16years ago.
DONNALYN
Nandito ako sa field kung san kami dinala noon ni Aly. Kasama ko si Sid! Boring kanina and buti nalang pumunta sya sa bahay at nagyaya na magstroll.
Ewan ko kung bakit ayaw sumama nung apat! Yup! Yung apat lang! Kasi si Neal at Yumi. Tinatamad sila! Yung apat, ewan ko sa mga yun!
"Pagod ka na ba maglakad?!" Tanong ni Sid na halos di na maidilat yung mata nya dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha nya.
Mahangin pero sadyang maaraw lang rin. Ok nga eh! Parang di parin ako pinagpapawisan kahit anong tirik ng araw.
"Medyo lang! Pero ok lang naman ako!" Sagot ko naman.
"May swing dun sa ilalim ng puno, dun lang! Punta tayo?" Yaya ni Sid. Tumango lang ako bilang sagot pero bigla nyang hinagit ang kamay ko.
T-teka?! Bakit? Kailangan talaga may paghawak ng kamay? Di naman ako naa-out of balance ah? Hmm..
Naku! Naku! Donnalyn! Ang heartbeat mo! Parang bumibilis! Ano? Ngayon lang nahawakan ng iba ang kamay? Jusko! Ano pong kalokohan to?!
* * *
"Ang hangin! Refreshing!" Ayon ko habang nakapikit pa. Nakaupo lang din ako at medyo dinuduyan ang swing.
Isang mahabang upuan to na nakatali sa ilalim ng puno! Pang tatluhang tao nga rin yata to eh.
Medyo natahimik lang kami ni Sid ng ilang sandali pero sya narin mismo ang bumasag sa katahimikan namin.
"Uhm.. Donny? Ahh.. Ano kasi.."
"Hehe! Ano ba yun Sid?!"
"Kasi... Hi-hindi mo na ba talaga ko na--nakikilala?!"
"Huh? W-what do you mean by that Sid?"
"Hmm.. Kasi Donny! Just-- Just tell me kung di mo ba talaga ko nakikilala?!"
"Ahm.. O-oo? Wait nga! Ano ba kasing ibig mong sabihin Sid! Medyo last week palang tayo nagkakilala diba?!"
"Donny! Hi-hindi!"
"Huh?!"
"16 years ago! 5 years old ka palang nun diba?!"
"O-oo! I'm 21 na ngayon! Bakit ba? Anong meron dun Sid?!"
"Well, 16 years ago was when we first met!"
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
General FictionSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.
