Chapter Forty

96 3 0
                                    


Exciting.

NAOMI



"So everyone prepare for your preliminary exam and i'm expecting na walang babagsak! Okay?" Nakangiting huling sinabi ni Sir Stalin.



Nagpaalam na sya kaya naman nagsimula na kaming magayos ng gamit namin.



"Nao! I'll go first! Kita nalang tayo sa gym!" Paalam ni Yumi.



"Uy! Hintayin mo ko dun ah!"



"Ofcourse!" Sabay beso nya sakin.



Kumaway nalang din si Yumi kay Gino at kay Sid bago tuluyang kumaripas ng takbo paalis.



Naglalakad na kami sa hallway papunta sa gym. Panay akbay sakin ni Gino kaya naman may ilang pinatitinginan na kami.



"Bitaw nga Gino!" Ayon ko habang lumilinga linga sa paligid namin.



"Kinakahiya mo ko??"



"Gagi! Hindi! Nakakailang lang!"



"Bayaan mo na! Gusto ko to eh!"



"So ikaw ang masusunod? Ganun?"



"Oo! Bakit?!"



Hindi ako agad nakasagot. Ngayon ko lang narinig yung ganitong tono nya. May awtoridad at may diin talaga!



"E-edi sige! S-sabi mo eh!" Mataray pero halos utal utal ko ng sagot. Kainis!



Hindi sumagot si Gino pero naramdaman ko yung mas mahigpit nyang pagakbay sa balikat ko.



Bahagya namang nagbend si Sid na nasa tabi ko lang para bumulong pa sakin.



"Ano ka ngayon?!" Pangaasar pa ni Sid. Tinignan ko lang sya ng masama habang nagpipigil naman sya ng tawa.



"Shut up!" Ayon ko sabay hampas pa sa braso nya at kalas naman ng pagkakaakbay sakin ni Gino at nauna na kong naglakad sakanila.

SIE: Beginning TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon