Oh kupido.
DONNALYN
Nandito sila!! Nandito sya!! Hindi ko to ineexpect pero ang alam ko lang, kailangan naming magusap mamaya! Masaya ako ngayon! Parang destiny! Parang meant to be kaming walo na magsama sama na talaga!
"So? I won't give you any assignments today kasi mabait ako!" Nagsitawanan ang karamihan sa mga kaklase namin sa sinabi ni Ma'am Roma.
"Okay! Okay! let's call it a day! Goodbye class!" Dugtong at paalam pa ni Ma'am sabay alis na.
Nagsimula naring magsipag ayos ng gamit nila ang mga kaklase ko pero kami? Di parin kami tumatayo-- Well, Si Yumi patayo na sana pero pinigilan ko sya.
Nangangati na kong tumayo sa upuan ko at harapin si Sid! Kaya ng makalabas na lahat ng classmates namin, wala ng patumpik tumpik pa!
"Isidrooooooo!!!" Sigaw ko sabay yakap sa leeg nya!
Nakaupo silang apat sa harapan lang namin kaya naman kanina pa talaga ko naeexcite kausapin sya.
Tumayo bigla si Sid dahilan para makalas yung yakap ko sakanya. T-teka? B-bakit sya ganito?
"Wag mo kong kausapin! May kasalanan ka pa sakin!" Seryoso nyang ayon kaya napatayo talaga ko ng tuwid.
"H-huh? Wait! A-anong ginawa ko?--"
"Aba Donnalyn!!! Ako? Anong ginawa ko para layasan mo ko ng di ka nagpapaalam? Osige, nagtext ka nga! Pero nakaalis na kayo nun! Takte! Susurpresahin pa naman kita nun bago kayo umalis!!" Medyo mataas na ang tono ni Sid.
"H-huh? Anong surprise?"
"Na ito nga! Dito na kami magaaral sa manila! Balak narin umuwi ng parents namin dito! Tsk!"
"Ay!! Yun ba? Ayiiiieee! Gusto lagi kaming kasama!"
"Ayiiiiee, Ayiiiiee ka jan! Wag mong ibahin ang topic--"
Hindi na natuloy ni Sid ang sasabihin nya ng kurutin ko ang magkabila nyang pisngi.
"Ang cute mo pala magtampo noh? Haha! Dapat pala lagi kitang pagtampuhin!"
"Aray hah?! Ang sakit mangurot? Tsk!"
"Wag ka na kasing maginarte jan! Nandito na kayo! Magkasama na ulit tayo bestfriend! Aarte pa?"
Hindi nagsalita si Sid at tinitigan lang ako ng seryoso parin nyang tingin. Nginitian ko sya at baka sakali na mawala yung pagiinarte nya!
"Tsss! Lakas mo talaga sakin! Kainis! Osya, oo na! Titigil na!"
Hindi ako sumagot pero ngumiti nalang ako sa sobrang lapat sabay yakap ulit sakanya.
"You know what? If hindi ko kayo kilala? Iisipin kong kayo eh!"
Napahiwalay ako ng yakap kay Sid sabay lingon sa nagsalita. Hmp! Si Nao.
"Sus! Malisyoso magiisip pag ganun!" Sagot ko.
"Osya! Tutal masaya ka na, kami naman pasayahin mo ngayon! Labas na tayo dito!" Ayon ni Yumi.
"Bat ba excited ka umalis? Isang oras pa vacant nyo ni Nao ah?"
"Oo nga! Pero pinapatawag kami ni coach!" Sagot naman ni Nao.
"Ay! Ganun? Osige na nga!" Ayon ko nalang.
Walang ano-ano namang kinuha ni Yumi at Nao ang gamit nila. Nagbeso samin ni Aly then kumaway nalang dun sa boys bago tuluyang lumabas.
"Gosh! I need to go narin! Pinapapunta ko ni Ma'am Bangs sakanya! Maybe tungkol sa squad!" Biglang sabi naman ni Aly.
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
General FictionSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.