Chapter Sixty-Seven

75 3 2
                                    

Hindi kita bibitawan.
NAOMI

"Anak, malapit ka ng lumabas dito! Konting tiis nalang huh?" Ayon ni Tita Miranda kay Yumi.

Sabi nila na ang sabi daw ng doctor eh hindi naman daw malala ang nangyari kay Yumi. Kaya lang, hindi daw yun maiiwasan hangga't dala-dala ni Yumi ang sakit nya.

"Gagaling pa ba po si Yumi?" Tanong ni Donny kay tita at tito.

Hindi kami umaalis sa tabi ni Yumi hangga't nandito sya sa ospital. Hindi namin sya kayang iwan eh! Sabi nga nila na medyo masama daw sakin tong ginagawa ko kaso mas di ako mapapakali pag di ko malaman kung ano na ba talagang nangyayari sa bestfriend ko.

"Ofcourse! Ginagawa naman namin ang lahat eh!" Sagot ni tito Hiro.

"Miranda! Wala na bang ibang way nasabi yung doctor?" Tanong ng mommy ko.

"Ang sabi, pwedeng matapalan ang butas sa puso ni Yumi kung kukuha ng ipangtatapal which is sa other parts ng katawan nya--"

"Mom! Stop! Nakakadiri naman yan!"

"Yumi, yun ang sabi ng doctor eh!"

"Para naman akong baboy na ichochop nyan! Kadiri!"

"Hindi ganun yun! Doctor sila at alam nila ang sinasabi nila! Yun nga ang ibang way! Mas madali yun! Noon kasi, di pwedeng gawin sayo yun dahil mahina ka pa! Pero ngayon, pwede na! Kung willing ka!"

Natahimik kami sa sinabi ni tita Miranda. May paraan naman pala eh! Pero tama sila. Naaalala ko pa nung time na sobra kung manghina si Yumi kahit sa konting galaw nya lang! Naaalala ko rin noon kung pano nya kami panoorin maglaro kasi di sya pwedeng sumali samin. Dun na yata nagsimula ang depression nya.

In Yumi's case. Hindi sya pwedeng masunod pagdating sa mga activities na gusto nyang gawin. Kaya talagang gulat na gulat ako nung pinayagan syang sumali sa Volleyball team! Ilang months akong di komportable nun at nagaalala lang. But she prove na kaya na nga nya! Yun lang, ngayon, bumigay na naman ang katawan nya.

"Kailan po pwedeng gawin yung operation?" Biglang tanong ni Yumi.

Nagkatinginan muna si tito at tita at parang di makapinawala sa agad na sinagot ni Yumi.

"You know what? Mas kakayanin ko po yung operation na yun kung alam ko na okay na kayong dalawa!" Seryoso pang dugtong ni Yumi.

"Anak--"

"Look dad, alam ko namang di kayo okay ni mommy! Ikaw po kasi, feeling mo dapat lahat ikaw lang po ang mag handle! Hindi mo po iniisip na nandito kami ni mommy to help you out!" Yumi paused.

"And mom! Daddy is just worried po! Minsan nagagawa nya pong maglihim simply because ayaw nya tayong magalala! As long as kaya nyang isolve magisa, di na nya hahayaan na malaman natin so we don't have to worry about anything!" Dugtong pa ni Yumi.

Wala na namang nagsasalita. Nakahalukipkip si Tita Miranda habang pasulyap sulyap naman sakanya si Tito Hiro. Oh my gosh! Ang cute pala nila pag nagkakatampuhan sila! Para parin silang mga teenagers!

"Mom! Dad! Please lang! Sa bahay nalang po kayo umarte ng ganyan! Nandito po mga kaibigan ko and some of their parents na friends nyo! In short, nakakahiya po yang inaasal nyo ngayon!" Ayon pa ni Yumi kaya naman nagkatawanan na kaming lahat.

"Jusko! Anak nyo na nahihiya sa kaartehan nyong dalawa! Hala sige! Mag ayos na nga kayo ah!" Natatawang ayon ni tita Mylene. Donny's mom. She's like Donny talaga samin. Sya yung second na nakakatanda sakanila after kay tita Rowena. Pero mag-ina talaga sila!

"Sorry anak!" Ayon ni tito Hiro.

"Right! Sorry anak! Yang daddy mo kasi! Mahilig magsarili ng problema! Akala mo naman ang galing galing nyang magsolve mag-isa!" Nakahalukipkip namang ayon ni tita Miranda

SIE: Beginning TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon