Chapter Sixty-Two

51 3 1
                                    

Official.
MAYUMI


Hininto na ni Neal ang kotse sa tapat ng bahay ko. Ewan ko pero nakakapagod na kahit magaral lang ah! Sana talaga maabot ko yung goal ko. Para yun sa parents ko.

"Thanks! Dumeretso ka na ng uwi ah?" Nakangiti kong ayon kay Neal. Nagbeso na ko at tangkang lalabas na sana kaso bigla akong pinigilan ni Neal.

"B-bakit?" Tanong ko.

"Pwede ba magtanong Yumi?"

"Huh? Sure! Ano yun?"

"Kai...Kailan ba?"

"H-huh? Anong kailan?"

Hindi agad nakasagot si Neal. Binitawan nya ang braso ko sabay napasandal lang sa upuan nya.

"A-ano ba yun Neal?"

"Yumi..." Tumigil saglit si Neal at nilingon ako sabay tinitigan ng mata sa mata.

"Kailan mo ba ko sasagutin?" Seryoso nyang tanong.

"Hmmm..."

"Hindi kita minamadali! Nirerespeto ko lahat ng desisyon at gusto mo! Gusto ko lang malaman Yumi! May pinanghahawakan pa ba ko?"

"Neal--"

"Sorry huh? Baka iniisip mo na hindi ako naniniwala sa sinabi mo noon na mahal mo ko and gusto mo lang na magkakilala tayo ng husto kaya ka nagpapaligaw sakin! I understand that--"

Hindi natuloy ni Neal ang sasabihin nya ng halikan ko na sya! I want to say na, oo! Sinasagot ko na sya! But he won't shut up! Well, tama nga sila! If you what to shut a person, kiss him nalang!

Kumalas ako ng halik kay Neal pero pareho lang kaming nagkatitigan.

"Yumi--"

"Ssshhh! Akala ko pag nahalikan kita, tatahimik ka na! Tss.. Ang daldal mo parin!"

Halos sabay lang kaming napangiti. Actually, Neal is my first kiss! And wow lang! Ako pa pala tlaga ang naginitiate! Tsk!

"Nirespeto mo ko ng sobra sobra Neal! Inintindi mo rin lahat ng kaartehan ko! You've worked hard para maparamdam and mapakita sakin na sincere yung feelings mo for me!" I pause and hinawakan yung pisngi nya.

"Just let me return the favor by... By saying yes! Neal, from now on, tapos mo na i-prove sakin how much you really love me! I'm now officially yours!" Nakangiti kong dugtong.

Imbes na sumagot si Neal ay basta nalang nya kong sinunggaban ng yakap! Yung mahigpit! Yung yakap na ramdam ko yung saya nya!

"Neal! Wag masyadong mahigpit! Baka di na ko makahinga!" Natatawa kong ayon.

"I can't! Ngayong sakin ka na, gusto kong nararamdaman na hindi ka maagaw ng iba!"

"Oh! Possesive ka na naman!"

"Ugh!! Sorry!! Magaadjust nalang ulit ako! Iba na to eh! Akin ka na Yumi! I can finally say na akin ka na talaga!"

Ginantihan ko nalang rin ng yakap si Neal. I know! Hindi ako nagkamali sakanya! He's the perfect guy for me!

"I love you Mayumi! I love you so much!"

"I love you too Jonneal Aldama. And beginning today, I'm officially yours!"


DONNALYN


"Donny! Hija! Kumalma ka naman! Jusko!" Hindi ko iniintindi si yaya. Nagtatatalon na ako sa tuwa at walang makakapigil sakin!

Nagtext si Yumi. Sinagot na nya si Neal. At sa sobrang tuwa ko, napapa-headbang nalang ako! This is it! Sa wakas in a relationship narin sya! Ewan ko pero iba kasi sa pakiramdam.

NBSB si Yumi! Pakiramdam ko yun ang dahilan kung bakit sobrang seryoso nya sa buhay. Siguro naman ngayong may boyfriend na sya, mas kakalma na kasungitan at katarayan nya. Baka rin pwede na syang magsalita ng medyo mahaba!

Sa sobrang excitement ko, talagang tinawagan ko na si Yumi. Ewan ko kung ako palang ba ang nasabihan nya or pati narin yung dalawa.

"Hello? Donny?"
.
.
"YUMI!!!"
.
.
"Tsk! Shut up nga!"
.
.
"Eto naman! Na-excite lang kasi ako sa binalita mo!"
.
.
"Aba! Mas natuwa ka pa yata kesa sakin!"
.
.
"Haha! Pero wait! Seryoso yun ah! Di ka naman siguro nang gogood time ano?"
.
.
"Ofcourse not!"
.
.
"So! Be honest to me... Anong feeling?" Akala ko nawalan na ko ng kausap or ibababa na ni Yumi yung phone kasi ang tagal nyang sumagot.
.
.
"Hay naku Donny! Ewan!"
.
.
"Ewan? Ano nga lang feeling nung sinagot mo na si Neal? Dali na!"
.
.
"Ang kulit mo! Alam mo? Sagutin mo na si Sid para malaman mo yang sagot sa sarili mong tanong! Bye!"

Ugh! Bastusan lang? Hayyy...

Sagutin ko na si Sid? Naku! Pano ko gagawin yun eh ang slow slow nung lalakeng yun! Ni hindi nga ako masabihan na gusto nya kong ligawan. Torpe!

O baka dahil ginagawa kong komplikado ang lahat sakanya? Tsk! Slow na nga pinapahirapan ko pa! Nevermind. Isang move lang from Sid. Makukuha na nya yung gusto nya.


SIE: Beginning TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon