Baby.
NAOMI
Nanggigigil ako! Ewan ko ba? Pagtapos magkwento ni Aly eh parang pag nakita ko si Chino, masasampal ko sya ng di oras! Ugh!!
Lumabas ako ng bahay at pumunta sa bayan. Oo! Magisa! Walang paa-paalam! Alas-dos palang naman ng hapon. Uuwi naman ako ng maaga!
Palingon-lingon lang ako sa paligid. Nagugutom ako! Ugh!! May mcdo kaya? Saan?
Shems! Mahirap talaga pag ginugutom ako! Kasi pag ganun, gutom talaga ako! Hindi ako mapakali! Ano ba yan! Bat naman wala akong makitang kahit isang fastfood chain lang--
"Nao?" Agad akong lumingon sa likuran ko.
"Uy!!" Parang kumislap ang mga mata ko.
"Anong ginagawa ko dito magisa?" Nakangisi nyang tanong.
"Naiibyerna ako Gino! Gusto ko lang umalis sa bahay! Ikaw?"
"May tinignan lang ako! Hmm... Tatanungin na ba kita kung gusto mo ng kasama o uuwi nalang ako?"
"Tsss! Umuwi ka kung gusto mo! Bahala ka sa buhay mo!"
"Sunget! Sige na! Sasamahan na kita! Kawawa ka naman!"
Hinampas ko ang braso nya kasi tawa sya ng tawa! Nang-aasar masyado! Kainis!
"Ano bang gusto mong gawin?" Tanong ni Gino na talagang wagas kung maka-ngisi
"Nagugutom ako! Wala bang kahit anong fastfood chain dito?"
"Hmm.. Dito sa bayan, wala! Sa Verdana meron! Kaya lang, wala akong dalang kotse! Medyo malayo na yun!"
"Edi tara! Commute!" Masigla kong sagot.
"Sure ka?"
"Oo naman noh! Tingin mo sakin maarte? Si Aly lang yun ah!"
Nagtawanan kami bigla! Bihira to pero ok lang! Kahit minsan nagrarambulan kami nito, sakanya parin ako komportable sumama.
Dinala na ko ni Gino sa terminal ng jeep.
"WALO PA!! WALO PA!!-- Oh! Gino!" Napahinto sa pagsigaw yung lalaking dispatcher at nakangiting binati si Gino.
"Kuya Val!" Bati ni Gino sabay hi-5 pa dun sa lalake. Bigla silang may napagusapan at nagtawanan nalang.
Tumatawa namang napalingon sakin yung lalake pero medyo kumunot ang noo ko ng biglang nagseryoso yung mukha nya.
"Ma--Ma'am Naomi!" Halos sambahin nya ko sa sobrang pagyuko nya.
"Po?" Takang taka kong tanong.
"Ay! Ano po.. A-ano pong ginagawa nyo rito?" Parang natatarantang tanong ni kuya Val.
Nilingon ko si Gino at halos mamula na sya sa pagpigil ng tawa nya.
"Po? Uhm.. Wait lang kuya! Bakit ka po namomopo sakin? Tsaka, ma'am? Hindi po ako teacher!" Alanganin kong sabi.
"Ay hindi naman po sa ganun! Gu--gumagalang lang po ako!"
"Huh? Bakit po?"
"Ma'am! Anak po kayo ni Senyorito Romi! Na--nakakahiya po!"
Napapikit ako sabay nakangising umiwas ng tingin! Ano ba naman tong si Kuya?! Kailangan talaga may paggalang pa? Edi sana si Daddy nalang galangin nya! Wag na nya ko idamay! Nakakailang!
Siniko ko si Gino na kanina ko pa rin gustong sakalin! Tinignan ko sya ng masama at inaasahan kong maiintindihan nya na kailangan kong kausapin nya yung Kuya Val!
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
General FictionSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.
