Chapter Forty-One

74 2 0
                                    


Volleyball.

MAYUMI



Napapailing lang ako habang tumatakbo na papunta sa team at kay coach.


"GO NAOMI!! GO MAYUMI!! WOOOOHHH!!!"


Napatingin ako kay Nao at sabay kaming lumingon sa sumigaw! Tsk! Ang impakta nageeskandalo na!


"TUMAHIMIK KA!!! PRACTICE LANG TO!! WAG KANG OA!!" Pabalik na sigaw ni Nao kay Aly habang medyo natatawa.


Napangisi ako habang medyo natawa naman ang teammates namin at halos pati narin si Coach.


"Okay! Okay! We'll start now! Same as always but... This time let's make it more interesting since parang mas dumami yata ang nanonood ngayon sa practice natin!" Nakangising ayon ni Coach. Saglit kong nilibot ang paningin ko sa buong court. Aba! Ang dami nga yata ng nanonood ngayon.


Hindi sinasadya na mahagip ng paningin ko sila Neal. Sya mismo! Ang lagkit ng titig nya sakin pero... Bakit naman nakakunot ang noo nitong lalakeng to??


Ibinalik ko nalang ang atensyon ko kay coach.


"Yumi! Nao! Ihihiwalay ko kayo!" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni coach.


"Po? Coach?" Ayon ni Nao.


"Warm up lang! Mauuna kayong maglaro! One on one!" Nakangising sagot ni Coach.


Nagkatinginan kami bigla ni Nao. Is he serious? One on one lang? Anong interesting dun?


"Bakit naman coach? Ang boring nun!" Angal ko.


"Nah! It won't be! Lalo na't ang maglalaban ay ang two best players ko! Ano? Game?"


Again. Nagkatinginan lang kami ni Nao pero halos sabay narin gumuhit ang ngisi sa labi namin.


"Game!!" Sabay naming sagot ni Nao. Mukha ngang magiging interesting.


Nao is our captain ball! Pero ang sabi nila, kung pwede daw na dalawa ang captain ball, magiging kami na daw dalawa yun! Magaling sya pero di sa pagmamayabang, alam kong magaling rin ako!


Mas napili sya kasi mas kaya nya maglaro ng husto! Kailangan yun! Ako kasi, hindi ako pwedeng mapagod ng sobra. Bawal nga tong larong to sakin dahil sa sakit ko. Pero i still insists! Gusto ko to eh! Buti at supportive ang parents ko.


Well, Ang advantage ko siguro kay Nao on this sport? Setter and Hitter ako! While sya, she's only good at hitting or spiking! Although kaya nya talagang maglead as a setter pero mas kaya ko yun!


"*Peeep* We will start our practice with a massive warm up! Yumi! Nao! On your places!" Ayon ni Coach after nyang pumito.

SIE: Beginning TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon