Wag nalang.MAYUMI
*Same day*
Nakikita ko ng pasulyap-sulyap ang pagiinarte ni Nao habang pilit syang sinusuyo ni Gino.
Hindi ko to na-imagine ever! Si Gino? Manunuyo? At si Nao? Magiinarte? Bago to!
"Time out muna! Pagod na ko!" Pagawat ni Sid.
Nilingon ko agad si Donny na biglang natawa.
"Ang hina mo talaga panget!" Pangaasar ni Donny.
Ayan na po! Magsasama nanaman ang dalawa! Kanina ko pa sila napapansin na bigla silang nagiging isip-bata! Well, Ok narin! Medyo naaawa na nga ko kay Donny kasi pinoproblema nya mga problema namin! Mas okay na muna yung ganito sya!
Lumakad ako papunta sa bag ko na nakabagsak lang sa damuhan at may kalayuan sa kinauupuan nung anim.
Sumalampak ako bigla sa damuhan. Kinuha ko yung towel ko at uminom narin ng tubig. Pagkatapos ay kinuha ko yung cellphone ko and i was expecting na may text or missed call galing sa parents ko, kaso wala! Oh well, baka busy pa sila!
Ako nalang ang magtetext kay Mommy at Daddy. Lagi ko tong ginagawa kasi nakasanayan ko na! Kahit nasa manila ako ganito ako! Basta di ko sila madatnan sa bahay, magtetext ako agad at magkekwento.
"Hi dad! Hi mom! We're playing volleyball po! Nakaka-refresh! Iba po pag dito ako naglalaro instead sa gym ng school! Hehe. I miss you both! Can't wait to see you again po! Take care always! I love you mom, dad! Mwah!"
Yan ang text ko. Nang masend ko na, binalik ko nalang agad yung phone ko sa bag at uminom ulit ng tubig.
Nanliit ang mga mata ko habang nakatingala at bahagya akong napakunot ng noo para makita tong taong nakatayo sa harapan ko! Di ako makadilat ng maayos dahil sa may araw parin!
"Yumi!"
Pakiramdam ko, di ko na sya kailangan makita! Boses palang eh alam ko na kung sino to.
"Oh! Chino!" Ayon ko then bigla syang tumabi sakin.
"Pwede ba kitang makausap!"
"Naguusap na tayo!"
"Haayyy... Oh well, ano kasi... Uhm--"
"Spill it!"
"Ano ba yan! Sinisindak mo naman ako eh!"
"Chino! Wag na nating pahabain to! Anong sasabihin mo?"
"Uhm.. Itatanong ko lang kung-- Ahh... Si Aly! Ano... May-- May nakwento ba sya sainyo?"
"May kailangan ba syang ikwento samin? Bakit? Involve ka ba?"
Gusto kong lahat ay manggaling mismo sakanya.
"Huh? Uhm... Ano kasi--"
"Chino!!"
Halos sabay kaming napalingon sa tumawag kay Chino.
"Neal!"
Hindi nagsalita si Neal at nakatitig lang kay Chino. Nakatingin ako kay Chino ng lingunin nya ko ulit sabay pilit na ngumiti
"Sige Yumi! Pano? Mamaya nalang ulet--" Napalingon nanaman sya kay Neal.
"Ay! Next time nalang pala!" Napakamot sya bigla sa batok nya bago tuluyang tumayo at lumayo na.
Kunot-noo lang akong nakatitig kay Neal habang sya, nakatitig din naman sakin pero same as always, poker face lang lagi!
Biglang pumasok sa utak ko yung mga napagusapan namin nila Donny. Hmm... Madali lang naman to! Magawa na nga!
Akmang lalakad na paalis si Neal ng tawagin ko sya kaya napalingon sya agad-agad.
"Upo ka dito sa tabi ko?" Malumanay kong tanong sakanya sabay bahagyang napapangiti.
Sa wakas nagkaron na ulit ng expression yung mukha nya! May pagtataka sa itchura nya. Kesa magsalita. Tinapik tapik ko yung damuhan sa tabi para yayain syang maupo na.
Nagkibit balikat sya bago dumeretcho ng lapit sakin at tumabi na.
Hmm... Ayoko na patagalin!
"Neal?"
"Hmm?"
"I'm-- I'm sorry!"
Hindi sya agad sumagod. Instead, napatitig lang sya sakin habang kunot na ang noo.
"H-huh?" Yan lang ang lumabas sa bibig nya.
Saglit pa kong tumitig sakanya bago umiwas na ng tingin at diretcho nalang akong napatingin sa malayo.
"We've never been friends! Yes! I know you! Pero sa pangalan mo lang! I think i've been too harsh on you and i'm really sorry for that!" Agad kong sagot.
Wala parin akong Neal na naririnig!
"Neal?" Hindi parin sya sumasagot. Nilingon ko sya at naabutang titig na titig lang sakin!
"Hmm.. Mag-- Magsalita ka kaya?" Bigla akong napapaiwas ng tingin. Naku! Ngayon pa ba ko makakaramdam ng ilang? Mayumi umayos ka! Hindi ka ganito!
"Wag kang magsorry!" Sa wakas! Narinig ko na ulit ang boses nya.
"Bakit naman?"
"You really don't have to, Yumi! Naiintindihan kita at iintindihin kita! Diba sabi nga nila? You can never please everybody! Well, as long as nakakasama parin naman kita! Walang kaso sakin yun!"
"Uhm... Yan ka nanaman?" Paiwas at medyo pabulong kong sabi sa sarili ko.
"Huh? Ano yun?"
"Uhh.. Wala! Wala!"
Umiwas ako ng tingin! Ano ba Mayumi! Make up your mind! Magsalita ka na! Naturingang prangka ka at lahat, tapos ngayon, tiklop yang dila mo sa lalaking to! Ugh!!
Bumalik ang utak ko sa realidad ng biglang tumayo si Neal.
"Alis kaya muna ko? Mukhang may problema ka! Ayoko naman dumagdag pa sa--"
"No!!!" Napalingon agad-agad si Neal sakin. Tsk! What did you do Mayumi?! Ang weird mo narin! Ugh!
"I-i mean... Wala! Wala naman akong problema! Siguro... Uhm... Siguro may iniisip lang ako?"
May pagtataka sa mukha ni Neal. Di ko maiwasang di umiwas ng tingin kay Neal lalo na't titig na titig talaga sya sakin!
Dahan dahang umupo ulit sa tabi ko si Neal.
"Care to tell me kung ano yun? Or kung ayaw mo, pwede namang wag na and di nalang kita iiwan dito!" Napalingon ako kay Neal. Okay? Nakangiti sya sakin! Yung ngiti na parang nakita ko na noon pa? Parang maaliwalas! Parang masaya! Parang yung Neal na kababata ko!
Ngumiti ako pabalik sakanya.
"Ano? Ayaw mong pagusapan natin?" Tanong pa ni Neal.
Napaisip ako. I made up my mind na eto na! Magsasalita na ko! Ilalabas ko na ang totoong Yumi..
"Ano kasi Neal--"
Natigilan nanaman ako! May naalala ako bigla kaya umuurong na ng tuluyan tong dila ko.
"Ano yun Yumi?"
"H-huh? Hmm... W-wala! Nevermind! Mood swing lang yata? Sorry!"
Napapatango lang si Neal. Gusto ko yung ganito sya na di nya ko pinipilit! Nafefeel ko yung respect nya sa mga ginagawa at sinasabi kong desisyon ko.
Wag nalang! Hindi nalang muna ako magsasalita! Wala rin namang patutunguhan kahit magtanong ako at sagutin nya yun!
Ilang araw nalang kami dito.
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
General FictionSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.