This is not good.
DONNALYN
Hindi sumasagot sa phone call at texts ko si Nao. Nalaman ko rin na kahit kay Aly ganun sya! Hindi ko na tinanong si Yumi dahil alam ko namang di pa nun kakausapin si Nao.
Nang matapos ang dalawa naming subjects pang umaga, agad kong hinila paalis ng room si Aly. Nagaalala na ko! Hindi ko naman alam kung sino pang tatanungin ko about kay Nao.
"Donny! Slow down! I'm on my 5inches heels!" Pagmamaktol ni Aly. Tumigil ako sa paglakad at nilingon sya.
"Ano ba kasing pumasok jan sa kokote mo at bumili ka ng ganyang sapatos pamasok?!"
"Duh? I look good on them kaya!"
Napapikit nalang ako sa inis. Pero calm down Donny! Si Nao lang ang intindihin mo ngayon.
"Pumunta ka sa locker mo! Magpalit ka ng flats!" Utos ko kay Aly.
"Huh? Why? May class pa tayo!"
"Don't wanna sound like a bad influence pero aabsent tayo kung kailangan para lang mahanap natin si Nao!"
"What?! You serious?"
"Y-yeah?"
"Hmm... Okay! Okay! Where are you going ba muna? Para dun nalang ako dumeretcho after ko magpalit!"
"Sa round table nalang! Hihintayin kita! Bilisan mo na hah!"
"Okay! Let's meet there!"
Tumango lang ako bilang sagot bago kami maghiwalay ng daan ni Aly.
Ewan ko pero nakakaramdam na ko ng kaba! Knowing kung anong condition ngayon ni Nao, baka kung ano ng ginawa nun! Jusko wag naman sana tong iniisip ko!
"Ouch!!" Natigilan at napalingon ako sa nabangga ko at tinulungan siyang tumayo.
"Sorry, Sorry! Sorry talag-- Yumi?!"
"Grabe! Galit ka rin ba sakin sa nagawa ko kay Nao? Sakit sa balakang ah!"
"Naku! Hindi! Pero sorry talaga! Nagmamadali lang ako!"
"And why? May problema ba?"
Sasagot na sana ko agad kaso natigilan ako! May sense ba kung sasabihin ko? Eh feeling ko nga may galit parin sya kay Nao hanggang ngayon!
"Donny? Ano na? I'm asking you! What's happening ba?" May pagaalala ng tanong ni Yumi.
Tinitigan ko muna sya. Nabasa ko sa mga mata nya ang curiosity at pagkaworried. Napakagat ako sa ibaba kong labi bago magsalita ulit.
"W-wala ba kanina si... Si Nao sa klase nyo?" Alanganin kong tanong.
"Hmm.. Yup! She's absent! Tinatanong rin ako ni Gino kung alam ko ba daw kung nasan si Nao, pero sabi ko ewan ko! Bakit ba?"
Humugot ako ng malalim na paghinga, hinagit ko ang braso ni Yumi at kunot noo at seryosong sinagot sya.
"Yumi! She's not answering my calls! Kahit texts! Kinakabahan na ko! Baka kung ano ng ginawa nya! Yumi! Nagaalala na talaga ko sakanya!"
Hindi agad sumagot si Yumi. Pero naramdaman ko nalang ang bigla nyang paghawi sa kamay kong hagit hagit parin ang braso nya.
"Yumi..."
"Where's Aly? Kotse ko na ang gagamitin natin! Hahanapin natin si Nao kahit saan!" May awtoridad na ayon ni Yumi.
Di ko mapigilang mapangiti kahit papano. Ofcourse! This is Yumi! Kahit na anong laki ng galit nyan sa isa samin, basta nalaman nyang may problema. Lusaw na lahat! Parang back to normal nalang agad.
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
Ficción GeneralSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.