Chapter One

873 12 3
                                    



Nandito na po tayo.

DONNALYN

Halos tulog yung tatlo dito sa kotse dahil may kahabaan talaga ang byahe mula manila hanggang papunta sa Sitio.

"Kuya! Malayo pa ba?" Tanong ko sa driver namin na maghahatid samin.

"Mga isang oras mahigit nalang po nandun na tayo!" Sagot naman agad ni kuya driver.

Napabalik nalang ako sa pagsandal sa seat ko. Sa totoo lang, may alinlangan ako sa pagpunta namin sa sitio.

Nagbabasa ako minsan ng libro. May nabasa ako na may mga multo or aswang daw sa mga province. I may look tough pero takot ako sa aswang at multo! Nageexists sila para sakin.

Hmmm... Pero mukhang di naman siguro ganun dun! Tsaka, naisip ko rin na nung mga bata pa kami, pumapasyal kami doon! Natigil nga lang ng di ko alam kung kailan at bakit.

Magkakaibigan ang mga magulang naming apat kaya ang ending, kaming apat rin ay naging magbebestfriends. Little sister ko silang tatlo, gustong gusto ko na inaalagaan sila kahit magugulo sila! Siguro dahil wala akong kapatid? Hmm..

"H-hey!" Napalingon ako sa katabi ko na biglang nagsalita na medyo paos pa dahil kakagising lang.

"Oh! Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong ko agad.

"Yup! Uhm.. Ikaw? Natulog ka ba Donny?"

"Nope! Di ako makatulog eh!"

Saglit kaming natahimik. Sya ang pinaka peaceful kong kaibigan. Di kasing daldal at kulit nung dalawa pa.

"Yumi! Ano sa tingin mo itchura nung sitio? Nakalimutan ko na kasi since bata pa tayo nung huli tayong nakapunta dun!" Agad kong tanong na medyo pabulong kasi nakanganga pa si Nao at Aly sa likod namin.

"Hmm... Ewan ko rin eh! I can't remember a single thing about sa sitio na yun!" Sagot agad ni Yumi.

"Tingin mo kaya, maayos dun? I mean, yung mga tao! Baka may mang bully satin dun kasi mga laking manila tayo! Dayo ang dating natin dun!"

"You're overthinking again Donny! Inalagaan yun ng parents natin kaya tingin ko, mukhang maayos naman dun! Tsaka, kung may magtangka mang mambully satin dun, Aba! dadaan muna sila sa kamao namin ni Nao! Haha!"

Napangiti nalang ako sa sagot ni Yumi. Siguro nga nagiisip nanaman ako ng sobra! Tsk! Kaya madalas sumakit ulo ko eh!

At mukhang magiging araw-araw pa ngayon since sa iisang bahay lang kami titira kasama si Aly. Ugh! Si Aly na reyna ng kaartehan, kaingayan at kalokohan! Tsk!

Natahimik nalang kami ni Yumi. Pareho kaming nakatingin sa labas ng bintana sa kotse. Maganda ang ambiance ah! Mukhang marerefresh kami ng sobra dun.

* * *

"Sitio Crescente?... Hmm... Kuya driver! Sitio Crescente ba talaga ang pangalan ng sitio namin?" Biglang tanong ni Yumi. Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita yung malaking arko na may Sitio Crescente ngang nakasulat.

Ang Sitio na to ay pagaari ng mga daddy namin. And actually, dito daw sila nag-meet ng mga mommy namin! Ang sweet nga eh!

"Opo! Bakit po?" Tanong ni kuya driver. Yan talaga tawag namin apat kahit sa kanya-kanya naming driver.

"Really? Parang ngayon ko lang narinig eh!" Sagot ni Yumi.

"Ofcourse! Ngayon lang tayo pumunta here diba?" Maarteng paningit naman ni Aly sa likuran namin.

"Hoy! Bumalik ka nga sa pagtulog mo at wag ka ng gumising!" Pangiinis naman ni Nao. Hay naku! Ang forever frienemies!

"Tahimik nga!" Saway ko sakanila.

Nang tuluyan naming nalagpasan yung arko, marami na kong nakikita na mga tao. Lahat sila mukhang masasaya.

Medyo nagulat ako ng bigla silang parang nagkagulo at nakatingin lang sa kotse namin. Yung ibang masasabi kong may katandaan na, tumatango pa sila samin as if nakikita nila kami sa sobrang tinted na kotse namin.

"Ma'am! Nandito na po tayo!" Napaayos ako ng upo ng maramdaman kong tumigil na sa pagandar ang kotse.

"Po kuya?" Tanong ko.

"Nandito na po tayo...

Nasa Sitio Crescente na po tayo!"

SIE: Beginning TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon