Curiosity.
DONNALYN
"The Principles of Management are the essential, underlying factors that form the foundations of successful management. These can be used to initiate and aid the processes of change, organization, decision making, skill management and the overall view of the management function...."
Halos di ko talaga maintindihan tong lecture namin ngayon. Nasa kaliwa ko si Aly at nasa kanan ko naman si Chino. Gusto ko na kausapin kahit si Aly lang. Kaso, pano ko naman kasi sya kakausapin? Baka maging usisera na ako nito! Tsk! Ano ba yan?!
Nakita kasi namin ni Sid sina Aly at Chino kahapon sa parking lot sa mall. Parang kakarating palang nila eh! Sinabi ko kay Sid na sundan namin sila or kahit tawagin nalang para makita nila kami. Kaso epal sya! Wag na daw kami mangealam!
Kaya eto ako ngayon! Lumilipad ang isip dahil nasa magkabilang tabi ko lang kasi yung dalawa. Major subject kasi to kaya kaming dalawa at si Chino and Neal lang ang magkakasama.
"Okay class! Do a review about sa naging lecture natin today coz we will have a long quiz next meeting! That's all for today! Goodbye!" Ayon ng prof namin.
Shocks!! Natapos na pala ang lecture?! First time ko to! First time na natapos ang isa kong subject na hindi ko man lang namamalayan! Gahd!!
"Tara na--"
"AY PALAKA!!!"
"Huy! Okay ka lang?!" Natatawa ng tanong ni Aly.
Ugh!! I'm overthinking! Kaya ako nagiging magugulatin eh! Kainis!
Huminga ako ng malalim! Hindi ko na kaya magisip pa! I need answers! Usisera na kung usisera! Pero sobra na ang curiosity ko!
"Aly? I-i need to talk to you!" Walang ano-ano kong ayon. Kailangan ko na tong kausapin! Hindi na talaga ko mapakali!
"H-huh? Uhm.. Okay?"
"Let's go!"
Nagpaalam ako kay Chino at Neal na mauuna na muna kami ni Aly. Kailangan ko syang masolo para matapos na tong curiosity ko.
Dinala ko si Aly sa batong round table dito sa school grounds!
"Donny? What is it?"
Huminga muna ako ng malalim bago ko sya sagutin.
"Last saturday! Nag-mall kami ni Sid! Pauwi na kami pero nakita namin kayo-- Uhm... K-kayo ni Chino!"
"A-ahh! Yun ba? Uhm.. Why?"
"P-pwede bang... Pwede bang malaman kung ano-- uhm... Bakit kayo magkasama? O-okay na ba kayo?"
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
General FictionSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.