3rd Persons POV
"But dad--"
"Enough of your buts Aly! Napagdesisyunan na naming lahat na dun kayo magbabakasyon sa Sitio natin!" Aniya ni Albert. Ang daddy ni Alysson.
"Tatlong buwan lang naman ang summer vacation mga hija! Wala namang masama dun!" Ayon naman ni Nancy. Ang mommy ni Naomi.
"Kailangan din talaga namin kayo dun para kayo na muna ang magbantay sa sitio! Di naman namin kayo papabayaan! May mgbabantay, magaasikaso at sasama sainyo dun!" Ayon pa ni Akihiro. Ang daddy naman ni Mayumi.
"Pero-- Province yun? Hindi po ako tatagal dun! Like duh? Wala nga yatang malls dun!" Pagmamaktol pa ni Alysson.
"Ay jusko kang batang ka! Sa totoo lang, pumayag ako dahil totoong mas makakabuti nga yun lalo sayo! Gasta ka ng gasta! At pag ayaw mo na, itinatapon mo nalang basta ang gamit mo kesa ibigay sa charity!" Inis na sagot naman ni Sonya. Ang mommy ni Alysson.
"Naku! Tama na to! For your 3months summer vacation, dun kayo lalagi sa sitio and that's final!" Aniya pa ni Maylyn. Ang mommy naman ni Donnalyn.
Nagkatingan ang apat na magkakaibigan. Para silang naguusapan sa mga titigan palang nila.
"I agree! I think okay naman po! Wala naman sigurong mawawala samin! In fact, mas gusto ko sa place na may fresh air!" Biglang sagot ni Nao.
Si Naomi Imperial, Medyo pilosopo, Maloko rin sya, mahilig manginis lalo kay Alysson.
Pero may katarayan rin minsan. Madalas aakalain mong mainit lagi ang ulo nya pero ang totoo, Natural na sakanya yun. Ang importante para sakanya, naipapakita nya ang totoong sya.
"I'm fine with everything!" Ayon naman ni Yumi.
Si Mayumi Buencamino. Matalino. Mukha syang seryoso sa buhay pero may tinatago ring kakulitin.
May katarayan sya. Prangka. Sya ang tipong masasabi mong hindi plastik na tao. Kung anong gusto nyang sabihin, sasabihin nya! As simple as that.
"Sige! Game na po ako sa gusto nyo!" Ayon naman ni Donny.
Si Donnalyn Cojuangco. Sya ang tumatayong pinaka Ate ng tatlo dahil sya ang pinaka matanda by month.
May pagka-protective sya lalo sa mga kaibigan nya. Maingat, Maalalahanin at Madalas, masaya talaga syang kasama dahil sa kakulitan nya. Sya ang tenga sa mga problema ng mga kaibigan nya at bibig naman sa pagbibigay advice sakanila.
"OMG!! You guys?! As in? Payag na kayong tatlo? How about me?" Saglit na natahimik si Aly.
Si Alysson Benitez. Sya ang ang pinaka-baby sakanilang apat! Pero hindi sya ang pinaka-bata.
Matigas ang ulo, may kaartehan, in short, spoiled brat! Nasanay lang siguro dahil nakukuha nya talaga kahit anong gustuhin nya. Pero sya rin ang nagpapasaya sakanilang apat dahil may pagka-kwela rin sya. Pero sakit naman sya sa ulo dahil sa kilos at ugali nya.
"Tsk! As if may iba pa kong choice! Even if mag-no ako, wala naman na kong kakampi! Fine! Payag narin po ako!" Dugtong ni Aly.
Napangiti ang mga magulang ng apat na babae dahil sa kinahantungan nilang desisyon.
Gusto lang namang iparanas ng mga magulang nila at simpleng buhay sa kanilang sitio.
Ang mamuhay ng malayo sa maingay at magulong syudad. Gusto rin nila na matuto ang apat na mamuhay na hindi iniisip na mayayaman sila at makukuha kahit anong gustuhin.
"So? Everything's okay na!" Nakangiting ayon ni Myra na mommy ni Mayumi.
"So girls, tapos na ang 1week vacation nyo dito sa manila, tomorrow, sa Sitio na ang continuation ng bakasyon nyong apat!" Nakangiti namang ayon ni Daniel. Ang daddy ni Donnalyn.
Napangiti si Naomi at Mayumi. Ganun narin si Donnalyn pero kabaliktaran ang kay Alysson.
Nakabusangot sya at nagiisang kontra parin sa mangyayare.
Pero wala na syang magagawa. Bukas, pupunta na sila sa isang probinsyang payapa.
Maging maayos kaya ang dadaan na tatlong buwan na pananatili ng magkakaibigan sa sitio?
Maraming pwedeng mangyari. Maraming katauhan ang hindi nila inaasahang pwede nilang makilala. May mga nakaraan na muling magbabalik.
At sa muli nilang pagbabalik sa syudad... May magbago kaya?
Subaybayan ang komplikado pero masayang kwento na kahit pangkaraniwan na sa inyong mga mata, Ay maaari parin kayong bigyan ng kasabikan.
SIE: Beginning Today
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
Fiction généraleSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.