Chapter Fifty-Five

68 2 1
                                    

Sorry, Pwede ba?

MAYUMI


First time naming pumunta sa bahay nung boys dito sa Sitio. Kasama rin namin si Manang Chiki pati si Mang Chito.

"Nice! Almost katulad rin ng house namin!" Ayon ni Donny habang nililibot yung paningin nya sa buong bahay.

"Alam nyo, iisa ang laki at itchura ng mga bahay nyo dito! Iba lang siguro ang ayos sa loob pero iisa ang itchura sa panlabas!" Nakangiting paningit ni Mang Chito.

"Wow! Kaya pala!" Nakangiti naman na ayon ni Aly.

Nililibot ko narin ang paningin ko sa buong bahay. Kung titignan mo ang itchura ng mga bahay namin sa labas, may pagka-vintage ang mga iyon. Pero pag pumasok ka, modern na modern naman!

Nasa panahon ang itchura ng appliances. Malinis. Maaliwalas. At isa pa sa napansin ko, pareho na puti ang kulay sa loob ng mga bahay namin. Oh well, malinis kasi tignan ang puti at maganda sa mata.

"Gusto nyo bang sa likod bahay nalang tayo? May mahabang upuan at lamesa naman dun! Mahangin kaya mas okay!" Yaya samin ni Mang Chito.

Excited naman na pumayag si Aly at Donny. Kalmado lang si Nao na hanggang ngayon kadikit lang si Gino. Ako naman, tumango nalang ako.

Hindi ako pinapansin ni Neal. At dahil dakilang mataas rin ang pride ko, hindi ko rin sya pinapansin! Sanay na naman ako na tahimik lang ako-- Kaso... Simula kasi ng makasama ko si Neal, parang nasanay na kong dumaldal kahit papano. Feeling ko ang loner ko ngayon! Kainis!

Nagsiupuan naman kami sa mga upuan. Pero biglang tumayo si Donny at ewan ko ba! Para syang batang maligalig ngayon.

"Pwede naman sa damo maupo diba? Dun nalang tayo!" Yaya ni Donny.

Isa to sa medyo kaibahan sa bahay namin. Ito yata ang garden nila. Samin kasi, panay puro bulaklak at kung ano-anong naka-design sa buong garden namin.

Pero dito, simple! Oo nga't may mga paso ng bulaklak pero di ganun karami! Kaya pwedeng pwede ka talaga maupo sa damuhan kasi malawak dahil nga walang kung ano-anong naka display!

May swing rin! Pinagdudugtong lang yun ng dalawang malaking puno. Ayos!

"Tara! Tara!" Parang bata rin na ayon ni Aly sabay tayo na at niyaya rin si Chino.

"Oh baby! Dahan dahan lang huh?" Seryosong ayon ni Gino habang inaalalayan si Nao na tumayo.

Di ko naman mapigilang di mapangiti nang biglang batukan ni Nao si Gino.

"Arte mo rin eh noh? Kaya ko naman sarili ko!"

"Grabe makabatok! Concern lang po ako! Baka nagkakalimutan tayo dito na akin rin yan!"

"Naku! Ang OA mo! Akin rin to kaya natural na magiingat ako! Kaloka!"

"Ah basta! Wag ka ng magreklamo jan!"

Hindi ko inaalis ang tingin ko dun sa dalawa. Pansin ko rin ang paglingon lingon sakanila ni Donny at Sid. Wala kasing pake si Chino at Aly. Ewan ko jan! Naglalandian yata!

"Tsss.. Osya! Gusto ko ng mangosteen!" Nakahalukipkip at medyo mataray parin na sabi ni Nao.

"Hmm... Mangosteen? Mang Chito! Season po ba ng mangosteen ngayon?" Tanong ni Gino.

"Hindi pa hijo! Pero meron naman sa bayan! Bibili ba ko--"

"Mang Chito hindi po!" Biglang ayon ni Nao.

"Uy! Gusto ko sayo manggagaling! Tsaka! Gusto ko fresh! Galing puno! Ayoko ng bibili!" Demands pa ni Nao.

"Huh? Eh san naman ako kukuha nun?"

SIE: Beginning TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon