ChiChi loveteam.DONNALYN
Halos napatikom kami lahat ng bibig sa nakita naming kumakatok sa bahay.
"Luto na ang ulam! Sino yung kumakatok?!" Biglang tanong ni Manang na parang kabute. Sumusulpot bigla kung saan!
"P-po?" Utal kong sagot.
Medyo napakunot ang noo ni Manang. Hindi kami makakilos at parang pinapanood lang namin sya na buksan yung pinto!
Oh no!!
Nagtinginan kaming apat bago kumaripas ng takbo papunta kay Manang! Kaso... Nabuksan na nya yung pinto!
"A-anong ginagawa mo dito?!" Utal pero may galit na tanong ni Manang ng bumungad si Mang Chito sa pagbukas nya ng pinto.
"Manang! Lima po kami! Di lang po si Mang Chito nandito!" Parang nangiinis pa tong si Gino.
Napapikit si Manang na parang nagpipigil ng inis.
"Hindi! Alis!! Umalis kayo dito!!" Akmang isasara na ni Manang yung pinto kaso agad namin syang pinigilan.
"Manang! What if may sasabihin lang po si Mang Chito?!" Ayon ni Aly.
Ako ang nakahawak sa pinto para di to masara ni Manang. Si Aly at Nao naman ang nakakapit sa braso ni Manang para di sya mag-walkout. Si Yumi? Nakasandal lang sya sa gilid ng pinto. Seriously? Anong problema nito?
"Hindi! Wala na syang sasabihin! Tena sa loob--"
"Chiki! Kailangan nating magusap!" Paningit bigla ni Mang Chito.
"Letche! Dumaan ang higit sa isang dekada tapos ngayon mo sasabihing kailangan nating magusap? Wag mo nga kong pinaglololoko jan Chito!" Inis na ayon ni Manang. Hala! Ganito pala sya mainis! Intense!
"Naduwag lang ako Chiki!--"
"Eh putcha! Ang tagal mong naduwag! Tigilan mo ko! Wala na tayong dapat pagusapan pa!"
"Chiki--"
"Layas na!!!"
"Manang! Magusap nalang po kayo!" Bigla biglang nagsasalita si Yumi. Napalingon lang si Manang sakanya na salubong na ang kilay.
"Kahit gano na po katagal, obviously, kailangan nyo parin po yun pagusapan! Hindi po forever na dapat kinikimkim nyo lahat kahit may pagkakataon naman po kayong pagusapan ang problema!" Seryosong ayon ni Yumi habang naka-crossarms pa.
"T-tama po! Pagusapn nyo nalang po yan! Wala naman po sigurong mawawala Manang! Baka mas lumuwag na po yung loob nyo pagnailabas nyo na yan!" Pagsangayon ko.
Natahimik kaming lahat. Pansin ko ang hingal na paghinga ni Manang siguro dahil sa sobrang inis nya. Masama lang rin ang tingin nya kay Mang Chito. Pero naka-yuko lang naman si Mang Chito!
"Pasok!" Malumanay pero seryosong seryoso na utos sakanila ni Manang.
Yes!! Na-convince rin namin sya.
Agad kaming sumenyas sa apat na lalaki na iakyat na si Mang Chito dito sa loob ng bahay.
"Sige po! Siguro dun nalang po kayo sa likod bahay. Sa garden! Para private po kayong makapagusap!" Ayon ko. Nilingon ako ni Manang pero nginitian ko lang sya na para bang gusto kong iparating na magiging okay ang lahat.
"Kayo? Pano kayo?!" Tanong samin ni Manang.
"Ay Manang naman! May food na po! Sa dining lang kami and maglulunch na! Go na po kayo sa paguusapan nyo!" Nakangiti at parang kinikilig narin na ayon ni Aly.
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
Algemene fictieSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.