Chapter Thirty-Nine

80 2 1
                                        


Unofficial.

MAYUMI




"Yum—"



"Shut up Nao! I'm not in a good mood!"



"U-uhm.. Okay?"



Nakakabwisit! Ang landi! Naiirita ako! Ayoko naman talagang mainis dahil unang una, wala naman akong karapatan! Kaya lang... Ugh!! Nanggigigil talaga ko ngayon sa nakita ko!!



Hindi ako nagsasalita. Sinunod rin ni Nao ang sabi kong tumahimik muna sya! Palingon lingon naman sakin si Gino na naglalakad sa unahan ko kasabay si Nao, pero di nya ko matitigan ng husto dahil sa galit sa mga mata ko!



Kasabay ko sa paglakad ngayon si Sid. Tinitignan tignan rin nya ko base sa peripheral view ko.



"Yumi! Pwede akong magsalita?" Alanganing tanong ni Sid. Nilingon ko sya at tumango lang.



"Galit ka kay Neal?"



"Ang sabi mo kanina, kung pwede ka bang magsalita! Hindi ka nagtanong kung pwede mo ba kong tanungin!"



"Huh? Uhh... Tsk! Ano ba yan!" Pabulong na ang ayon ni Sid pero nagawa ko parin syang marinig kahit papano.



"Okay! Pwede bang magtan—"



"No!"



"Yumi nama—"



"I said no, Sid!"



"Ugh!! Fine! Magsasalita na nga lang ulit ako— Oops! Pumayag ka kanina ah!"



"Tsk!"



Hindi agad na nagsalita si Sid. Para syang ewan na parang bumebwelo pa.



"Okay! Wag ka magagalit kay Neal huh? You know? Yung Meg naman ang lumapit sakanya kanina eh!"



"Ok!"


SIE: Beginning TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon