Pagiisipan ko.NAOMI
3pm.. Nandito lang kami sa field. Nagkayayaan na maglaro ng volleyball! Tinatamad lang talaga ko kaya nakaupo lang ako dito sa mismong damuhan at nanonood sakanilang lahat.
Napapangiti at medyo napapahiyaw ako dahil wala pang mintis ang mga bestfriend ko! Naku! Nagkamali kayong mga lalake ng kinalaban! Pano pa kaya kung sumali ako na captain ng volleyball team sa university namin?
"Teka! Teka!!" Sigaw ni Donny na medyo hingal pa.
"Ang daya! Apat kayo jan! Tatlo lang kami!" Angal pa ni Donny.
"Madaya? Eh nangunguna pa nga rin kayo eh! Ok na to!" Ayon naman ni Sid.
"Kahit na! Isa sainyo, umalis na jan! Kailangan pantay!" Sigaw pa ni Donny.
"Wag na uy! Lamang naman kayo eh! Kailangan namin ng extra!" Pabalik na sigaw ni Sid.
Halos nagsisigawan lang si Donny at Sid at naghihintay nalang yung lima na magsimula ulit ang game.
Nakakatuwa nga rin pagmasdan tong dalawang to eh! Kung tutuusin, sila ang ate at kuya saming walo! Pero ngayon, para silang mga isip bata!
"Isidro!!! Wag mo na kong kontrahin! Magtanggal ka ng isa jan! Ngayon din!" Natatawang sigaw ni Donny.
"Ano ba yan!! Oo na! Sige na!" Sigaw ulit ni Sid.
"Teka!! Ako na aalis!" Pagpiprisinta ni Gino. Tumango lang si Donny at Sid.
Nakangiti naman syang tumakbo palapit sakin at walang ano-anong umupo sa tabi ko sabay kuha ng towel at pinunasan ang pawis nya.
"Grabe! Sana may ibang magpupunas ng pawis ko! Yung medyo concern siguro!" Halatang pinaparinggan ako ni Gino pero nang magtagpo ang mata namin, inirapan ko lang sya.
"Oh! Nakairap ka nanaman! Wala na bang bago?" Nilingon ko ulit sya at nakangisi na naman sya.
"Nakangisi ka nanaman! Wala na bang bago?" Mataray kong balik sakanya.
"Ay sus!" Ayon nya sabay halakhak.
Nagsisimula na ulit yung game nung anim kaya tutok na ulit ako.
"Nao! May nabanggit sakin si Sid!" Medyo mahinang sabi ni Gino.
"So?"
"Tungkol sayo!"
"Huh? Ano yun?"
"Wag kang magagalit huh?"
"Ano nga yun Gino?! Wag kang pa-suspense jan!"
"Uhm.. Kasi daw.."
Hinintay ko yung idudugtong nya. Ang tagal! Masyadong pabebe!
"Sabi nya... bagay ka raw sakin!"
Pabulong pa talaga nyang sagot. Bigla akong natahimik. Ugh!! SAY WHAT?!
"Mukha mo! Si Sid pa talaga ginamit mo!"
"Uy seryoso yun! Nalaman na naman nya eh!"
"Huh? Ang alin?"
"Na... Gusto kita!"
Again! Natahimik nanaman ako! Ugh!! Eto nanaman po tayo! Pero, Wait! Yung sinabi ni Donny nung isang araw! Eto na ba? Sisimulan ko na ba?
Wala na ang atensyon ko sa laro nung anim. Nagiisip ako! Busy yung anim at katabi ko lang si Gino! Ano? Ngayon na ba?
"Gino!"
"Oh?"
"May itatanong ako!"
"Sure! Sige lang!"
Nagdadalawang isip ako! Pano kung nagbibiro lang sya? Palabiro talaga sya eh! Ugh!!
"Wag nalang pala!"
"Nakakabitin ka naman Nao eh! Tuloy mo na! Ano ba yun?"
"Wag na nga lang! Kulet!"
"Nao!! Ano nga?!" Mata sa mata nyang pagpilit sakin.
Ugh!! Wag ka ng maduwag Naomi! No guts, No glory! Kailangan mo ng sagot! Yung pwede mong panghawakan para kung sakaling bumigay ka na, atleast may pinanghahawakan ka naman!
"Nao! Speak up!!" Inis ng sabi ni Gino sakin
Hinarap ko sya at tinignan ng mata sa mata.
"Last time! You hugged me! And then sabi mo you like me! Why?"
"Huh? Anong why? When i said i like you, i mean it Nao!"
Umiling ako ng umiling!
"Hindi! Imposible!"
"Panong naging imposible yun?"
"Gino! We started out as enemies! I hate you, you hate me! Ganun tayo! So how come all of a sudden sasabihin mo sakin yun?"
Natahimik sya! Eto na nga ba sinasabi ko! Pinagtitripan lang ako nitong hayop na to! Ako naman si landi, Naniwala agad! Boba mo Nao!
I looked away at di na sya pinansin pa. Ang kaso, nakikita ko sa peripheral view ko ang pagtitig nya sakin.
"Nao--"
"Don't talk to me! I hate you even more this time, Gino!"
"Pero--"
"I said, don't talk to me!" May awtoridad kong ayon. Pero halos lumuwa ang mga mata ko ng padabog syang tumayo at padabog rin umupo sa harap ko! As in! Ang lapit-lapit nya na sakin!
"Pwede pagsalitain mo ko?! Don't talk to me, don't talk to me ka jan!! Kung di mo ko hahayaan magsalita, pano mo malalaman yung totoong sagot ko?!" Inis at medyo pasigaw na nyang ayon! Hindi rin naman sya maririnig agad nung anim kasi maiingay sila maglaro!
Humalukipkip ako at tinignan sya ng diretcho sabay taas pa ng kaliwa kong kilay.
"Fine! Oh! Magsalita ka na!" Mataray kong ayon.
"Ugh!! Umayos ka muna Nao! Ang taray taray mo! Wala naman dapat ipag-taray!" Iritado na nyang sabi.
Kumunot na ang noo ko! Magsasalita na sana ko ng biglang may lumapit sa tabi ko.
Si Donny lang pala! Kinukuha yung towel nya sa bag nya na nasa tabi ko at binabantay ko.
"Oh! Okay lang kayo?" Hingal na hingal na tanong ni Donny.
Tumango si Gino sabay iwas ng tingin. Umismid lang ako.
"Tsk! Tsk! Tsk!" Umiiling pang ayon ni Donny.
Sa tabi ko nya binaba ulit yung towel nya sabay bumulong sakin.
"Umayos ka! Sige ka! Nasa huli ang pagsisisi!" Bulong ni Donny at nang tignan ko sya, nakangisi na sya sakin.
"Oh! Balik na ko dun huh?" Nakangiti pang paalam ni Donny sabay kindat pa sakin! Ugh!!
Nang makaalis si Donny! Eto nanaman po ang titig ni Gino sakin! Tsk! Fine!
"Nao--"
"Ok na Gino! Sige na! Speak up!"
"Hayyy... Yung tanong mo! Pano ko nasabi? Well it's because that's the truth!! Naomi! Believe me! Okay?"
Tinignan ko sya ng walang emosyon.
"Di ko kaya!"
"Bakit ba? Just believe what i say! Yun ang totoo!"
"Pagiisipan ko!"
"Huh? Ang alin?"
"Tsss! Wag kang tanga!" Umirap ako ng lingunin ko sya.
"Pagiisipan ko kung magugustuhan narin kita!"
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
General FictionSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.