Saloobin.3rd Persons' POV
Nang makauwi na sila sa kani-kanilang bahay. Agaran silang nagsipag linis ng sarili nila dahil mukhang tinatawag na sila ng mga kama nila dahil sa pagod.
Nakahiga na ngayon sa kama nya si Donny. Panay ngiti sya pero may halong pait. Namimiss na nya ang bestfriend nya. Nagkita nga muli sila pero kailangan na naman nilang maghiwalay.
Aminado sya na maganda ang pustura ni Sid. Matipuno, Mabait, Maalaga at marami pa itong magagandang katangian.
Pero kung tatanungin mo sya kung may nabubuo na bang ibang klaseng pagtingin sya para kay Sid. Masasabi nyang...
Wala!
Kaibigan lang talaga ng turing ni Donny para kay Sid. Kahit saang angulo nya isipin, parang napaka malabo nun mangyari!
Hindi sa mapili syang babae pero sadyang bilang kaibigan lang talaga ang turing ni Donny kay Sid.
No more... No less!
* * *
Naihatid na ni Nao si Aly sa bahay nito.
Wala ang mga magulang ni Aly kaya sa katulong nalang ibinilin ni Nao ang kaibigan.
Nang matapos asikasuhin ng mga katulong si Aly, inihiga na nila ito sa kama at hinayaan ng magpahinga.
Lingid sa kaalaman ng lahat, kaya nasobrahan ang paginom ngayon ni Aly ay dahil sa isang tao lang.
Si Chino.
Hindi nya ipagkakait ang pagkamiss dito. Lalo na ang pagkahulog nya sa patibong nito.
Mahal na nya si Chino.
Pero isang desisyon ang ginawa nya noon na pigilan nalang ito dahil sa alam nyang mali.
Mabilis masyado! Natatakot rin sya na may masirang pagsasamahan dahil lang sakanya.
Pero nang malaman nya na hiwalay na si Chino sa girlfriend nyang si Karen, aaminin nyang sobrang saya nya!
Pero mali parin! Iniwan ni Chino si Karen dahil sakanya, dahil sa pagamin ni Chino na mahal nya sya. Mahal rin nya si Chino pero sadyang hindi tama ang nangyari.
Unti-unting may namumuong luha sa gilid ng mga mata ni Aly.
Gusto nyang makuha si Chino! Gusto nya itong angkinin tulad ng pakiramdaman nya na gusto syang angkinin ni Chino.
Pero may magagawa pa ba sya? Magkahiwalay na ulit sila. Pakiramdam nya na nasaktan niya rin ng sobra si Chino bago sila magkahiwalay.
Agad na inabot ni Aly ang unan na nasa gilid nya at niyakap ito ng mahigpit hanggang sa tuluyan na syang naiyak. Pagiyak nalang ang kaya nyang gawin ngayong nasasaktan sya.
Wala na syang ibang magawa.
Wala na syang magagawa!
* * *
Pinapatuyo ni Nao ang buhok nya gamit ang twalya dahil kakatapos nya lang maligo.
Gusto na nyang magpahinga! Masaya sya sa party na nangyari ngayon.
Pero kahit kailan ng magmula sila sa Sitio. Napapakunot noo nalang sya dahil lagi nalang syang napapatulala bigla.
Pilit pumapasok sa isipan nya si Gino. Alam naman nya sa sarili nyang may gusto na sya rito.
Pero ang higit na nagpapaalala sakanya rito ay yung mga panahon na magkasama sila.
Oo nga't madalas silang magkainisan noon pero yun ang pinaka namimiss nya!
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
Ficción GeneralSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.