Chapter Forty-Eight

94 2 0
                                    

Symptoms.

MAYUMI



At last!! Tapos na ang exam! Limang araw ang lumipas na panay review ako! Ugh! Nasira kasi ang phone ko so i have to pass this period para mabilhan ulit ako ni daddy ng iphone! Tsk!

Isang oras ang aga ng tapos namin kesa sa tapos ng exam nila Donny. Pero usapan na hintayan daw kaya eto kami ni Nao sa round table at naghihintay sa mga kaibigan namin.

"Yumi! Gusto mo?" Alok ni Nao sakin habang kumakain sya ng chocolate muffin.

"Nah! Busog pa ko!"

"Sure ka? Sarap oh!"

"Mukha nga! Halatang sarap na sarap ka eh!" Nakangisi ko pang sagot.

"Ang weird nga eh! Di naman ako mahilig sa chocolates pero eto talaga cravings ko ngayon!"

"Ganun naman yata yun! Kahit di mo naman favorite, basta nagcrave ka, yun na!"

"Kaya nga eh!" Sabay kain nya pa ulit.

Halos di na nya ko tignan kasi naka-focus sya sa muffin nya.

"Ay! Uhm.. Nao? Si Gino and Sid? Di ko na sila nakita after ng exam ah!"

"Ahhh! Sabi ko kasi kay Gino na gusto ko ng chocolate milktea! Gusto ko rin ng blackforest na cake! Kahit isang slice lang! Ayun! Bumili, nagpasama lang kay Sid!"

Napapatango nalang ako! Nao is really weird! Ewan ko! Kahapon nga, wala parin sya sa mood eh! Wala rin syang gana! Panay duwal pa nga! Pero ngayon, hindi na kain ang ginagawa eh! Lamon na to!

Panay basa nalang ako ng book ni Jenny Han na Burn for burn. She's one of my favorite authors. So galing!

"Yumi~" Biglang palambing na ayon ni Nao sabay patong ng ulo nya sa balikat ko habang naka-yakap na mula sa gilid ko.

"Hmmm~ You smell so good! Anong perfume mo?" Tanong pa ni Nao.

"Huh? Yun parin!"

"Hmmm~ Pink? Victoria's secret?"

"Y-yeah!"

Hindi ko maiwasan mailang kasi para ng ewan si Nao! Pilit nya kong inaamoy! Problema nito?

"N-nao! Ugh! You're freaking me out!" Ayon ko sabay atras na.

"Uy! Grabe! Nababanguhan lang kasi ko sayo!"

"Nao! Ang tagal ko na tong pabango, Ngayon ka palang nabanguhan?"

"Dunno! Basta! Gustong gusto ko yang amoy mo! Dala mo ba yung perfume mo?"

"Hayyy.. Oo! Bakit?"

"Pahingi!"

Kunot noo nalang akong napa iling! Habang di inaalis ang tingin kay Nao, Kinapa ko nalang yung perfume ko sa bag ko.

"Ayan!" Ayon ko sabay abot pa nung perfume kay Nao.

Tsk! Para syang batang excited! Sinimulan nyang ipaligo yung pabango ko sakanya bago nya iabot pabalik ulit sakin.

"Di na! Konti nalang naman yan! Tsaka, Mukhang gustong gusto mo eh! Sayo nalang!" Ayon ko.

Lalong lumawak yung ngiti ni Nao at panay yakap sakin habang nagtathank you ng paulit-ulit! Weird!

"Nao! Tigil na nga!" Ayon ko habang nagpupumiglas sa mahihigpit nyang yakap.

"Eto naman! Osige na nga! Thank you ulit!" Parang batang sagot ni Nao.

SIE: Beginning TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon