Possitive
DONNALYN
Hinihintay naming lumabas ng cubicle si Nao. Medyo natatagalan yata sya ah?
"Hey! Nao? Baka kung ano ng ginawa mo jan ah!" Medyo pasigaw na ayon ni Yumi matapos nyang kalabugin yung pinto.
"Hayyy.. This is so nerve-wracking!" Ayon naman ni Aly sabay lingon nalang sa salamin at nagsimulang magsuklay ng buhok nya.
Ang tagal tagal ni Nao! Ano na kayang ginawa nun? Wala naman kaming naririnig na kahit anong ingay galing sa loob ng cubicle nya! Tsk!
"Nao!!" Napalingon kami ni Aly kay Yumi na parang natataranta nitong sinigaw ang pangalan ni Nao.
"Ang oa naman Yumi! Lumabas lang naman si Nao!" Ayon naman ni Aly.
"Nagulat ako eh! Ang tagal mo kasi sa loob Nao! Akala ko kung ano ng ginawa mo!" Iritadong sagot naman ni Yumi.
Hindi ko na inintindi yung dalawa. Tinitigan ko si Nao hanggang sa magtagpo yung mata namin.
Namumugto na yung mga mata nya! Ang lamya lamya narin nya! Habang nagtititigan kami. Unti-unti syang yumuyuko at parang nagpipigil pa ng iyak. Di na ko nakatiis at nilapitan na sya para yakapin.
Alam ko na ang resulta!
"Ssshh! We're here! Wag kang magalala!" Ayon ko tsaka nya ko ginantihan ng sobrang higpit na yakap. Ramdam ko ang panginginig nya kaya nabitawan nya lang basta yung PT.
Nilingon ko si Aly sa gilid ko at nakitang dinampot nya yun. Agad syang napatakip sa bibig nya. Binaling ko naman ang tingin ko sa katabi lang rin nyang si Yumi. Seryoso lang ang mukha nya.
"T-two lines! Nao!" Parang maiiyak na ayon ni Aly sabay lapit kay Nao at hinagod ang likod nito.
"Tahan na Nao!" Ayon ko pa.
Hindi lumalapit samin si Yumi. Pag ganyan sya, nagaalala ko sa iniisip nya! Iba tong nangyari kay Nao! She's pregnant for crying out loud! Ano ng gagawin namin?
Saglit pa naming pinatahan si Nao. Ng medyo kumakalma na sya, tsaka ko palang nagagawa magisip ng pwede naming gawin.
"I'm not gonna have this baby!" Sabay sabay kaming napalingon kay Nao dahil sa sinabi nya na talaga namang seryoso at may diin.
"Nao!!" Sita ko sakanya.
"Don't say that Nao! That's bad! Kasalanan sa diyos magpalaglag!" Tense na ayon naman ni Aly.
"Then what do you want me to do? Ituloy to? Pano? Masisira kinabukasan ko dito! Pano ako gagraduate? Sige nga!"
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
General FictionSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.