Chapter Sixty-Five

72 4 1
                                    

Not again.
MAYUMI


Nandito kami ni Neal sa bahay nila. Dito sa living room. Magkayakap habang nakaupo. Nanunuod ng kung ano-ano na di rin naman yata namin iniintindi kasi sa isa't isa ang focus namin ngayon.

"I'll keep on holding your hand this tight! At hinding hindi kita bibitawan!"

Tumingala ako dahil nakapatong ang ulo ko sa balikat nya. Nginitian ko sya ng matamis kasi kinikilig ako.

"You're so sweet!"

"Nakakaumay ba?"

"Ayos lang! Tayo lang nandito eh! Kung sa harap ng maraming tao, baka magwalkout ako dahil sa hiya!"

Bigla kaming nagtawanan at parang ewan nalang kung magsiksikan na para bang ang sikip sikip sa napakalaki nilang sofa.

"Ohh! What do we have here?" Agad kaming naghiwalay ng pagkakadikit ni Neal at nilingon ang nagsalita.

"Tita! Tito!" Tumayo ako para humalik sa pisngi nilang dalawa.

"Ang wrong timing nyo naman po eh!" Iritadong ayon naman ni Neal.

"Naku hah! Anak! Ngayon ka nalang namin ulit nakitang ganyan kasaya! Kung makangiti ka para kang nanalo sa lotto!" Natatawang ayon ni tito Jordan.

"It's more than that, Pa!" Ayon ni Neal sabay pulupot ng kamay sa bewang ko.

"Naku! Nakakatuwa kayong dalawa! By the way Mayumi! Napakilala mo na ba sa parents mo as your boyfriend ang anak ko?" Tanong naman ni tita Olive.

"Oo naman po! That's mom and dad's first rule po sakin!"

"They really are too protective of you! And now, let our son do the same! Bayaan mo sana syang protektahan at ingatan ka!"

"Ma naman! You sounded like too serious naman!"

"Dapat lang na magseryoso! Lalo na't alam naman natin na may heart problem si Yumi! Kaya be sure to take good care of her!" Ayon ni Tito.

Napahiwalay ng pagkakapulupot sakin si Neal at nagtataka akong tinignan.

"Huh? Pa? What do you mean?" 

Biglang nagkatinginan si Tito at Tita. Napapayuko naman ako kasi di ko alam na di pala alam ni Neal ang tungkol sa sakit ko.

"Wait! You don't know? Actually, yun nga yung reason kung bakit di na sila bumalik sa Sitio for so many years!"

"Ano ba po yun?"

"Ay! Naku! M-maiwan na nga muna namin kayong dalawa huh? Tara na Jordan!" At biglang hinila ni tita paalis si tito kaya naiwan kami ni Neal na natahimik lang.

Agad kinuha ni Neal ang kamay ko at inakay ako paupo ulit sa sofa.

"Yumi! Ano yun? Anong sinasabi ni Mama at Papa?"

"Ano kasi Neal..."

"Calm down! I just wanna know!"

Natahimik ako habang nakatingin lang ng diretcho kay Neal. Suddenly pra akong kinabahan. Ano ba namang kaso kung sabihin ko yun sakanya diba? Kaso, parang naninikip yung dibdib ko bigla.

"Yumi! Okay ka lang?" Di ko na naiintindi si Neal. Napapahawak nalang ako sa dibdib ko kasi literal na naninikip talaga ang dibdib ko ngayon.

Tumawag ng yaya si Neal at nagutos na magdala ng tubig. Nang mainom ko ang tubig at kahit papano eh nahimasmasan ako, Agad akong nakaramdam ng yakap galing kay Neal.

"It's okay! I'm here!" Ewan ko pero naiyak nalang ako. Ano bang inaarte ko? Bakit ba parang big deal sakin na masabi sakanya ang sakit ko na kung tutuusin, di na naman umaatake sakin for so many years.

Humiwalay ako ng yakap sakanya at tinitigan lang sya. Para akong humahanap ng bwelo para magkwento sakanya about everything.

"Neal... May butas ang puso ko!" Huminto ako saglit para sana tignan yung expression nya. Napakunot lang sya ng noo at parang nagaabang pa sa idudugtong ko.

"Bata palang ako nung nalaman to nila daddy at pinaalam nila sakin! Kaya nga siguro bigla kaming di bumalik sa sitio! Nadamay pa yung tatlo pero yun naman ang gusto ng parents nila! Ayaw nila ko hayaan magisa!" I paused.

"Neal... Hanggang ngayon kasi hindi pa to natatapalan! Kaya nga ingat na ingat sakin ang parents ko! Strict sila madalas at naiintindihan ko naman yun!... Ikaw? Ano ng plano mo?"

Agad akong tinignan ng diretcho ni Neal at di parin nawawala yung kunot sa noo nya!

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wag na tayong magpaligoy-ligoy Neal! May sakit ako! Hindi pa ko magaling! Walang nakakaalam kung kailan ako aatakihin nito! Kaya nga di ko binalak na ipaalam pa sayo eh! Pero okay lang! Iwan mo ko kung kailangan! Kasi sino bang tanga ang papayag kumapit sa taong walang kasiguraduhan kung mabubuhay ng matagal!" Nakangisi kong ayon.

Ayokong umiyak. Not infront of him. But i'm just saying the truth this time! I'm just stating the possibility na-- well, baka hindi na ko gagaling at ayoko syang umasa na may Yumi syang makakasama for the rest of his life.

Eto na nga ba yung inaalala ko! Yung time na sisisihin ko na yung sarili ko kasi mali ang choices ko! Maling mali na inuna ko ang emotions ko at di na inintindi yung ibang bagay especially this.

Tumayo ako at lalabas na sana sa pinto ng may humagit sakin at basta niyakap ako. Hindi ko na nakontrol ang sarili ko kaya napahagulgol nalang talaga ako.

"Mayumi! Hija! Tahan na!" Ayon ni Tita Olive na mahigpit ang pagkakayakap sakin.

"Makakasama sayo to! Never ka na nga daw umiyak diba? Kasi nga masama sayo! Sige na! Tahan na!" Dugtong pa ni tita.

"S-sorry po! Tita! I didn't mean na idamay po si Neal! I didn't mean to fall for him--"

"Sshhh! Ano bang sinasabi ko jan bata ka? Wala namang problema ah!"

"Meron po tita! Sa isang relationship! Ang babae ang dapat mas nagaalaga at nagaasikaso sa lalake! Pero magiging pabigat po ako ngayon kay Neal!"

Napapailing lang si tita bago ako yakapin ulit. Nawawalan na ko ng energy! Para bang nanlulumo na ko at parang nanlalambot narin ang mga tuhod.

"Yumi!! Hija!!"

Agad akong inalalayan ni tita at tito paupo sa tabi ni Neal. Umiikot yung paningin ko pero ayokong pumikit. Nung bata pa ko. Bilin ng mommy na pag ganitong umiikot ang paningin ko at hilong hilo na ko. Labanan ko daw! Wag na wag daw akong pipikit.

"Yumi!! Calm down! Hija kaya mo yan!" Ayon pa ni tito Jordan pero di ko na talaga kayang labanan. Bumabagal din ang tibok ng puso ko.

Hindi to pwedeng mangyari ulit! Hindi ngayon, hindi kahit kailan!

--------------------------------------------------------------

Hi loves! Sana bigyan nyo rin ng pansin yung bago kong story entitled "SO, THIS IS LOVE" book 2 na yan ng It must be love. Anyway, Thanks in advance! :)


SIE: Beginning TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon