Chapter Fourteen

403 9 0
                                    



Girlfriend.

DONNALYN

Umalis na si Yumi at Neal! Kung saan sila pupunta eh hindi ko alam! Ang weird nga ni Neal eh-- Well, weird-looking nga naman talaga sya! Kaso, kanina, ibang iba yatang Neal ang nandito sa bahay!

Umiling nalang ako kasi ayoko na silang isipin. Kung si Neal naman ang kasama ni Yumi, panatag naman ako!

Ngayon, nasa gitna lang ako nina Aly, Nao, Chino at Gino. As in! Nasa gitna nila ako! Magkatabi si Aly at Chino and magkatabi naman si Nao at Gino. Para akong ewan dito sa gitna nila.

Nagpasama kasi si Manang kay Sid sa bayan! May kailangan raw bilhin at may kabigatan pa kaya lalake talaga ang kailangan nyang isama.

"Huy! Chino! Makalandi ka naman jan kay Nao! Nasa tabi nyo lang si Donny ah!" Nakangising ayon ni Gino.

"Ok lang naman kay Donny eh! As if namang may ginagawa kaming milagro dito noh!" Nakangisi rin na sagot ni Chino. Sus! Napapangiti nalang ako sakanilang dalawa.

"Ay Nao!" Nabaling ang pandinig ko kay Gino.

"Bakit parang tuwang tuwa ka pala kanina na dumating ako?" Tanong pa ni Gino.

Naku! Alam ko naman na ang sagot! Pero magtatanong pa si Gino? Mukhang interesting to!

"Well, nakita mo yung mga nauna sainyo?" Ayon ni Nao.

"Sila Nico? Oh bakit? Anong meron sakanila? Teka! May nanligaw bang isa sakanila sayo?"

It's really getting more interesting!

"Huh? Wala ah!! Eh ayun nga! Naaalibadbaran ako sakanila! Eh alangan namang ipagtabuyan ko diba? Kaya natuwa ako na dumating kayo! Oh diba? Umalis agad sila!"

"Sus! Dami mo talagang alam!"

"Alam mo Gino? Naaalibadbaran din ako sayo! Pero syempre, sanay na ko sayo! Di tulad sakanila na para bang trying hard ulit mapalapit samin!"

"Eh baka gusto lang kayong maging kaibigan ulit?! Arte mo!"

"Hindi ako maarte, bwiset ka! As i remember! Noon pa man, ayoko na sakanila! May kayabangan eh di naman mga gwapo!"

Gustong gusto ko ng patigilin sa pagdaldal si Nao kaso, nagiging interesado talaga ko sa usapan nila!

"May kayabangan rin ako! Pero see? We're still friends! Meaning ba nun, mas gwapo ako sakanila?"

"Naman!!-- Huh?"

Yun lang! Haha. Huli ka balbon!

"Really, Nao?"

"Huh? Ewan?"

"Sus! Sinabi mo na eh! Tsk! Tsk! Sabi na nga bang gwapo talaga ko para sayo!"

"Hoy impakto ka! Lamang ka lang kasi ng isang paligo dun sa mokong na yun!"

"Hay naku Nao! Kahit among sabihin mo, alam kong gwapo parin ang tingin mo sakin! Tsk! Wala tayong magagawa! Charm ko yan!"

"Ay ang yabang! Grabe! Magtigil ka! Wag mong hintayin na sipain kita palabas ng bahay namin, Gino!"

"Pikon kasi nahihiya!"

"Gino!!!!"

"A-aray!! Nao!!"

Napalingon na ko sa dalawa at naabutan na sinasabunutan na ni Nao si Gino. Hay naku! Nakikinita ko na naman kung saan to papunta! Maghihintay na nga lang ako!

"Aly! Ang cute ko noh?" Nabaling naman ngayon ang pandinig ko sa isang side ko! Kila Chino at Aly.

"Mukha mo your face! Hindi ah!"

SIE: Beginning TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon