This can't be!
MAYUMI
Days passed. Nandito kaming walo sa bahay ko. Nothing to do. Nakakabored pero nakakatamad naman maggala! Sabi rin ni daddy na may surprise sila samin. Hmm...
"Ugh!! I wanna know what's the surprise is!" Ayon ni Aly.
"Kahit ako! Matutuwa kaya tayo?" Ayon naman ni Chino.
Nagkibit balikat lang kaming lahat. Malay ba namin ang sagot diba? Kaloka!
Nanood nalang kami ng kung ano anong movie. Grabe! Boring masyado! Tsk! Pero halos sabay sabay kaming napalingon sa pinto ng biglang may pumasok.
"Dad!! Mom!!" Ayon ko sabay tayo papunta sakanila.
"Hi princess! Kumain na ba kayo?" Tanong ni daddy.
"Hindi pa po! We're just watching some movie!"
"Oh! Good! Magpapahanda na ko ng food kasi magkakaroon kami ng reunion!"
"Po? Reunion?"
"Yes anak! The boys' parents are back here in the philippines! Dito sila sa bahay didiretso!" Nakangiting ayon naman ni mommy.
Automatic na napalingon ako sa mga kaibigan ko. Tinignan ko pa ng may pagtataka yung boys.
"Pano princess? Magreready muna kami ni daddy mo ah? Papaayos ko narin yung food and table!" Ayon ni mommy sabay beso sakin at naunang umalis.
Ganun rin lang ang ginawa ni daddy bago tuluyang umakyat papunta sa kwarto nila. Bumalik naman ako sa mga kaibigan ko at nakahulikipkip na hinarap yung mga lalake.
"Nandito na yung parents nyo? Bakit di nyo sinabi?" Medyo pabulong pero inis kong ayon.
"W-wala kaming alam!" Medyo utal na sagot ni Neal.
"Ito ba yung surprise?" Ayon naman ni Chino habang nakatingin sa malayo.
Pansin ko ang pagcomfort ni Gino kay Nao kasi syempre, eto na! Ang usapan, pag nakabalik na ang parents ni Gino, sasabihin na nila yung kalagayan ni Nao.
Gusto kong kausapin si Nao kaso bad timing yata! Si Donny nalang ang hinila ko palayo.
"Donny! What should we do?" Pabulong kong tanong.
"I don't know? Siguro, let's just see what will happen later!"
"Pero! Donny! Ugh! Look at Nao! Kinakabahan na yan!"
"I know! Pero nandito naman tayo! Kasama nya tayo! Di natin sya papabayaan diba?"
Napapatango nalang ako habang kagat kagat yung lower lip ko! Dapat kalma lang rin ako! Tsk!
DONNALYN
"Oh my gosh! Ang lalaki nyo na talaga! Ang gaganda pa!" Ayon ni tita Noreen, ang mommy ni Chino.
Sama sama kaming lahat dito sa tabi ng pool sa bahay nila Yumi kasi dito pinaayos ni tito Hiro yung table na kakainan namin.
"Yumi! Iced tea?" Alok ni Neal kay Yumi kaya sinagot lang sya nito ng tango.
"Naku pareng Hiro at Jordan ah? Mukhang may iba akong nasesense sa mga batang to ah?" Mapangasar na ayon ni tito Romi, Nao's daddy.
Napapaiwas lang si Yumi ng tingin habang pilit ang ngiti. Naiilang yata? Hmm...
"Aba! Kung kay Neal lang rin naman mapupunta ang prinsesa namin, why not?" Natatawang ayon ni tito Hiro.
"Well? My boy really has good taste on girls!" Nakangising ayon naman ni tito Jordan.
Nagkekwentuhan at nagtatawanan yung parents namin habang kami eh nagkakatinginan at nagngingitian lang!
Awkward.
Pero natigilan ang lahat ng biglang parang hinampas ni Nao ng kanan nyang kamay ang table habang yung isang kamay nya at nakatakip sa bibig nya!
Oh no!! Don't tell me...
"Excuse me!" Nagmamadaling ayon ni Nao sabay tayo at dumeretcho sa cr.
Ewan ko pero feeling ko kailangan ko syang sundan kaya nagexcuse lang rin ako at sumunod na kay Nao.
Hinahagod ko ang likod nya habang panay ang pagduwal nya. Nandito lang kami sa kitchen, buti walang tao!
"Nao? Ok ka na?" Tanong ko ng makitang umiinom na ng inabot kong tubig si Nao.
"Donny..."
"Shhh! Ok lang yan!"
"H-hindi ko na kaya Donny! Infront of my parents and Gino's parents may tinatago kami? Ni hindi nga ko makatingin ng diretcho sakanilang lahat!"
"Pero Nao! Sasabihin nyo na naman sakanila eh! Wag lang muna dito! Wag ngayon!"
"I don't know Donny! Anong gagawin sakin nila mommy kung malalaman nilang... Buntis na ko! Pano bang gagawin ko Donny?"
"Just calm down--"
"Naomi!"
Sabay kaming napalingon ni Nao sa nagsalita.
This can't be!!
"T-tita Nancy!"
------------------------------------------------------
Sinisimulan ko na yung book2 ng It must be love entitled SO, THIS IS LOVE.
Sana masubaybayan nyo rin.. Thanks loves <3
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
Aktuelle LiteraturSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.
