Uh-oh!
ALYSSON
Ok! Calculus lang to Aly! You can do this! Nagreview ka naman!
"What is the volume of the surface intercepted by x^2+y^2=1 , z=2-|x| , z=0?"
Shocks!!! What the hell is this?? Wala to sa nireview ko! Oh god! What will i do?
Halos mapasabunot nalang ako sa buhok ko! Gosh! I need to know the answer! I need to pass this! And most importantly, I need to have a car!
Nagtititigan kami ng questionaire ko. Ang sarap punitin nito dahil sa inis ko! Napapakunot ako ng noo kasi nahihirapan talaga ako— Wait!!
Naturo nga pala sakin to ni Chino ah! Oo! Shems! Alam ko na! Alam ko na kung pano to!
Mabilis pa sa alas kwarto ko kinuha ang pencil ko at nagsimulang magsolve.
Yeah! Hulog ka ng langit at lupa sakin Christoffer Montalban!
Sinimulan kong i-solve as in lahat! Bago to! Tuloy-tuloy akong magsagot! Natutuwa ako sa ginagawa ko ngayon! Pwede na kong maging math genius nito! Yeah!
Naunang natapos si Donny at Neal. Kahit na alam ko na ang sagot. Naninigurado parin ako kaya medyo binagalan ko! Mamaya porke walang decimal point yung iba kong sagot, ma-mali na! Sayang effort!
Nakita kong tumayo na si Chino. Nang lingunin ko sya, nakita kong nakatingin rin sya sakin!
Sumenyas sya kung mauuna na ba sya kaya tumango lang ako bilang sagot.
Isang beses pa kong nag-scan ng answers ko! Ok na to!
I handed my papers sa proctor ko at nakangiting umalis!
I should thank Chino for this!
* * *
Nagtext ako kay Donny kung nasan sila. Nasa school grounds lang pala kaya dun na ko dumeretcho!
Natatanaw ko na sila at ganun rin sila sakin. Kinakawayan din ako ni Donny at pinapalapit na sakanila kaya mas lalo kong binilisan ang paglakad ko.
"Aly!!!" Natigilan ako at nilingon ko yung tumawag sakin.
"Y-yano!" Ayon ko ng malapitan nya ko.
"Hey! Uhm... Hi!" Nakangisi nya pang bati! Yung dimples nya naghe-hello na! Ugh!
"Uhh.. Hello! Uhm.. Why? Do you need anything?"
"Uhm... Actually, I just wanna ask you out! Are you free later? Pupunta kami ng team sa Club Haze! Can you be my date?"
OH. MY. GOD!! Is he really asking me out? Grabe! Well, my friends know that he's not my type pero... Ugh! He's so cute! And super hot!
"Uhm... Exams week pa Yano! Baka di ako payagan ng parents ko!"
Bakit?? Bakit yan ang lumabas sa bibig ko?! Ugh! Naturingang sarili kong bibig to pero di ko na alam mga pinagsasabi ko!
"Ohh! Ganun ba? Hmm.. Osige! Next time nalan—"
"But if... If payagan ako, I'll let you know nalang!"
"Really?! Sige! Here's my cell. Enter your number!" Sabay abot nya sakin ng phone nya.
"Can i have yours?" Napapangiti ako ng kapain ko yung phone ko sa bag ko and hand it to him.
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
General FictionSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.