Akala ko.
MAYUMI
"Ready?" Cold na ayon ni Neal.
"Uhm.. Ikaw lang?"
"Yeah! Busy sila!"
"Ahh! Hmm... Okay! Let's go!" Sagot ko lang sabay labas na.
Si Neal?! Apat sila pero sya pa talaga ang makakasama ko ngayon!! Hmm..
Don't get me wrong tungkol kay Neal! Alam kong mabait sya! Mula nung nakita ko at natitigan sya sa bayan, Kinagabihan, naalala ko na agad kung sino sya. Kaya wala ng halong gulat ng ipaalala ni Sid at Donny dun sa apat yung mga nangyare years ago. Pero i choose not to tell them kasi wala namang sense! Like, totoo namang kahit noon pa eh hindi naman kami close nito.
Lalalala~ Tahimik kami pareho ni Neal habang nandito sa loob ng sasakyan! Parang parehas lang kaming nakadungaw sa bintana at nakamasid sa mga nadadaanan naming palayan. Ugh! As in walang nagsasalita samin! Tuloy napapaisip ako kung ano bang nangyare sakanya?
Oo hindi kami close nitong si Neal. Pero nung mga bata palang kami, alam kong magulo sya! Madaldal na talagang aabot sa point na maiinis ka na sakanya! Hmm... Anong nangyare at naging ganito na sya ngayon?
Parang ang loner nya! Parang pipi narin! Wala talagang emosyon ang mukha nya! Hayyy.. What happen to you Jonneal?
Gwapo ka! Yes! I have to admit that coz that's true! Ang katawan mo? Well define ang mga muscles, abs mo! Matangkad ka para sakin dahil halos napapatingala talaga ko pag titignan kita! Hmm.. Siguro, marami ka ng napaiyak na babae? Ganyang ganyan kasi ang pustura ng mga lalakeng playboy! Hmp!
"We're almost there!" Pagulat akong lumingon kay Neal. Ugh!! Nakakagulat yung bigla nyang pagsasalita! To think na may kalaliman ang boses nya! Manly masyado!
Hindi ako sumagot! Peste! Nagulat talaga yung puso ko! Naiinis ako!
Ilang sandali pa, naramdaman ko na ang pagtigil ng kotse namin. So? Are we here?
"Tara!" Again! God that tone!! Lagi ba talaga syang manggugulat? Ugh!!
Hindi ko na sya pinansin at dumeretcho na ng labas.
Woah!! Oh my god!! So eto ang rancho nila daddy? Ang lawak naman masyado! Ang ganda at yung hangin! Shems! Ganito ang gusto ko! Di tulad sa manila na talagang polluted!
"Magandang umaga Neal!" Napalingon ako sa biglang nagsalita at bumati kay Neal na katabi ko nalang pala ngayon.
"Mang Jojo! Kamusta po?" Agad na tanong niNeal. Teka! Iba na yung tono nya? Medyo... Uhm... Medyo may saya na! Di tulad kanina na seryoso talaga.
"Ayos naman ako hijo! Naku! Buti at napadalaw ka-- Ahhh... Neal?! Hindi mo man lang ba ko ipapakilala sa kasintahan mo?" Malawak ang ngiti nung Mang Jojo.
Halos magtaasan ang mga balahibo ko sa katawan! Seriously? Kasintahan? Girlfriend? I don't think so!
"Mang Jojo! Hindi ho! Uhm... Sya po si Mayumi Buencamino! Ang nagiisang anak ni Tito Hiro!" Pagpapaliwanag ni Neal.
Nilingon ko si Mang Jojo at nakitang halos lumuwa na yung mga mata nya sa sobrang gulat! Halatang halata mong nagulat sya sa nalaman nya at para bang gusto ng lumuhod sakin para lang humingi ng tawad!
"M-mayumi? Ay jusko! Pasensya na hija! Pasensya na talaga! Hindi ko talaga alam! Dalaga ka na! Hindi kita namukaan ah! Naku! Pasensya na talaga hija--"
"Ok lang po! Wala naman po yun! Relax lang po Mang Jojo!" Nakangiti kong pagputol sa talaga namang natatarantang pagsagot ni Mang Jojo.
"Uhm.. Well, sinabihan po kasi ako ni Daddy na pumunta raw dito and i-check kung kamusta na po kayo pati yung rancho!" Nakangiti ko pang dugtong.
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
Fiksi UmumSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.