Happiness.
DONNALYNHinihintay na ko ni Sid sa living room. Ngayong gabi na kasi ang Student's Night! Excited narin ako!
Lumipas ang ilang araw na wala paring alam ang mga kaibigan namin na official na kaming mag partner ni Sid. Ngayong gabi talaga namin balak ipaalam sakanila.
Dirediretcho ako ng baba at pumunta na kay Sid.
"Let's go!" Yaya ko sakanya pero nakita kong nakangiti lang sya sakin.
"B-bakit? Tsss.. Mangaasar na yan! Panget noh?"
"Hindi ah!"
"Eh bat ganyan expression mo?"
"Ang ganda mo kasi!"
Nagpipigil ako ng ngiti habang nakaiwas ng tingin kay Sid. Bwisit to! Lakas makabuo ng gabi ko!
"Tigilan mo nga ko! Tara na nga!" Yaya ko ulit sakanya. Napatawa nalang sya bago nya kunin yung coat nya sa sofa.
Palabas na kami ng maabutan kami ni mommy at daddy.
"Mom! Dad! Welcome back po!" Bungad ko sa parents ko.
"Wow naman anak! Babaeng babae ka ngayon ah!" Pangaasar sakin ni Daddy.
"Dad naman! Babae naman po talaga ko eh!" Parang bata kong ayon.
"You can't blame you're dad! Never ka pa kayang nagkaboyfriend! Naku! Magtatapos ka na't lahat sa college, NBSB ka parin anak!" Natatawang ayon naman ni mommy.
Napangiti ako bago lingunin si Sid. Tumingin muna ko saglit sa parents ko bago lumapit at yumakap sa braso ni Sid.
"Ay dad! Si Sid po!" Ayon ko.
"Naks! Buti nalang at nandyan si Isidro para maging date mo!" Ayon ni daddy.
"First time to anak! Ngayon ka lang nagkaron ng date sa student's night nyo ah!" Ayon naman ni mommy.
Hinila ko palapit si Sid sa parents ko.
"Yup! He's my date po! And mom, dad! I would like you rin po to meet my... My boyfriend!"
Pansin ko ang gulat na expression ni daddy habang napatakip naman sa bibig nya si mommy at parang iniipit yung tili nya.
"Seriously anak?" Tanong ni mommy kaya sinagot ko lang sila ng tango.
Kinausap ni Daddy si Sid at pabirong binantaan na lagot daw sya pag pinaiyak nya ko! Si mommy naman, hinahanap na yung phone nya at gusto yatang tawagan ang mommy ni Sid na si tita Rowena para pagusapan tong binalita namin.
"Mommy! Daddy! Aalis na po kami! Malalate na po kami eh!" Paalam ko.
"Oh sure! Magiingat kayo ah?" Ayon ni mommy.
"Sid! Ang anak ko hah?!" Ayon naman ni daddy.
"Yes sir! Ako po ang bahala!" Nakangiting sagot naman ni Sid.
Lumabas na kami at dumeretcho na sa kotse. Bago simulang paandarin ni Sid yung kotse. Halos magulat ako ng bigla nyang kunin yung kaliwa kong kamay sabay hinalikan yung likod ng palad ko.
"Thank you!" Ayon ni Sid. Napaisip pa ko kung anong pinagpapasalamat nya! Hmm... Baka dahil pinakilala ko na sya sa parents ko as my boyfriend and now, we're official na talaga!
"Wala yun!" Sagot ko.
"I love you, Donny!" Napahinto ako sabay napangiti.
"I love you too, Sid!"
* * *
"What???" Gulat na ayon ni Aly.
"Totoo ba yan???" Tanong ni Chino.
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
General FictionSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.