Walang kawala.
ALYSSON
"Alyssooooon!!!" Napalingon ako sa labas ng room ko.
"M-mom?"
"Aba anak! Anong oras na?! Hindi na nga kayo nagsipasukan sa firstday of classes kahapon tapos ngayon magpapalate ka pa!"
Owkay! Di ko maiwasan mapangiti! Namiss ko yung mga ganito ni mommy! Madalas nya kong bungangaan and noon naiinis ako! Kaso nung nalayo ako sakanya for three months, grabe! Namiss ko sya!
"Oh! Ngingiti ngiti ka pang bata ka! Inaasar mo ba ko?"
"Hehe! No mom! I just missed this po! Yang katarayan at lakas ng boses mo po! Haha!"
"Aba naman talaga! Hala sige! Bilisan mo na jan kundi hindi lang bibig ko maririnig mo! Nanjan ang daddy mo kaya malalagot ka! Bilis na Alysson!"
Ngumiti ako at tumango.
Tinapos ko nalang ang pag-curl sa dulo ng buhok ko and last minute retouch sa face ko.
Syempre, kilala kaming apat sa school! Di kami pumasok kahapon so ngayon talaga ang first day namin. Kailangan bongga! Kailangan sobrang ayos ko! Sobrang ganda! Coz when you say 'Alysson Benitez' imposibleng hindi head turner! *flips hair*
* * *
"Susunduin ba kita anak?" Tanong ni dad bago ako lumabas ng kotse.
"Uhm.. Sabihan nalang po kita dad. I don't know if may gagawin pa po ko after class!" Sagot ko. Bigla akong nagcrossarms.
"Hmp! Dapat po kasi may sarili na kong car!" Pagpaparinig ko pa.
"Sariling car? Sure!"
Nanlaki bigla ang mga mata ko! Wait! Pumayag si daddy?!
"Daaaad!! Seriously?!" Ayon ko habang niyuyugyog pa ang braso ni daddy.
"Ofcourse! Ano ba naman yung bilhin ko ang gusto ng baby ko!"
"Gosh!! Daddy!! Thank you!" Sabay yakap ko sa bandang leeg ni daddy.
"Wala yun anak!" Tumigil saglit si daddy sabay layo sakin at tinignan ako mata sa mata.
"Pahingi muna si daddy ng straight uno!"
Kumunot bigla noo ko sabay padabog na bumalik sa upuan ko.
"Daddy naman eh!!"
"Oh? Aba anak! Wala na ngayong bagay na nakukuha sa madaling paraan!"
"But dad--"
"You'll be late! Sige na! Pumasok ka na!"
Nakakainis! Padabog rin akong lumabas sa kotse. Nakababa pa ang salamin ng window kaya sumulyap muna ulit ako kay Daddy.
"Dad? Sige na please??!"
"Aly! No straight uno, no car!"
Ugh!! At nakangisi pa talaga si daddy ah? Nangaasar pa! Kainis! Naglakad nalang ako papasok sa school.
Wait!! Ano ba Aly?! Dapat maganda ka! Wag kang mainis! Magkaka-wrinkles ka nyan! Sayang pagaayos mo!!
"Aly!!!" Napalingon ako sa tumawag sakin.
"Nao!!!" Tawag ko sakanya at agad naman syang lumapit sakin.
Simula ng bumalik kami galing Sitio. Na-lessen na yung pangaasar, katarayan ni Nao sakin! I don't know if it's a good thing kasi parang nanibago ako bigla! Hayyy..
"Oh! Bat parang biyernes santo yang mukha mo? First day na first day, Pumapanget ka lalo!"
"Wow! Sige! Makidagdag ka pa!"
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
قصص عامةSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.
