The feeling is mutual.
DONNALYN
"W-what did... What did i just heard?... N-nao? Anak! You're... You're pregnant?" Utal utal pero halata mong may pang-gigigil na ayon ni Tita Nancy. Nao's mommy.
"M-mom..."
"Uhhh... Tita! A-ano po kasi--"
"Shut up Donnalyn!... Naomi! Tell me! Bu...Buntis ka ba?!"
Palingon lingon sakin si Nao. Kitang kita ko yung takot at kaba sa mga mata nya at kilos nya.
Nakikita ko rin ang galit at pang gigigil ni Tita Nancy. My god! Now na? Dito? On this occasion? Napaka wrong timing naman!
Kabado pero nagmamadaling lumapit si Nao kay Tita Nancy habang nakasunod lang ako sakanya. Agad nyang kinuha yung kamay ng mommy nya at hinawakan ng mahigpit.
"Mom... Mommy! S-sorry po--" Hindi naituloy ni Nao ang sasabihin nya ng kalasin ni tita ang kamay nya kay Nao sabay sinampal ito.
"Tita!!!" Napasigaw nalang ako sa gulat. Is this really happening? Is this for real?
Galit na hinablot ni tita ang braso ni Nao at para na nya itong kinakaladkad papunta sa living room nila Yumi.
Siguro ay narinig nang lahat yung pasigaw na pagtawag ko kay tita kaya kumakaripas silang pumasok sa loob ng bahay at nadatnan ang nangyayari kay Tita at Nao.
"Nancy! What's happening here?" Alala at medyo may mataas na tonong tanong ni Tito Romi. Nao's dad, habang nakapagitna sa magina nya.
Hindi nagsasalita si Tita at Nao pero pareho silang umiiyak. Naawat ko naman agad si Gino na muntik ng sumali sa eksena. Hindi magandang move kaya ko sya pinigilan pansamantala.
"Bakit di mo tanungin yang magaling mong anak kung anong problema!!" Galit na ayon ni Tita at parang sagot narin sa tanong ni Tito Romi.
Nabaling ang atensyon ni Tito kay Nao pero nakayuko lang ito habang nakaupo. Hindi nagsasalita. Humahagulgol lang sa pag-iyak!
"Donny! Does tita--"
"Yes Yumi! She heard us kanina!"
Nilingon ko si Yumi at nakita lang ang gulat nyang expression. Nasa kabilang tabi ko naman si Aly at mukhang narinig ang bulungan namin ni Yumi kaya pati sya ay nagulat.
"Naomi! What happen?!" Seryosong tanong ni tito Romi.
"Da...dad! I...i'm so sorry--" Hindi matuloy ni Nao ang sasabihin nya dahil nauuna yung pagiyak nya. Pero pinakalma nya saglit ang sarili nya para masagot na ng tuluyan si Tito.
"Dad... I'm... I'm p-pregnant po!" Again! Nao burst into tears! Tsk!
"W-what??" Halos di makapaniwalang ayon ni Tito Romi sabay iwas ng tingin kay Nao habang may galit at mangiyakngiyak na expression.
"Why Nao? Bakit?! Nagkulang ba kami? Ang luwag luwag naman namin sayo diba? Kung anong gusto mo, sinusuportahan ka namin! Binantayan ka namin pero... Pano to nangyari?!" Halata ko ang pagtitimpi ni Tito Romi ng galit nya.
"Dad... Sorry--"
"Sorry?? Ganun nalang yun Naomi?? For god's sake you're pregnant!! Tapos sorry?! May magagawa ba yang sorry mo ngayon?!" Galit na galit na ayon ni Tita Nancy habang di parin tumitigil sa pagiyak.
Nilapitan ni Tito si Tita at niyakap ito. Pilit nya itong pinapakalma kahit parang sya di nya rin mapakalma ng lubusan yung sarili nya.
"Nancy! Calm down! Makukuha yan sa mahinahong paguusap!" Ayon ni mommy kay Tita Nancy.
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
General FictionSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.