Back, for a while
MAYUMI
"Oh! Wala pang bakasyon pero nandirito na muli kayo mga hija!" Bungad samin ni Manang Ising ng makababa na kami ng kotse.
Tulad kasi ng dati, hindi pa man namin natitigil yung kotse, nakasunod na ang tingin ng lahat ng tao. Parang alam na alam na talaga nila na kami yun. Kaya nga agad na may sumalubong na samin.
"Eh kasi po... Nakakamiss po talaga dito!" Nakangiting sagot ni Donny.
"Oo nga po! And Nao is here narin po!" Ayon naman ni Aly.
"Ay sya nga! Kaninang umaga pa sya nakabalik rito. Sabi na nga bang imposibleng magisa lang sya eh!" Sagot pa ni Manang Ising.
"Opo sinundan lang po namin sya! Uhm... Hindi ba po sila lumalabas ni Manang Chiki?" Tanong ko.
"Hindi ko sila nakikitang nalabas ng bahay eh!"
"Ay ganun po? Osige, pano po? Pupuntahan nalang po namin sila!" Paalam ni Donny.
Tinanguan lang kami ni Manang Ising habang nakangiti.
Dumeretcho na kami sa bahay namin dito. Bukas nga ang ilaw pati rin ang pintuan pero parang ang tahimik. Iba rin ang ambiance. Medyo mabigat sa pakiramdam.
Papasok na sana kami ng awatin kami ni Donny. Nagtaka ako kaso napansin ko na parang may gusto syang marinig.
Dun ko lang nalaman na may naguusap sa loob ng bahay. Medyo lumilinaw na ang boses nila kaya nakinig nalang muna kami.
"Tahan na hija! Kanina ka pa umiiyak! Naku naman oh! Baka maubusan ka na ng tubig sa katawan mo!" Alam kong boses ni Manang Chiki yun. Rinig ko narin ang pag-iyak ng isang pamilyar na boses.
Umiiyak na naman si Nao.
"Manang! H-hindi ko na po kasi talaga alam ang gagawin! Nandito nga po ako pero alam kong kailangan ko parin bumalik sa manila!" Umiiyak na sagot ni Nao.
"Aba natural! Hija! Hindi sa kumakampi ako kay Mayumi! Pero base sa kwento mo, may punto sya dun! Dapat tong malaman ng mga magulang mo!"
"Manang! Natatakot po ako!"
"Kailangan mong harapin ang takot mo Naomi! Hindi mo rin dapat tinatakbuhan ang kahit na anong problema. Ang alam ko lang, kilala ko ang mga magulang mo! Sabihin na natin na magagalit sila pero hindi yun ibig sabihin na hindi ka na nila iintindihin lalo na jan sa kalagayan mo!"
"Pano po... Pano po kung palayasin nila ko? Manang! Saan po ako pupunta? Blankong blanko na po talaga ang isip ko!"
"Aba! Eh anong ginagawa nung tatlo? Di ka ba pwedeng pumunta sakanila? Tsaka hija! Kaya kong siguraduhin sayo na hindi yan mangyayari! Kung gusto mo, kahit sumama ako sayo pabalik sa maynila at kasama mo kong sasabihin yan sa mga magulang mo!"
Wala na kong narinig na sagot galing kay Nao. Pero mas lalong lumakas ang paghagulgol nya. Sigurado akong hirap na hirap na sya--
"Aaaaahhhh!!!!"
Medyo napaatras kaming tatlo. Namilog ang mga mata namin dahil sa bukod sa malakas ang pagsigaw, ang tinis pa talaga!
"Jusko naman! Anong ginagawa nyong tatlo jan??" Tanong ni Manang Chiki habang nakahawak pa sa dibdib nya.
"Naku Manang! Sorry po!" Ayon ni Donny sabay hagod sa likod ni Manang.
"Magsipasok nga kayo rito! Jusko mahababagin!"
Sumunod nalang kami sa utos ni Manang. Agad na bumungad samin si Nao na nung makita kami ay agad nalang napatayo.
"Panong... Anong..."
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
Fiksi UmumSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.