Chapter Five

565 12 5
                                    



Mang Chito.

MAYUMI

Nagising ako sa ingay na naririnig ko.

Kunot-noo akong bumangon at sumilip sa may bintana.

7am palang! What's the commotion all about? Parang busy lahat ng mga tao sa labas!

Agad akong lumabas ng kwarto at nadatnan yung tatlo na nasa sala at nanonood lang.

"Finally!! Oh tara na! Let's eat!" Biglang sabi ni Aly. Well, pag ganitong magkakasama kami, hindi kami kumakain ng hindi sabay. Tss! Mukhang pinaghintay ko sila?

Sumunod nalang ako sakanila papunta sa dining! Ready na ang food kaya wala ng problema.

Tahimik kaming kumakain ng biglang sumulpot out of nowhere si Manang Chiki.

"Haaaayyy!! Kay saya nga naman pag ganitong araw!" Tuwang tuwa at napaka energetic na bungad samin ni Manang.

"Good morning Manang Chiki! Ano po palang meron ngayon?" Tanong ko agad.

"Ay mga hija! Sa susunod na araw na kasi ang pista dito sa sitio!" Nakangiting sagot ni Manang.

Well, ganun? Seriously? Fiesta?! Masaya nga!

"Ay really po Manang?! Nakaka-excite naman!" Ayon bigla ni Aly.

"Oo! Maraming palaro at mga kasiyahan! Kaya nga ngayon palang eh abala na talaga ang mga tao rito! Naku! Dapat ninyo iyong maranasan! At alam kong lahat ng tiga-sitio ay pupunta talaga!..." Masayang sagot ni Manang pero bigla syang napatigil sa pagsway-sway nya at tumingin samin.

"Ay!! Naku! Naku! Bilisan nyong magsikain at sasama kayo sakin!" Biglang taranta na utos samin ni Manang.

"Bakit po? San po tayo pupunta?" Tanong ni Donny.

"Magsisimba! Linggo ngayon mga hija!" Sagot agad ni Manang.

Oh! Really? Parang nawawala sa radar ko ang petsa at araw simula ng tumungtong kami dito! Para bang automatic hindi ko na alam kung anong araw na or oras?! Ang weird.

Saglit akong nagbilang. Hmm... Nakaka mahigit dalawang linggo na pala kami dito! Infairness, masaya at enjoy ang bawat araw namin dito sa Sitio. Tama nga ang mommy ko! Hindi naman kami magsisisi kung dito kami magbabakasyon!

Madaling natapos ang pagkain namin at agad agad narin kaming nagsipagayos para magsimba! Sa may bayan daw yun! Ngayon lang kami makakapunta dun!

* * *

"Lord! Please Take good care of me, my friends and specialy my family! Plus! Give me strength po! And lastly, give me more beauty" rinig kong dasal ni Aly. Bigla ko syang siniko.

"What?!" Pabulong nyang tanong.

"Wag mong gawing biro ang pagdadasal Aly! Ilugar mo yang kalokohan mo!" Seryoso kong utos sakanya. Napa-pout sya at tsaka bumalik nalang ulit sa pagdadasal.

Nagsimula ang misa at natapos ng seryoso lang ang atensyon ko sa pakikinig.

Nakakainis! Bat ba kasi si Aly ang tumabi sakin? Naghe-headbang na yung ulo nya! Antok na antok lang? Tsk!!

"Manang! Libot naman po muna tayo!" Pagyaya ni Aly ng makalabas kami ng simbahan.

"Ay sya nga! Hindi ko pa nga pala kayo naililibot rito sa bayan! Osya! Tara na!" Nakangiting sagot ni Manang tsaka nagsimula ulit maglakad.

Infairness ang daming tao! Nakakatuwa tignan lalo yung mga pamilyang kumpletong magkakasama! Ugh!! I miss my mom and dad! Hayyy..

"Yumi! Ang cute oh!" Rinig kong sabi ni Donny kaya napatingin ako sa pinapakita nya sakin. Para syang charm bracelet! Ang cute nga!

SIE: Beginning TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon