Chapter Seventy

107 4 4
                                    


This is the last chapter. Sorry sa mahahabang delay at pabago bago kong concept. At last! Tapos na sya! Thank you for staying this far.

-----

ALYSSON

Ngayon ang first day ng finals exam namin. Kanina pa ko kabado. Nagtatanong si daddy kung bakit ako ganito habang nagdidrive sya pero walang lumalabas sa bibig ko.

Dumeretcho ako sa may rooftop ng school. 30minutes earlier ako. Gusto ko paring mag scan ng ginawa kong reviewer. I can't fail this time! I need to pass this sh*t!

"Nagtetext ako sayo kanina! Tinatawagan rin kita pero di ka man lang sumasagot! Maaga ka daw naihatid ni tito dito ah! Saan ka ba nagsususuot?" Kalmado at may concern na tanong ni Donny sakin.

Nakaupo na kami sa designated seats namin pero dahil may ilang kaklase kaming pagitan, kailangan nya pang tumayo para malapitan ako.

"I'm sorry! I just... I have to... Basta!"

"Nabanggit ni Chino na sabay kayong nagrereview at nakita nya ang pagsastruggle mo! Nasabi rin ni Yumi na you're worriying kasi baka di ka makapasa--"

"Kailangan ko lang na mapagisa kanina Donny! Kailangan kong magreview. Kailangan kong i-double check yung mga nasa reviewer ko! Ayoko muna ng destruction!"

Nanatiling nakatayo sa harapan ko si Donny at nakatitig lang sakin. Di rin naman nagtagal, umupo sya sa binti nya at kinuha ang mga kamay kong mahigpit ang hawak sa reviewer ko.

"Kaya mo to! Maniwala ka lang! Sabay sabay tayong magmamartsa sa graduation! Di ka namin papabayaan kaya wag kang magalala! Tutulungan ka namin basta may pagkakataon bago magumpisa ang exam! Wag kang magiisa! Nandito lang kami!"

Mapait ko syang nginitian and i'm trying to fight my tears from falling down.

"I know! Thank you!"

Nagsimula na ang exam at bawat numero ay binabasa ko ng mabuti ang tanong. Kino-compute ko ng mabuti ang mga problems. Kumpara noon, hindi ako masyadong nahihirapan ngayon. Ganito ba kabisa ang pagbasa lang ng reviewer?

O baka siguro dahil rin sinusunod ko ang mga kaibigan ko sa sinabi nilang maging positibo ako. Kayang kaya ko na to!

* * *

"Ganyan nga! Pag nakuha mo yung total nya, i-divide mo naman dito!"

Si Yumi ang nagtuturo sakin ngayon, huling araw na at huling subject na ng exam pero ito na ang major ko. Nakaka-amaze na kahit di naman ito yung major at subject nila Yumi, alam nya parin kung paano makukuha ang sagot. Sya talaga samin ang masasabi kong pinakamatalino.

"Uy bruha! Hindi ganyan! Pwede ka naman mag SciCal wag mong pahirapan ang sarili mo!"

Kahit nakakatakot ay pumayag akong tulungan ni Nao. Alam ko kasing mapagsasalitaan nya ko ng masakit like bobo or tanga pero ngayon, hindi pala. She's patiently teaching me the step by step process. Nao is a good bestfriend pero madalas mas bruha pa rin sya kaysa sakin.

"Oh ayan! Nakuha mo na! Kaya mo naman pala eh!"

Di nawawala ang ngiti ni Donny sakin. Sya ang pinaka naniniwala na hindi naman talaga puro hangin ang laman ng utak ko. Sya ang pinaka nagpupursigi sakin na intindihin ang lahat. Si Donny na naging kakampi ko laban dun sa dalawa at laging umuunawa at nagpapayo sakin. I just don't know what will happen to me kung wala sya sa tabi ko.

Kung wala silang tatlo.

Alanganin naman akong napapatingin sa tatlong lalaking nakatayo sa likod ng mga kaibigan ko. Sid is behind Donny at nilalaro ang buhok nito. Gino is behind Nao at nakapulupot ng yakap sa shoulders ni Nao. Nakaupo naman si Neal sa tabi ni Yumi at nilalaro ang kanina nya pang hawak na kamay ng bestfriend ko. And Chino is standing beside me. Parang minamasahe nya ang mga balikat ko.

SIE: Beginning TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon