Tampuhan
DONNALYN
Pansin ko ang pagkataranta ni Nao. Siguro kung ako rin ang nasa sitwasyon nya, ganyan rin mararamdaman ko!
"NAOMI!!" Sigaw ni Gino mula sa labas.
"ALYSSON!!" Sigaw naman ni Chino.
"MAYUMI!!" Sigaw naman ni Neal.
Agaran akong tinignan nung tatlo kaya tinignan ko rin sila ng may pagtataka.
"Ano?" Tanong ko pero di sila sumasagot. Parang nabasa ko na sa mga titig nila ang gusto nilang sabihin.
"Naku hah! Hindi kami ni Sid! Wag na kayong magtaka kaya walang sumisigaw sa pangalan ko!... Osya! Harapin nyo na yang tatlo!" Ayon ko.
Saglit pa ay binuksan na ni Yumi ang pinto. Sakto namang nasa labas na pala ng pinto yung apat na lalake.
Walang ano-ano namang nagsipasukan yung apat. Nakita ko pa sa likod nila ang bagong dating na sina Manang Chiki at Mang Chito na natahimik lang. Nginitian ko nalang sila ng pilit kasi ayoko namang sumabay sa sigawan ng mga lalakeng to.
"Aly!! Kung hindi pa tumawag si Mang Chito samin, di ko malalaman na nandito ka! Ano ba? Tinataguan mo ba ko? Bakit?!" Pasigaw na bungad ni Chino ng malapitan nya si Aly.
"What the hell Mayumi?!! Kahapon mo pa di sinasagot ang tawag ko! Kung dito lang kayo pupunta, pwede mo naman sana kong sabihan diba? I'm so worried about you! Muntik na kong sumugod sa bahay nyo!" Sigaw naman ni Neal habang hagit ang braso ni Yumi.
"Nao?! Ano bang problema? Hindi na nga kita nakitang pumasok kahapon! May nagawa ba ko? May problema ba tayo? Sabihin mo naman kasi kahapon pa ko nagaalala sayo!!" Sigaw naman ni Gino. Saglit na natahimik ang lahat bago biglang sumigaw si Sid.
"Donnalyn!! Kung hindi pa tumawag si Mang Chito sakanila, di pa nila malalaman na nandito kayo! Tinataguan ba ng mga kaibigan mo ang mga kaibigan ko?! Hindi nila sinasagot ang mga tawag nung tatlo! Nagaalala sila kahapon pa! May problema ba? May nagawa ba sila? Sana sabihin nila para maayos na!!"
Tinignan ko lang ng may pagtataka si Sid. Anong pinagsasabi nito?
"Huh?" Tanong ko.
Umayos bigla ng tayo si Sid, pinasok nya ang kamay nya sa dalawang bulsa ng jeans nya at bumuntong hininga.
"Wala lang! Ang dami nilang sinasabi! Sabay-sabay pa! Ginawan ko lang ng summary para malinaw na!" Nakangising sagot ni Sid.
Inirapan ko sya habang umiiling. Akala ko kung ano na. Lakas umepal ah!
"Hep!! Wait lang ah! Akin na nga muna tong mga kaibigan ko! Kayong apat tumayo lang kayo jan!" Paningit ko sabay hila sa mga kaibigan ko.
Tumayo kami sa harap lang nung apat na lalaki. Mabuti ng nasa side ko ang mga kaibigan ko kesa hagit hagit nung tatlo! Naku!
"Sandali! Dun muna kami sa labas! Ayusin nyong lahat yan!" Biglang ayon naman ni Manang Chiki sabay lapag nung mga pinamili nila then lumabas na.
"Uhmm..." Alanganing ayon ni Aly habang lumilinga linga dun sa mga lalake.
"Gino... Kasi..." Pansin kong di malaman ni Nao kung pano sisimulan ang pagsasasalita.
Agad naman akong napalingon kay Yumi na humakbang ng konti lang sa harap ni Neal habang nakahalukipkip.
"Pwede wag na tayong magsigawan dito?! Hmm.. Neal! Sorry kung hindi ko sinasagot yung calls mo! We just need some time alone. Uhhh... B-bonding naming apat to!" Ayon ni Yumi na medyo na-utal na nung bandang huli.
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
Tiểu Thuyết ChungSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.