Paalam.
DONNALYN
Pinagmasdan ko lang si Yumi na lumong lumo ang itchura habang paakyat na sa kwarto nya. Gusto ko syang lapitan pero yung dalawa pinigilan ako. Hmm... Mukhang hindi maganda ang naging usapan nila ni Neal.
"Donny? What happen kaya?" Alalang tanong ni Aly ng makapasok na ng tuluyan sa kwarto nya si Yumi.
"Ewan ko rin!" Sagot ko habang diretcho parin ang tingin sa pintuan ng kwarto ni Yumi.
"Puntahan na kaya natin--" Pinutol ni Nao yung sasabihin ko
"Wag muna Donny!! Pabayaan mo muna sya! Pag pinuntahan natin sya at kinausap, paniguradong di rin yun magsasalita!"
"And how sure are you Nao? Baka nga mas kailangan nya pa tayo ngayon dahil nga sa nangyari sakanya!"
Hindi na nagsalita si Nao, nagegets ko yung point nya na gusto muna nyang hayaan namin si Yumi dahil nga naman sa itchura nya, mukhang masyado syang umiyak at kailangan na muna nya ng pahinga!
Pero sana naiintindihan rin nya ko! Pano kung mas kailangan nya nga kami? Pano kung kailangan nya ng malalabasan ng problema? Ng magcocomfort sa kanya? Ugh!!
"Alam nyo! Ako nalang kaya ang pumunta kay Yumi?!" Biglang paningit ni Manang na kanina pa pala nakikinig samin.
"Sasama po ako Manang!" Ayon ko.
"Osya! Maiwan kayong dalawa dito hah! Kami nalang ni Donny ang bahala!" Bilin ni Manang kay Nao at Aly.
Sumabay ako ng akyat kay Manang. Nagaalala talaga ko for Yumi kasi parang first time ko syang nakita na ganito umiyak! Umiyak na naman sya noon pero di ganito ka-tindi!
"Yumi?? Si Manang Chiki to hija! Pwede ba kong pumasok?!" Malumanay na tanong ni Manang matapos kumatok sa pinto ni Yumi.
Wala kaming Yumi na naririnig! Hindi sya sumasagot kaya halos maghysterical ako kasi nagaalala na ko! Ano ng ginagawa nya? Baka mamaya nagpaka-- di naman siguro! Ang oa ko na!
Tinignan ako ni Manang sabay tango lang nya. Nagets ko na yun kaya tumango nalang rin ako.
Dahan-dahang kinalabit ni Manang yung door knob ni Yumi.
Pagbukas ni Manang ng tuluyan. Napakunot nalang ang noo ko. Hmm... A-ano to? A-anong ginagawa ni Yumi?!
"Yumi? Hija?" Malumanay na tawag ni Manang.
"Po?" Agad na ayon ni Yumi.
Sa totoo lang, nadatnan naming nakaupo lang si Yumi sa kama nya at... Nagbabasa ng libro! Tahimik at payapa sya! Para bang walang nangyari! Pero yung mga mata nya, mapapansin mo parin na galing sya sa pagiyak.
"Hija? Okay ka lang ba?" Nanatiling malumanay ang boses ni Manang.
"Opo! Bakit po Manang?" Agad na sagot ni Yumi. Yung boses nya, Yung natural lang! Para talagang walang nangyari.
Hindi na ko makatiis! Lumapit na ko agad sakanya at niyakap sya.
"Donny--"
"Alam ko hindi ka okay! Nagpepretend ka lang! No need naman Yumi! Nandito ako! Ilabas mo lahat yan!" Bahagya akong tinulak ni Yumi para makakawala sa yakap ko sakanya.
"Ano ka ba?" Nag chuckle sya.
"Donny, I'm okay! Seriously! I'm okay talaga kaya wag ka ng magalala!"
"Pero Yumi! Kanina... Nakita ko eh--"
"Na namumugtong mata ko? Na galing ako sa pagiyak? Donny, hanggang ngayon ganun parin naman itchura ko diba? Di ko dinedeny na umiyak nga ako pero i'm saying na ok na ko! Naiiyak ko na lahat so there's nothing to worry na!"
BINABASA MO ANG
SIE: Beginning Today
Ficción GeneralSimula sa araw na to, alam kong ikaw na! Ikaw parin! Ikaw lang habang buhay.