Nagbabalik.DONNALYN
"Oh! Tara na!" Yaya ko sakanila.
"Uy! Para tayong celebrity! Ang daming nakaabang satin!" Tuwang tuwa na ayon naman ni Aly.
"Sus! Tabi nga! Ako mauunang bumaba!" Ayon naman ni Nao sabay hawi kay Aly at bumaba na.
Ako rin, bumaba na ko agad. Sumalubong sakin yung matatamis na ngiti ng mga taong nakaabang samin. Para bang kilalang kilala na nila kami at sabik na sabik na makita kami dito.
Sakin sinabi at binilin ang lahat ng mga kailangan naming malaman. Ang mga tao na kailangan naming makausap kasi sakanila kami binilin.
"Narito na sila!" Ayon ng isang matandang lalake na parang kakagaling lang sa pagsasaka.
"Naku po! Ke-gagandang mga bata!" Excited naman na ayon ng isang babaeng di pa naman ganun katanda ang itchura.
"Sya nga! Mga dalaga na!" Pag sangayon naman ng katabi nyang babae na parang kasing edad nya lang.
"Magandang umaga po!" Bati agad sakanila ni Yumi habang nakangiti pa.
"Hello po!" Bati naman ni Nao.
"Wow! Ang kind nyo pong lahat! Nice to meet you all po!" Masigla namang bati ni Aly.
"Hello po! Good morning! Tatanong ko lang po kung sino and nasaan si Manang... Uhm..." Pinutol ng lalaking una kong narinig kanina na magsalita ang sasabihin ko.
"Si Manang Chiki ang kailangan nyo! Hindi ba? Sandali lang at tatawagin ko!" Nakangiting suggestion nung matandang lalake kaya napangiti narin ako.
Tama sya kung sino ang kailangan namin. Wow! Parang lahat sila napagsabihan na ngayon ang dating namin dito at kung anong dapat nilang gawin.
Habang naghihintay, napalingon ako sa mga kaibigan ko.
Si Yumi, kinakausap yung mga matatanda ng babae na sumalubong samin. Lahat sila nakangiti lang talaga! Maaliwalas ang mga mukha nila! Parang mga walang problema! Malapit talaga si Yumi sa mga matatanda kasi halos sa lola nya sya lumaki.
Si Nao naman, yung mga bata ang binigyan ng pansin! Nakikipaglaro pa sya ng sipa ngayon na akala mo alam nya kung pano! Haha. Nakakatuwa silang tignan.
Si Aly naman, naku! Parang chinichika na yung mga babaeng di pa naman ganun katanda ang itchura. Mukhang binibigyan nya ng tips na mga ilalagay sa mukha! Sus! Ugali nya yan eh! Lol.
"Aaaaaayyyyy!!!" Halos sabay sabay kaming apat na napalingon sa matinis na boses na narinig namin.
Seriously? Sya yata si Manang Chiki! Gosh! Nakakatuwa sya! Kahit matinis nga ang boses nya, na mukhang mabibingi na ko, parang sya yung tipo na gugustuhin mong makasama lagi kasi di nakakabored.
"Ang mga ire!! Dalaga na nga talaga!" Jusko! Parang mababasag talaga eardrums ko sa tinis ng boses ni Manang! Kaloka!
"Hi po Manang Chiki?" Bungad na bati ni Nao pero alanganin pa sya sa pangalan ni Manang.
"Hindi nyo na ko naaalala!" Parang bata na sabi ni Manang. Bakit ang cute nya kahit medyo may edad na sya? Haha.
"Naku! Pasensya na po! Ang tagal tagal na po kasi naming di nakakabalik dito! Sorry po! Bawi bawi nalang ngayong bakasyon!" Paningit pa bigla ni Nao.
"Aaaaayyyy!! Sabi na nga ba't ke-babait nyong apat! Manang mana kayo sa mga magulang ninyo!" Excited pa na sagot ni Manang.
"Hi po Manang Chiki! I'm Donnalyn!" Nakangiti kong bati sabay yakap sakanya.
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
General FictionSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.