Chapter Thirty-Three

95 3 0
                                    

Nakakabaliw.

MAYUMI

Break time and pinatawag ni coach si Nao coz she's our captain ball sa volleyball. As always, Sumunod lang naman sakanya si Gino.

Same kila Donny, break time narin nila! Kaso, magkasama ang magbestfriend habang si Aly and Chino rin magkasama.. Pansin ko na lately parang back to normal na silang dalawa! Well, good for them!

So~ Yup! I'm all alone! Nandito ako sa school grounds, dito lang sa round table. Mahangin dito and wala namang masyadong students!

Kinakalikot ko ang phone ko coz i decided na makinig nalang ng music... After i plugged in my earphones at napatingin muna sa paligid bago i-play yung music, agad nasagap ng mata ko yung dalawa.

Si Neal and Megan.

Ang bilis nilang naging close ah? Well, ok narin naman siguro yun for Neal-- Wait!! Is Megan hugging... Neal?! For real?!

Kumunot bigla ang noo ko! Pakiramdam ko parang naninikip bigla dibdib ko! Shems! Bakit? Ano bang pake ko sakanila?!

Hindi nawawala ang kunot sa noo ko habang di rin maalis ang titig ko dun sa dalawa! Gumanti ng yakap si Neal. So? Sila na ba? Psh! Ang cheap naman pala mamili ng babae nitong Neal na to.

Ewan ko pero walang pinagbago ang expression ng mukha ko hanggang sa biglang nagtagpo ang mata namin.

Pansin ko ang bahagyang pag-awang ng bibig ni Neal at unti-unti rin na pagtanggal ng yakap nya at pagkalas sa yakap naman sakanya ni Megan.

No hard feelings! Tinanguan ko nalang sya bago umiwas na ng tingin.

In-on ko na agad yung music-- Sh*t! Naka-shuffle ba tong playlist ko? Seriously? Tadhana? Ang senti masyado! Kaasar!

Kunot noo parin akong naghanap ng ibang music! Gusto ko yung masaya kasi badtrip-- Ugh!! Badtrip ako?! Ano ba yan! Bakit? Dahil kay Neal at Megan?! Psh! As if i care--

My gahd Mayumi! You do care! Kasi kung hindi, hindi ka naman maiinis eh! Hindi ka mababadtrip! Wala lang dapat sayo pero ngayon-- Ugh! At talagang kinakausap mo ngayon ang sarili mo! Kaya confirmed na talaga!!

Binitawan ko at ipinatong lang sa table yung phone ko. Tinanggal ko yung earphones ko sabay napatingin lang sa kawalan.

"Hi Yumi!" Napataas ang kilay ko at nilingon yung masiglang bumati sakin.

"Hmm?"

"Hi!"

"Oo na! Sige! Hello!"

"Sungit mo na naman! Kaya lalo kang nagiging cute eh!"

Napapikit ako sa pagpipigil ng inis! Naiirita ko pag nakaaligid sakin tong lalakeng to!

"Look, Cyle! Wala ako sa mood ok? Wag mo kong bolahin kasi as usual, dededmahin lang kita!"

Napa nguso bigla si Cyle. Trying hard pa magpacute! Tsss.. Oo na't chinito nga ang tipo ko sa itchura ng lalake! Pero ayoko dito sa isang to! Nayayabangan ako! Naiirita! Naaalibadbaran! Ewan ko ba? Totoo namang mabait sya! Kaso... Basta! Di sya ang gusto ko!

Napakunot na ang noo ko ng bigla syang umupo sa harapan ko.

"Close tayo? Nagfefeeling ka na naman! Pinaupo ba kita jan?"

"Yumi naman!"

"Alam mo namang ganito ako makipagusap sayo, ginugusto mo parin akong kausapin!"

"Kasi kahit anong sakit mo magsalita, Ikaw parin talaga ang gusto ko!"

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Cyle. Matindi ba pangangailangan nito sakin at hanggang ngayon, ayaw nya parin akong tigilan!?

SIE: Beginning TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon