Party3rd Persons' POV
"Heyy! Kanina pa kayo?" Halos pasigaw na tanong ni Nao sa isang common friend nilang apat.
Nasa isang bar sila. Tradition na yata nila na 1week before pasukan, party party muna!
"Yeah! Kararating nyo lang? Tara! Have a drink!" Pasigaw rin na sagot ni Jane sabay abot ng cocktail drinks kay Nao, Yumi at Donny. Humiwalay sakanila si Aly dahil talaga namang may sarili iyon na mundo tuwing nagpaparty silang apat.
Tumayo ang kaibigan nilang si Jane upang pumunta sa dance floor kasama ang iba pa nilang classmate slash kaibigan.
"Tara Donny! Let's dance!" Yaya ni Nao.
Agad na tumayo si Donny sa upuan nya. Sya nga ang pinaka matino sa kanilang apat na nagkakaibigan pero sya rin ang pinaka outgoing.
"Yumi! Tara!"
"Nah! Dito lang ako Donny!"
"You sure?"
"Yup! You two go na! Have fun!"
Nakangiting iniwan ni Donny si Yumi.
Magisa nalang ngayon si Yumi sa couch. Halos lahat ay nasa dance floor na pero nakahalukipkip lang sya habang nanonood sa mga nagsasayawan at talaga namang masasaya nyang mga kaibigan.
"Yumi!"
Agad na napalingon si Yumi sa isang pamilyar na boses na tumawag sakanya.
"Oh! You're here rin pala!" Pairap na ayon ni Yumi.
"Ofcourse! Alam kong pupunta kayo eh!" Ayon pa ng lalaki.
Hindi na muli nagsalita si Yumi. Agad naman syang tinabihan ng lalaki. Naiilang sya dahil ayaw nyang malapit sakanya ito.
"Cyle! Can you please mind your own bussiness?! Di ka pa ba aalis?!"
"Wow! Party to ng university! Malamang na hindi ako aalis dito?"
Napabuntong hininga nalang si Yumi. Naiinis na sya! Gustong gusto na nyang lubayan sya nitong si Cyle.
Si Cyden Lennon Tan. Varsity sa university na pinapasukan ng magkakaibigan. Certified hearthrob! Makisig ang katawan. Nakakahipnotismo ang mga singkit nyang mata. Nakakasilaw ang talaga namang kasing puti na nyebe na balat nya. Halos sambahin sya ng lahat ng kababaihan sa university nila. Ang mapansin nya lang ay isang malaking bagay na.
Pero.. First year college palang sya ay pinakita na nya kay Yumi ang paghanga nya rito! Aniya, mahal na mahal na daw nya si Yumi. Kaya naman lahat ay kinaiinggitan si Yumi dahil halos nasakanya lang ang atensyon ni Cyle bukod sa bola dahil sa pagiging varsity player nito.
"Yumi! I missed you!" Paglalambing pa ni Cyle.
"Ugh! We were never friends Cyle! Wag kang maginarte ng ganyan!"
"Grabe naman talaga to! Masama bang ma-miss ka? Balita ko magkakasama kayong apat sa Sitio nyo raw the whole vacation break!"
"Yeah! So?"
"Kaya nga namiss kita eh! Balak kong dalaw dalawin ka nung bakasyon kaya lang nung nalaman kong wala kayo, epic! Sayang!"
Napapikit si Yumi dahil sa pagpipigil nya ng inis. Aminado syang mabait si Cyle at kitang kita nya ang paghahabol nito sakanya! Kaya lang, sadyang ayaw nya rito at di nya talaga matagalan na makasama ang lalaking ito.
"Cyle! Please lang! Kung ayaw mong umalis dito sa tabi ko, can you atleast keep quiet?! Naiinis na ko! Daig mo pa babae jan sa kadaldalan mo!"
Natahimik nalang si Cyle. Di na nya magawang magsalita pa dahil alam nyang pagsinabi na ni Yumi na naiinis na sya, mahirap ng ipagpilitan nya pa ang gusto nyang makausap si Yumi! May possibility na magwalk out ito at mas ayaw nya yun mangyari.
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
Ficción GeneralSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.