Baguio.
DONNALYN
Thursday ngayon. Vacant day namin at nataon rin na holiday kinabukasan kaya ko sinabihan si Sid na pumunta dito. Ayoko na ng sakit sa ulo! Although nagagawa ko naman sila intindihin kaya lang, gusto ko narin maging maayos lahat! For sure, ganun rin sila!
Ngayon, kung di nila magawa ng sarilinan, mangengealam na ko! Either way, alam kong baka eto lang yung time and moment na hinihintay rin nilang mangyari.
"What are we gonna do today? Like, Seriously? 7am palang Donny!" Maarteng tanong ni Aly habang nakasalampak lang sa sofa.
"Wala ba parents mo? Anong meron at ang aga mo kaming binulabog?" Tanong naman ni Nao.
Binaling ko muna ang tingin ko kay Yumi bago ako sumagot. Hindi kasi sya nagsasalita at parang tulala lang talaga.
"Just wait! I'm still waiting for someone!" Sagot ko.
"Who?!" Tanong ni Aly.
"Basta!"
"You're not in a good mood ah? Are you okay?"
"Yeah! Just... Monthly period ko kasi!"
"Ohhh! That explains every kaseryosohan thingie! Okie!" Ngumiti lang si Aly kaya nginitian ko nalang rin sya.
Di nagtagal.. May narinig na kong nagdoorbell! Si yaya ko na ang pumunta sa pinto.
"Ms. Donny! Nanjan na po sila!" Ayon nya sabay balik sa ginagawa nya.
Hindi ako nagsalita hanggang sa lumapit na samin yung apat. Tinignan ko yung mga kaibigan ko and all i can see are shock faces.
"Donny--"
"May pupuntahan tayo!" Paningit ko kay Nao.
"Wait! What? Now na? Saan?" Tarantang tanong naman ni Aly.
"Yup! Sa Baguio!" Agad kong sagot.
"Donny?! Wala kaming dalang dam--"
"Don't worry, Nao! Nasabihan ko na naman ang yaya nyo na ihanda kayo ng damit! Paniguradong naiabot na nila yun kay yaya kaya nasa kotse na yun!"
Hindi na sumagot si Aly at Nao pero umiiwas na sila ng tingin sakin.
"Sid! Okay na ba lahat?"
"Oo Donny! Diba mga bro?"
"Oo! Tara na! Exciting!" Agad na sagot ni Gino.
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
BeletrieSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.