Apat na higad
ALYSSON
OMG! OMG! OMG! Fiesta na mamaya! Nakaka-excite lalo na't ang daming kwento ni Manang Chiki sa mga previous na naging fiesta!
"Manang! May salon po ba dito?!" Excited kong tanong. Aba! Kailangan maganda ako mamaya ah! Malay natin diba? May feeling akong maraming cute guys dito! Yung apat pa nga lang eh! Ano pa kaya yung ibang boys!
"Salon? Bakit Aly?" Tanong naman ni Donny.
"Ano bang ginagawa sa salon? Kainan ba? Diba hindi?"
"Aba't ang pilosopo mo ah! Tadyakan kaya kita ngayon rin?!" Pairap at inis naman na ayon sakin ni Nao. Hmp!
Actually, wala naman kaming hard feelings nitong si Naomi! Nagkataon lang na talagang napaka ganda ko at ako ang lagi nyang nakikita pag gusto nyang ma-inis! Hmp!
Pero even though ganyan yan! I still love her tulad ng love ko kay Yumi and kay Donny! Sadyang nakakabwisit nalang minsan kasi sumosobra kapilyahan at katarayan nya! Tsk!
"Nevermind na nga! I can manage na naman! Hmp!"
"Tataray taray pa! Akala mo naman maganda!" Pagpaparinig ni Nao. Calm down Aly! Pag pinatulan mo sya, lalo ka pa nyang aasarin! Abnormal kasi!
"Ay! Nasaan nga pala si Yumi?" Biglang tanong ni Manang.
"I dunno po!" Sagot ko naman.
"Oo nga noh! Kanina ko pa sya di nakikita!" Sagot naman ni Nao
"Nasa kwarto nya lang po! Niyaya kong bumaba kanina kaso parang pagod na pagod eh!" Sagot naman ni Donny.
"Baka napagod dun sa pag-visit nya sa rancho raw kahapon!" Ayon ko.
"Rancho? Sa Villawarte?" Tanong ni Manang.
"Opo! Di ba po nagsabi sainyo? I heard po na tinawagan sya ni Tito Hiro and tito ask for a favor na yun nga po, i-check nya raw yung rancho!" Ayon ko.
"Ay ganun ba? Walang nasabi eh! Kaya pala magaalas sais ng nakauwi si Yumi kahapon! Ay teka! Sino ang sumama sakanya?"
"Ay! Ayan po ang hindi ko na knowing Manang!"
Napapatango lang si Manang sa sagot ko.
"Oh pano? Ako ay lalabas muna hah! Para naman makatulong ako sa huling minutong pagaayos! Dumito nalang kayong apat! Wag na kayong lumabas!"
"Ay! Osige po Manang! Wag po kayong paka-pagod masyado!" Nakangiting sabi ni Donny.
Ngumiti samin si Manang bago tuluyang lumabas na.
OMG again! Feeling ko talagang magiging masaya yung fiesta dito! Well, lagi naman daw! Gosh! Ngayon nalang yata ulit kami makakaranas ng fiesta.
* * *
"Tara na mga hija!" Biglang yaya samin ni Manang.
Almost 5pm na! Maaga pa naman daw kaso mas ok na daw yung makita na namin ang venue.
Ang sabi ni Manang. Sinisimulan daw yung fiesta ng isang introduction daw! Napangiti na nga lang ako ng malaman yun! As in may ganung factor pa pala!
Paglabas naming apat, pumunta na kami sa kotse para dalhin kami dun sa malawak na field kasi dun pala lagi ang venue. Ofcourse! Kakasya na yata dun as in lahat ng taga-sitio!
Malawak nga tong lupain namin pero iilan lang talaga ang nakatira! Hindi over-populated dito kaya siguro mas close lahat ng mga tao kasi parang sila-sila lang rin lagi nagkikita-kita at nagkakasama-sama.
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
Ficção GeralSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.