Sapul.NAOMI
Grabe!! Ang sarap ng tulog ko! Ibang klase pala dito!
Agad kong binuksan yung bintana ko at para na kong ewan ngayon kung makangiti habang nakapikit pa!
Ang sarap ng simoy ng hangin! Hindi pa masyadong mataas ang araw kasi alas sais palang ng umaga. Pero medyo maliwanag narin naman!
Gosh!! Kung mas maaga kong nalaman na ganito dito sa Sitio, edi sana every vacation, dito nalang ako!
*TOK!! TOK!! TOK!!*
Nawala ang ngiti ko at kumunot bigla ang noo ko! Ugh!!! Sino ba tong ang aga-aga eh nangbibwisit na?? Lakas maka-katok!! Kainis!!
"Aly?!" Inis kong ayon ng buksan ko yung pintuan at nadatnang nasa labas ng kwarto ko si Aly na ewan ko pero mukhang excited na ewan! Abnormal talaga!
"Nao!! Buti gising ka narin! Bihis ka na!! Hurry!!" Excited na excited talagang utos sakin ni Aly.
"At bakit?!" Pagtataray ko.
"Hay naku! Ang aga-aga you're so sungit! You're such talaga! Just go fix yourself na! Dali! Ready na si Donny at Yumi! Ikaw nalang hindi!" Dirediretcho na sabi ni Aly at halos di na ko pinasagot pa kasi sabay baba na nya.
Ang impakta! Mukhang may pinaplano! Ugh!! Well it's better be good! Or else, kakalbuhin ko talaga sya!!
* * *
"Ano ba to?! San mo ba kami dadalhin?!" Inis na tanong ni Yumi.
Kahit ako naiinis na! Sabi na nga ba eh! Pag si Aly talaga, she's always up to no good!
Kanina pa kami naglalakad. Ok lang naman kasi mahangin at di pa ganun kainit. Kaso pare-pareho na kaming pagod! Ang layo na ng nilakad namin! Feeling ko hindi na to sakop ng sitio namin!
"Hoy bruha!! Ano na? San mo ba kami balak dalhin?!" Inis kong tanong.
"Hey! Don't shout naman sakin! Ugh!! Kasi po! Kagabi naggala parin ako magisa! Nakakita ako ng isang field! Alam kong mas maganda dun kapag umaga kasi mas makikita natin! Kaya dun ko kayo dadalhin!" Tuwang tuwa pang sagot ni Aly. Ugh!!
"Field? Ano? Picnic lang?" Pagtataray ko.
"Wag ka nga Nao! Wala kaya tayong dalang foods! Panong magiging picnic?!" Seryoso at pairap nya pang sagot.
Anak ng-- kahit kailan slow ang gaga! Di alam kung ano yung biro sa totoo! Panira ng umaga! Asar!!
"WE'RE HEEEEERE!!!" Halos patili ng ayon ni Aly.
Hinawi agad naming tatlo yung ilang mababang puno na nakaharang sa pwede naming makita--
Woah! Infairness ah! Maganda nga! May kalawakan yung field! Plain lang sya na puro damo! Perfect place nga pang-picnic kaso wala naman talaga kaming ibang dala.
"Nice!" Nakangising ayon ni Yumi.
"Ang layo nito pero worth it lakarin Aly!!" Ayon naman ni Donny na ngiting ngiti narin.
"Yeah-- Ohh myy godd! Ang ganda ng view!" Nilingon ko si Aly na diretcho lang ang tingin sa field.
"You're right! Ang ganda ng pagka-berde ng mga damo!" Ayon ko naman pero bigla nyang hinawi yung buhok ko papunta sa mukha ko! Problema nito?
"Ga-ga! Ibang view yung sinasabi ko!" Dahan dahan at parang wala sa sarili na sagot ni Aly.
Sabay-sabay naman namin syang tinignan at parang nakalutang sya ngayon base sa expression ng mukha nya!
"What do you mean?" Takang tanong ni Donny.
Hindi sumasagot si Aly pero dahan-dahan nyang inangat ang kamay nya sabay turo sa field.
Hindi talaga sya nagsasalita! Nakangiti lang na parang ewan kaya sinundan nalang namin yung pagturo nya.
Lintek na-- Ang tinuturo ni Aly? Just a bunch of guys playing football on the field. Hay naku! Topless pa kaya siguro mas napansin ni Aly! Medyo manyak yan eh!
"Girls! Ang... Ang yummy!" Lutang parin na ayon ni Aly. Sabay naman namin syang binatukan ni Yumi.
"ARAY HAH!!" Inis nyang ayon.
"Inaalog lang namin yang utak mong tulog pa!" Ayon ni Yumi.
"Pwede ba Aly! Wag hanggang dito eh pinapairal mo yang kahalayan mo!" Ayon ko naman.
"Grabe kayo! Totoo naman! Tignan nyo kasi-- Ugh!! Ang daming abs! Tara lapit tayo dun!" Kinikilig pang sabi ni Aly.
"Wag na! Nakakahiya!" Ayon naman ni Donny.
"Hindi! Keri natin yan! Leggo!" Excited na sagot ni Aly at nauna ng maglakad samin.
"Nakakabwisit talaga yang kaibigan nyo!" Inis kong ayon.
"Naku! Ewan ko! Pagsabihan nyo yang bestfriend nyo!" Inis rin na ayon ni Yumi.
"Haha! Mga lokaloka! Tara na nga!" Suway at utos samin ni Donny.
"Hay naku! San nyo ba kasi na-meet yang friend nyo?!" Ayon pa bigla ni Donny.
Medyo natawa kami bigla ni Yumi. Kaloka! Akala namin hindi sya makiki-ride sa jokes namin ni Yumi pero sa huli, di parin sya kj! Haha.
Medyo papalapit na kami at magkakasabay na kami ngayong naglalakad.
Si Aly-- Ugh!! Kumakaway sya dun sa mga lalake! Ang landi po! Tsk! Nilingon ko naman yung mga lalake, medyo kita ko na ang mga mukha nila at pansin kong napapangisi sila sa ginagawa ni Aly! Shems! Ang cheap naman kasi ni bruha!
"Huy! Gaga! Wag kang kaway ng kaway jan! Ang landi mo!" Pabulong pero inis kong ayon kay Aly.
"Wag ka nga jan! I'm being friendly here!" Ngiting ngiti na sagot naman ni Aly.
"I think we should just go back!" Sabi bigla ni Donny kaya napatigil kami sa paglakad.
"What? Donny! Makikipagkaibigan lang tayo!" Ayon agad ni Aly.
Halos nagtatalo na si Aly at Donny kasi ayaw na talagang tumuloy ni Donny pero sadyang pinipilit sya ni Aly.
"Yumi-- Huy!!" Inis kong ayon kasi kay Yumi ko nalang ibabaling atensyon ko.
"Oh?"
"May katext?!"
"Yuh! Ang lakas ng signal dito Nao!"
"Really? Wait!" Ayon ko sabay kuha sa phone ko.
Nakita kong puno yung signal. Shocks! Bat ang lakas ng signal dito? Samantalang sa bahay, kahit kailan di napuno tong signal namin!
"Uy! Ayos to ah!" Ayon ko.
"Ang bilis! Di na tuloy ako magkanda-ugaga sa bilis ng dating ng messages at bilis ng pagsend ng text ko!"
"True that! Text natin parents natin! Moment na natin to Yumi!" Ayon ko pa sabay nag apir kami ni Yumi.
"HOY!! You two! Ano na? Text text nalang? Tara na! Hinihintay na nila tayo!" Bilang singit ng isang impakta!
Ugh!! Mukhang na-convince nya si Donny. Okay! Naglakad nanaman kami pa-diretcho na talaga sa boys! Si Yumi, text parin ng text! Ugh! Di ko kasi kayang nagtetext habang naglalakad! Nawawala balance ng katawan ko.
Napalingon ako sa boys at nalamang di na sila nakatingin samin. Balik paglalaro lang sila. Mukhang nagpapa-impress pa ang mga loko! Push nyo yan!
"HALA!! MISS!!" Sigaw nung isang lalake kaya nawindang kami.
Napalingon ako sa nasa kanan ko. Ugh!! Yung bola-- At si-- Shems!
Si Yumi! Nasapul ng bola! Ugh!!

BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
Fiksi UmumSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.