Mabilis.
NAOMI
Nandito lang kami sa sala. Actually, nakapapatingin lang kaming tatlo ngayon kay Yumi na halos di kumukurap! Problema nito?
"Pst! Sikuhin mo na!" Utos ko kay Donny pero kunot noo syang umiling.
"Donny? Is she okay pa ba?" Tanong naman ni Aly. Pero nagkibit balikat lang si Donny.
Nasa gitna namin si Yumi. Kung tutuusin, halatang halata na kami sa pagbubulungan at pagtitig namin sakanya! Kaso, para bang wala syang katabi! Parang para sakanya, magisa lang sya? Ang weird talaga!
"Ano kayang nangyare?" Pagbulong ni Donny.
"Sikuhin mo na kasi ng matauhan!" Pagpupumilit ko.
"Donny! I think she'll go crazy pag di pa natin sya kinausap!" Bulong na parang pasigaw pa na ayon ni Aly
"Pabayaan nyo nga kasi sya!" Inis pero pabulong parin na ayon ni Donny.
"Tsk!" Halos magtalunan ang mga puso namin sa biglang paggalaw ni Yumi at dahan-dahan na paglingon samin.
"Pwede ba? Nagbubulungan nga kayo pero binubulong nyo rin sakin! Ugh!!" Inis na ayon ni Yumi.
"Hala sya!! Ano ba kasing nangyayare sayo?" Tanong ko.
"Yumi are you okay? Seriously! Are you?" Tanong ni Aly.
"Ano ba kasing problema Yumi? Pwedeng pwede ka naman magsabi samin! Alam mo yan!" Ayon ni Donny.
Napatitig samin si Yumi sabay bumuntong hininga bago magsalita ulit.
"Actually, wala naman talaga! Kaso..."
"Kaso?" Tanong ko.
"Kaso may mga bagay na ginagawa ko lang talagang big deal! As in! Kahit di naman dapat isipin, iniisip ko parin ngayon! Nakakainis!" Naiinis nga nyang sagot.
"Ano ba kasi yun?" Naiinis narin ako! Normally, direkta sumagot si Yumi pero ngayon, ang complicated nyang kausap!
"Hay naku! Wala! Sorry! Wag nyo na nga ko intindihin!" Salubong lang ang kilay ni Yumi habang nagwawalkout at umakyat na sa kwarto nya.
"Minsan, weirdo talaga yun!" Ayon ko pa.
"You said it! Pareho sila ni Neal! Madalas, weird!" Ayon naman ni Aly.
"Kaya nga para sakin, bagay sila!" Halos lumuwa yung mga mata namin ni Aly ng mapalingon kami kay Donny dahil sa sinabi nya.
"Seryoso ka jan?" Usisa ko.
"Ofcourse! Kung mapapansin nyo silang dalawa na magkasama, masasabi nyo rin na bagay nga sila!" Sagot ni Donny.
"So you're saying na bagay sila just because sinabi namin na pareho silang weird? So ano sila? The weirdo couple?" Ayon ni Aly.
Ang sarap mong batukan sa mga oras na to Alysson! Ewan ko kung nagtatanga-tangahan ka lang o sadyang tanga ka talaga!! Ugh!!
"Aly! Hindi ganun! Hay naku! Sinasabi ko sainyo! Pag nakita nyo ulit na magkasama si Yumi at Neal, pagmasdan nyo silang mabuti! Tsaka nyo ko maiintindihan!" Sagot ni Donny sabay tayo at lumabas ng bahay.
"Ayan! Na-badtrip yata! Shunga mo kasi kahit kailan!" Saway ko kay Aly.
"Wow huh? I'm just saying!" Napataas pa yung dalawang kamay ni Aly na parang may sinusukuan sya.
"Sus! Ay! Ikaw naman! Oh bakit ka umiiyak kahapon? Anong nangyare sainyo ni Chino?" Usisa ko.
"Seriously Nao? Chismosa lang?"
Agad ko syang binatukan.
"Gaga! Makapagsalita ka parang di ka chismosa kay Yumi!"
"Ang sakit ah!! Eh iba naman yung kay Yumi!"
"I know! Pero i'm asking you! Ngayon, sasagot ka o mawawalan ka na ng dila?"
Napalunok bigla si Aly. Inilabas nya pa ng bahagya yung dila nya at tinignan.
"I love my tongue! Okay i'll speak na!"
"Daming arte! Oh ano na nga!"
"Dun na sa point! Sinabihan kasi ako ni Chino ng... Uhm... Ma--mahal nya daw ako!"
"Oh tapos?"
"Yun na nga Nao! Sinabihan nya nga kasi ako ng mahal nya ko!"
"Yun lang? Tapos umiyak ka na? Baliw ah!"
"Nao!! Reality check! May girlfriend sya sa ibang bansa! I've never imagine na magiging kabet ako noh!"
"Malay mo hiwalayan na nya for you!"
"I don't know Nao! I mean... Bakit all of a sudden sasabihan nya ko ng ganun? Diba parang ang weird? Kasi... We've been friends and all pero i never felt na may ganun syang feelings for me!"
"Ewan ko Aly huh? So far, and to be honest! Nabibilisan ako sa nangyayare sainyo! Sabi mong sinabihan ka nya na mahal ka nya? Ang bilis nga naman! Naku! Wag kang pumasok sa ganyang relationship!"
"Bakit?!"
"Kasi kung mabilis nyang nasabi na mahal ka nya, may possibility na mabilis nya ring masasabi na ayaw na nya!"
Hindi sumagot si Aly. Pansin ko yung bakas ng confusion sa mukha nya! I know maguguluhan sya pero i just have to say it kasi yun ang napansin ko ng magkwento na sya!
Madalas kaming di mag kaintindihan ni Aly. Oo, lagi kaming nagiinisan at nagpipikunan! Pero that's not a reason para hindi ko sya bantayan at protektanan!
Kaya Chino! Wag ang bestfriend ko! Pumili ka ng ibang gagaguhin mo!
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
General FictionSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.
