Moody.
DONNALYN
Sunday! Kumpleto kaming apat na magkakaibigan dito kila Yumi.
Meryenda time na pero nanonood pa kami. Pinapanood namin kung pano lantakan ni Nao lahat ng pagkain na nakahanda sa dining table.
"Wow, Nao! Gutom lang?" Nakangising ayon ni Aly.
"Ang sarap eh!" Agarang sagot naman ni Nao.
Nagkatinginan kami ni Yumi. Nagkibit balikat sya ng mahalatang tinatanong ko sya sa mga titig ko lang.
Sila ni Nao ang magkasama kahapon. Baka lang alam nya kung ano tong nangyayare kay Nao ngayon.
"Osige na! Kain lang ng kain!" Ayon ni Yumi kaya nagsimula na kaming tatlo na kumain at di na panoorin si Nao.
Bigla namang dumating pa yung ibang food. Yehey! May spaghetti! Ayos!
Para kaming bata na tatlo habang kumukuha ng spaghetti! Lahat kami mahilig sa pasta! Siguro dahil nung umalis kaming apat sa Sitio, sa Italy kami nagmigrate.
"Ugh!! Anong amoy yun?!" Napalingon kami sa iritadong si Nao.
"Huh? Alin?" Taka kong tanong.
"Di nyo naaamoy? Ugh!"
"Ano ba yun Nao?"
"Ewan, Yumi! Ngayon ko lang naamoy eh!"
Para naman kaming naging aso ni Yumi at panay singhot kung ano bang pwedeng naaamoy ni Nao na masakit sa ilong.
"Wala naman Nao!" Ayon pa ni Yumi.
"Don't tell me... You're talking about this?" Tanong ni Aly sabay angat sa mukha ni Nao ng spaghetti.
Napansin ko sa mukha ni Nao na parang naduduwal sya.
At tama nga ako! Agad syang tumayo sabay punta sa sink at naduwal ng tuluyan. Kunot noo ko lang syang tinitignan.
"Hey! Spaghetti lang to! It's so mabango nga eh!" Ayon ni Aly. Sumenyas lang si Nao na parang gusto nyang ipalayo yung spaghetti sakanya.
"What's her problem?" Pabulong na tanong ni Aly samin. Nagkibit balikat lang kami ni Yumi bilang sagot.
"Uhh.. Yaya! Paki kuha na nga lang po itong spaghetti!" Utos bigla ni Yumi.
Hindi na kami umangal ni Aly. Napapanguso naman si Aly habang tumitingin kay Nao na nasa sink parin at di matigil sa pagduwal.
"Ang sarap nga eh!" Ayon pa ni Aly na kumakain parin ng spaghetti.
"Kainin mo na nga yan! Bilis na!" Utos ni Yumi kay Aly.
Kailangan pa syang pandilatan ng mata ni Yumi para sumunod sya.
Ano ba talagang nangyayare dito kay Naomi? Ang weird nya ah!
*Kinabukasan*
"Okay class! You may start answering! No cheating!" Ayon ng proctor namin.
First day of exam ngayon. Magkakasama kaming walo na nagtatake ng exam kasi English lang na subject to! Magkakaklase naman kami dito.
Nagreview ako kaya di sa pagmamayabang, nadadalian na ko sa sinasagutan ko ngayon.
"Ma'am!" Di ko naiwasang mapalingon sa gilid ko.
"Yes Ms. Imperial?!"
"Can i... Uhh... Can i go to the restroom po?!"
"Okay! Hand me your answer sheet and questionaire!" Utos ng proctor namin.
Agad at parang nagmamadaling tumayo si Nao at iniabot ang hinihingi ng proctor namin.
Nakita kong nakahawak sya sa tyan nya. Naku! Baka nadudumi pa to! Nakakawala nga naman ng focus magexam pag wala sa kundisyon ang tyan mo.
20minutes na. Lagpas kalahati na ko sa sinasagutan ko pero di pa bumabalik si Nao! Pasulyap sulyap tuloy ako sa bakanteng upuan sa tabi ko kung saan sya dapat nakaupo kaso talagang wala pa sya!
Napalingon ako sa kabilang side ko at sa bandang likod. Nagtugma ang mga mata namin ni Gino. Tinitigan ko sya as if tinatanong ko kung ano ng nangyare kay Nao.
Nagkibit balikat sya pero halata ko sa expression nya na parang nagaalala na sya.
"Sorry natagalan po ma'am!" Agad akong napalingon sa nagsalita!
Sa wakas! Akala ko kung ano nang nangyare dito!
"Are you okay Ms. Imperial? Namumutla ka!"
"Okay lang po ako!"
"Hmm.. Alright then, start answering again! Mahuhuli ka na!" Ayon ng proctor sabay balik kay Nao ng papers nya.
Nang makaupo na si Nao sa tabi ko. Pansin kong inilapag nya lang yung papers nya sa table nya pero di parin nagsasagot. Napatulala sya habang bumubuntong hininga pa kaya medyo sinipa ko yung paanan ng chair nya.
"Ok ka lang?" Pabulong kong tanong habang nakayuko pa.
Nginitian ako ni Nao sabay tango! I'm not convince! Halata namang di sya okay! Tama yung proctor namin! Namumutla pa sya! Baka may sakit or something?
* * *
"Haaayy! Buti nalang medyo madali tong first day!" Ayon ni Aly matapos magunat.
3subjects lang kami per day. Tapos naman na lahat nung tatlo ngayong first day.
Nandito nalang kaming walo sa round table. Seriously! Kulang nalang lagyan na namin to ng mga pangalan namin! Inangkin na namin ng tuluyan eh!
"So you think makukuha mo na yung goal mo?" Nakangising tanong ni Yumi.
Napansin ko na bigla namang kinuha ni Neal yung kamay nya. Kumuha rin sya ng hand sanitizer at parang minasahe ang kamay ni Yumi.
Di ko mapigilang mapangiti! Kinikilig na yata ako!
"What goal?" Tanong bigla ni Chino.
"Sabi kasi sakanya ng daddy nya na bibilhan na daw sya ng kotse pag nagkaron sya ng straight uno na grades!" Paningit ko.
"Ganun ba?" Nakangisi pang ayon ni Chino habang nakatingin lang kay Aly.
"Ugh! Stop it na nga Chino! Don't make titig! Nakaka-ilang!"
"Ang arte mo! Manahimik ka na nga jan!" Napalingon kami sa biglang sumigaw.
"Makasigaw naman to!" Ayon ni Gino.
"Isa ka pa! Yakap ka ng yakap! Naaalibadbaran na ko ah! Ang init kaya!"
"Nao! Napaka mainitin naman yata ng ulo mo?!" Ayon ni Sid.
"Tsss!" Inirapan pa ni Nao si Sid.
"Bayaan nyo na!" Biglang paningit ni Neal.
Natahimik nalang kami bigla! Ano ba talagang problema nito ni Nao? Kahapon pa sya ah!
"Nao?" Malumanay na tawag ko sakanya.
"Oh?!"
"Okay ka lang ba talaga?"
"Oo naman! Bakit?!"
"Kahapon ka pa kasi! Ang weird mo!"
"Weird?!"
"Oo! Parang kanina! Ang tagal mo sa restroom ah! Parang kahapon lang rin!"
"Naku Donny! Wag ka nga jan! Napadami lang yata kain ko kaya bigla biglang bumaliktad tong sikmura ko! Ok ako! Wag ka ng magalala jan!"
Napanguso nalang ako habang tumatango! Ayoko na nga tong kausapin! Ang taray masyado! Hayyy...
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
General FictionSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.