Hulaan mo.
DONNALYN
"So pano? What's our plan?" Tanong ni Aly.
"Naku! Hindi kaya mahirapan ako maghanap ng cocktail dress dahil dito sa tyan ko?" Ayon naman ni Nao.
"Sus! Eh kung yung mga iba na classmates natin na mas chubby sayo, prepared na! Ikaw pa ba? Look, you're not that fat pa naman eh! Slight lang!" Sagot ni Aly.
"Wag mo kong simulan Alysson! Malilintikan ka talaga sakin!" Pagbabanta naman ni Nao. Parang bata namang humagikgik bigla si Aly.
"Hay naku! Basta ako, paniguradong si mommy ang masusunod sa susuotin ko! What's new?" Ayon naman ni Yumi.
Magkakasama kasi kaming apat dito sa round table. Pinaguusapan na nila kung anong susuotin para sa students night namin. Lagi namang may ganitong event after ng finals every first sem.
Eto na naman ako at panay panood kay Aly at Nao na nagtatalo na talaga. Si Yumi naman ay halata kong naiinis na kasi nakapangalumbaba sya habang pairap-irap pa.
"Yumi? Kamusta kayo ni Neal?" Biglang tanong ko nalang para naman may magawa kaming dalawa.
"Ayos lang!"
"Ang tagal na nyang nanliligaw sayo! Tapos na ang first sem! Baka manganak na't lahat si Nao, hindi mo parin sya sinasagot?!"
"Tsss..."
"Hay naku! Eh ano nga? Kailan ba?"
"Malapit na!"
"Really?? When??"
"Malalaman mo nalang basta! Quiet na Donny!" Napanguso nalang ako ng yumuko at isinubsob na ni Yumi yung ulo nya sa table.
Bakit para namang ang init init ng ulo nya ngayon? Madalas ay matipid talaga syang sumagot pero ngayon may halong inis. Ano kayang problema nito? Baka nakulangan na naman sa tulog kakabasa ng kung ano-anong libro! hayy...
"Ikaw Donny? Actually, mas gusto ko i-ask if sino magiging date mo? Kasi kami, syempre, meron na diba?" Nabaling ang atensyon ko kay Aly.
Sus! Palibhasa sila na ni Chino. Naku! Alam ko naman na dun papunta yung dalawa. Siguro, nadelay lang kasi lately lang nagkaron ng guts si Chino.
"Ewan? Di ko alam kung sino eh!" Sagot ko.
"Eh may nagyaya na ba sayo?" Tanong ni Nao.
"Medyo marami na!"
"But still you haven't choose?" Tanong ni Aly.
"Hindi ka pa nya tinatanong?" Bumalik naman ang tingin ko kay Yumi na biglang nagsalita. Ganun narin yung dalawa.
"Huh?" Taka kong tanong.
Hindi ako sinagot ni Yumi. Basta nginisian nya ko sabay kindat. Ano to? Anong problema ng babaeng to? Tsaka, ano bang ibig nyang sabihin? May alam ba sya?
"Babe!!!" Nabaling ang atensyon namin sa biglang sumigaw.
"Naku! Oh! Nanjan na yung boyfie mo!" Pairap habang nakangising ayon ni Nao.
Agad na nagsilapitan yung apat na lalake samin. Tumabi naman agad si Gino, Chino at Neal dun sa tatlo pero kay Yumi rin tumabi si Sid.
"Excuse me lang Sid! Masikip kasi!" Mataray na sabi ni Yumi.
"Ay! Ok lang naman sakin Yumi!" Nakangiti namang sagot ni Sid.
"Wag kang insensitive! Dun ka na sa tabi ni Donny!" Masungit naman na ayon ni Neal. Anong problema nitong soon-to-be couple na to? Tsss... Bagay nga sila!
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
General FictionSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.
