ko kasi hindi pa ko kumakain at may pasok pa ko! Tsk! Nasa baba sila mommy! Hindi ko kayang humarap lalo na't may tinatago ako.

Alam na ng parents ko na kami na ni Gino! Pinakilala ko sya nung ihatid nya ko dito sa bahay galing sa Sitio. As expected, hindi na naman nagtanong or nagalit pa si mommy at daddy dahil syempre, anak yun ng bestfriend nila! Haayyy...

"Naomi?! Hija? May pasok ka! Gising na!" Sigaw naman na ayon ni mommy. Opo! Gising na gising na nga ako eh! Buhay na buhay na yung dugo ko dahil sa kaba!

Hindi ako sumasagot. Napaupo nalang ako bigla sa kama ko. Nagiisip ako ng dapat gawin kasi kung bababa ako and sasabihin ko na hindi na ko kakain ng breakfast, magtataka sila! Kasi una, maaga pa! Pangalawa, kahit malate ako noon, talagang kumakain muna ako ng breakfast bago pumasok! Tsk! Pano ba to?

"Nao? Anak nandito si Yumi at Donny! Sinusundo ka!"

Napabalikwas ako bigla sa pagkakaupo ko sa kama. Anong sinusundo? Bakit?-- Oh my gosh! Baka nafeel nila ako? Pwede ba yun? Ah basta! Iisa na siguro daloy ng dugo naming tatlo at nalalaman namin kung may problema ang isa't isa!

Mabilis kong kinuha yung bag ko sabay bukas na ng pinto at kumaripas ng takbo pababa.

"Oh! Akala namin tulog ka pa!" Bungad sakin ni mommy.

"Osya! Tara na! Kumain muna kayong tatlo!" Yaya naman samin ni daddy.

"H-hindi na po d-dad! A-ano po kasi..."

"Dadaanan pa po namin si Aly tito! Sabay sabay na po kami magbebreakfast!" Paningit ni Yumi,

"Ah ganun ba? Osige na at wala pang sasakyan yung batang yun! Haha.. Baka hinihintay na kayo!" Ayon naman ni daddy.

"Osige po! Bye po!" Paalam naman ni Donny.

Paalis na sana kami ng tawagin ako ni mommy.

"Nao! Teka lang anak! Hmm... Tumataba ka ba? Parang ang sikip na nyang uniform mo sayo?" Ayon ni mommy habang sinusuri yung coat ko na masikip na nga talaga sakin.

Napalingon nalang ako bigla kay Yumi at Donny kasi hindi ko alam ang isasagot ko. Tumataba na yata talaga ko! Jusko naman anak! Baka naman malaki ka masyado kaya ang bilis kong manaba!

"Naku tita! Hiyang po yata kay Gino kaya napapalakas lagi ang kain!" Nangingiting paningit ni Donny.

"Ay sus! Di bale, kahit naman tumataba na ang anak ko, maganda parin!" Ayon bigla ni daddy kaya naman napangiti nalang ako habang humahagikgik naman ang bestfriends ko pati si mommy.

"Sige na po! Baka nagmamaktol na po si Aly kakahintay samin! Kilala nyo naman po yun!" Paningit ni Yumi sabay paalam na ulit namin sa parents ko.

Hindi na ko pinagdala ni Yumi at Donny ng kotse. Si Donny rin ay walang dala. Sabi nya kotse ni Yumi lang daw ang gagamitin namin ngayon and next time na daw kami magsari-sarili..

"Grabe!" Ayon ko sabay pakawala ng malalim na paghinga.

"Galing ng timing namin noh?" Nakangiting ayon ni Donny habang nakalingon sakin.. Sya kasi ang katabi ni Yumi na driver namin ngayon.

"Pano nyo nalaman?"

"We didn't know! Basta sinabi lang kasi ni Donny na magsama-sama daw tayong apat ngayon kaya nagpahatid sya sa daddy nya sa bahay kanina!" Sagot ni Yumi.

"Ikaw kasi! Sana sinabihan mo kami agad! Uso tumawag or kahit magtext lang!" Ayon naman ni Donny.

"Nagiisip palang kasi ko ng dapat gawin ng sumulpot kayong dalawa! Grabe! You're my savior!"

Hindi sumagot yung dalawa at nginitian nalang ako.

Dumeretcho kami sa bahay nila Aly at sinundo sya.

Magkatabi na kami dito sa loob ng kotse at oo! Naiirita ko sa galaw nya! Make up ng make up! Akala mo naman may magbabago pa sa mukha nya!

Pairap akong napatingin sa labas ng window. Hangga't hindi ko to nasasabi sa parents ko at nalalaman ang magiging reaction nila, siguro hindi parin ako magkakaron ng peace of mind! Basta! Nakaka stress!

"Don't be! Masama sa baby!"

Napalingon ako sa nagsalita.

"Huh?"

"I said, don't stress yourself too much! You're preggy kaya! It's bad for the baby!"

"Huh? Aly! Ano bang sinasabi mo?"

"Duh! Diba sabi mo nakaka stress?! Ano ba yan Nao! Are you with us?"

Natigilan nalang ako. Hmm.. Siguro lumabas yun sa bibig ko na dapat iniisip ko lang! Ay kaloka!

"Naloloka ka naman ngayon! What's with you--"

"Seriously guys?! Sinasabi ko ba yung iniisip ko lang?" Iritado kong tanong.

Huminto yung kotse tsaka ko nalaman na nasa school na kami. Sabay sabay naman akong tinignan nung tatlo.

"Yes, Nao!" Sabay sabay nilang sagot sabay ngisi.

Napairap nalang ako. Ayoko na nga magsalita! Baka mabwisit lang ako sa mismo sa sarili ko!

* * *

"Yumi! Nagtext sakin si coach!" Ayon ko habang nasa loob kami ng restroom.

"Oh? Don't tell me na maglalaro ka parin?" Natatawang sagot naman ni Yumi.

"G-gusto ko!"

"Huh? Wait! Ano yun Nao? Are you out of your mind?"

"Passion ko to Yumi! Ako din ang team captain!"

"Kahit na!"

"Should we tell my situation kay coach?"

"Nao! If you'll tell him yan ngayon, edi pwedeng malaman yan ng parents mo the day after tomorrow!"

"Huh? Bakit?"

"Magkakaroon ng meeting ang parents natin nun! Di mo ba yun alam?"

Natigilan ako bigla. Seriously? Pero kung kailangan dun lahat ng parents, meaning... Uuwi na ba yung parents ni Gino?

"Nao! Listen to me! You're pregnant! Hindi ka na pwedeng maglaro! Makakasama sayo yun! Ok?"

Nilingon ko si Yumi at pilit syang nginitian habang napapatango.

Binalik ko ang tingin ko sa mirror at inayos ang buhok ko. Pero halos tumalon ang puso ko ng biglang may babaeng lumabas galing sa loob ng isa sa mga cubicle.

Pasulyap sulyap sya samin ni Yumi habang parang tinatago yung mukha nya ng buhok nya hanggang sa tuluyan na syang makalabas ng restroom.

Agad ko namang hinagit ang braso ni Yumi.

"Narinig nya kaya?!" May pagaalala kong tanong.

"Siguro?"

"Yumi!! Ano nga?"

"Honestly speaking, malamang narinig nya nga! She's quite obvious nung lumabas sya!"

"Yumi! Anong gagawin natin? Baka ipagkalat nya!"

"Calm down! Ok lang yan!"

Pinapakalma na ko ni Yumi. Nakakainis! Kumalat lang to sa buong school, Wag na wag magpapakita sakin kung sino man yung babaeng yun! Baka mailibing ko sya ng buhay ng di oras! Grrr!!!


SIE: Beginning TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon