Chapter Thirteen

390 8 1
                                    



Awkward.

NAOMI

Halos malaglag ako sa kama ko ng makarinig ako ng soooobrang lakas na pagkatok sa pinto.

Anak ng p*nyeta! Makakapagmura ka nga naman ng di oras! Tsss! Naku Nao! Magtimpi ka! Hanggang isip lang ang pagmumura! Mayayari ka nyan kay Donny pag narinig ka nya! Ugh!

Agad akong sumugod sa pagbukas ng pinto.

Aba't sinasabi ko na nga ba eh! Walangya ka Alysson!!! Ano nanamang pakulo mo ngayon?!

Halatang di nya napapansin na nabuksan ko na yung pintuan ko! Para syang timang na kalabog ng kalabog sa pinto ni Donny at Yumi. Nang makatapat sya sakin. Kakatok pa sana sya pero natigilan sya at parang tuta na gustong mamaluktot dahil paniguradong nasindak sya sa mga tingin ko!

"Ano nanaman Aly?! Nangbubulabog ka nanaman ng umaga?!"

"He-he! Ano kasi--"

"Nakuuuu!! Siguraduhin mong maganda yang dahilan mo Alysson! Kundi hindi talaga ako magdadalawang isip na kalbuhin ka ngayon rin!"

"E-eto naman! Ano lang kasi! May... May naghahanap satin sa labas!" Halos di makatingin sakin si Aly at parang gusto ng magpalamon sa lupa dahil sa takot.

"Hah?! Sino naman?! Naku Aly! Kung sila Gino lang yan, di mo na kami kailangan bulabugin pa noh!"

"Hindi! Hindi Nao! Uhm.. Sila ano yung nasa labas.. Sila Rico, Nico, Peter at si Felix!"

Napataas lang ang kaliwa kong kilay. Anong ginagawa nang mga yun dito?

Mga kaibigan namin sila nung mga bata palang kami. Parang sila Gino lang rin pero naaalala ko na naging kaibigan lang namin sila Nico dahil trabahador nila daddy yung mga magulang nila.

"Hey!! Sino ba yung kumalabog sa pinto ko? Ang aga-aga eh!!" Salubong ang kilay ni Yumi. Napalingon sya samin kaya nagtaas ulit ako ng kilay bago ngumuso dito kay Aly.

"Alysson!!" Matalim ang tingin ni Yumi kay Aly.

"Anong nangyayare?" Biglang sulpot naman ni Donny.

"Yan! Yang si Aly tanungin mo at naiimbyerna ako!" Inis na ayon ni Yumi kaya pansin kong nabaling nalang kay Aly ang tingin ni Donny.

"Eh kasi-- Teka!! Infairness Yumi huh? Yung way of speaking mo, halatang comfortable ka na dito! Medyo hindi ka na tahimik at seryoso! Ayiiiiee!" Biglang pangaasar ni Aly.

"Naku Aly! Wag mong ibahin ang topic at baka kalbuhin kita ng di oras! Binibwisit mo kami!" Inis parin na ayon ni Yumi. Yan! Buti nga sayo!

"Kanina si Nao lang gustong kumalbo sakin, ngayon, ikaw narin! May problema ba kayo sa buhok ko?!"

"Alysson??!!" Inis at sabay naming ayon ni Yumi.

"Hay naku! Osige! Eh kasi nga nasa labas sila--"

"Sila Sid? Tsk! Eh bat mo pa kami kailangang bulabugin?" Paningit ni Donny.

"Hindi! Tsk! Patapusin nyo kasi ako! So ayun! Nasa labas nga sila Rico, Nico, Peter at Felix! Hinahanap tayo!" Parang inis narin na sagot ni Aly.

Walang nagsalita samin. Tinignan ko isa-isa ang mga kaibigan ko at iisa lang ang expression ng mukha nila! Parang sakin! Salubong lang ang mga kilay namin.

"Aba! Mga hija! May naghahanap sainyo sa labas! Hindi maganda na pinaghihintay ang bisita lalo na't nasa labas lang sila!" Biglang sumulpot si Manang Chiki out of nowhere.

"Eh Manang! Sige po papasukin nyo nalang po muna sila! Magaayos lang po kami!" Sabi nalang ni Donny sabay senyas saming tatlo na magayos na.

Pumasok nalang ulit ako sa kwarto ko sabay naupo sa kama.

SIE: Beginning TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon