Chapter Thirty-Eight

72 2 0
                                    


Epal.

DONNALYN



Nandito kaming lahat sa bato na round table dito sa school grounds.

Pinagmamasdan ko yung mga kaibigan ko pati narin yung mga boys. After namin manggaling sa Baguio, mukhang kahit papano, nag work na naman yata yung plano ko.


"Baby! Nagustuhan mo yung flowers?" Tanong ni Gino kay Nao.



"Okay lang! I don't really like flowers eh!" Pakipot pa talagang sagot ni Nao.



"Arte nito! Buti nga binigyan pa kita!"



"Sus! Eh sinabi ko bang bigyan mo ko?!"



"Eh nanliligaw ako diba? Natural bibigyan kita ng flowers!"



"Gagi! Di lang yun pwedeng ibigay pag nanliligaw!"



"Wow ang chussy pa! Eh ikaw nga kahit hug di mo man lang ibigay na gift sakin!"



"Ugh!! Pag manliligaw kasi, getting to know each other stage yun! Hindi exchange gift stage! Shunga mo talaga!"



"Mahal mo naman!"



"Correction Gino, ikaw mahal mo talaga ko! Ako, hmm... Osige mamahalin palang kita!"



Napapailing nalang ako! Ang abnormal nitong dalawa! Medyo nakakainis pero mas nakakatuwa dahil ang cute nila! Naghihintay nalang ako ng araw na sasagutin na nitong si Nao si Gino.



"Neal! Gusto mo?" Alok naman ni Yumi ng chips kay Neal.



"Sure!" Sabay kuha naman ni Neal ng chips.



Nagngitian nalang sila pagkatapos! Naku! Kung yung dalawa eh ang daldal at nagkukulitan parin, ibahin naman tong si Yumi at Neal. Minsan nagdadaldalan nga sila pero madalas ngitian lang talaga! Nakakatuwa nga eh! Simple pero pansin kong may meaning bawat ngiti nila sa isa't isa.



"Aly—"



"Shut up! Don't talk to me!"



SIE: Beginning TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon