Prologue

519 7 0
                                    

Halos maubos na ni Lester ang isang bote ng alak na nasa kaniyang harapan. Balewala sa kaniya ang pait at init na gumuguhit sa kaniyang lalamunan. Walang-wala iyon sa pait na kaniyang naranasan ngayong araw. Hindi niya matanggap na ang babaeng tanging nagpahalaga sa kaniya, at pinag-alayan niya ng pag-ibig ay ikakasal na pala sa iba.

"Nag-aral ako nang mabuti para patunayan sa kaniya na worth it akong mahalin. Na kaya ko siyang bigyan ng magandang buhay. Pero bakit gano'n? Hindi pa rin sapat iyon sa kaniya! Ang tanga-tanga ko!" kausap niya sa kaniyang sarili bago muling nilagok ang laman ng kaniyang baso.

Muli siyang nagsalin ng alak at saka inisang lagok muli iyon. Parang tubig lang kung inumin niya ang alak na nasa kaniyang harapan. Magsasalin sana siyang muli ng alak nang may umagaw ng bote sa kaniya at pasalampak na naupo iyon sa kaniyang tabi. Salubong ang mga kilay niyang nilingon ang lapastangan umagaw ng kaniyang alak. Handa na siyang sigawan ito nang makitang isang babae ang pangahas na iyon. Nawala ang pagkakalukot ng kaniyang mukha nang makita ang babaeng nagsasalin ng alak sa sariling baso.

"Hi! Pahingi ha? Ayaw na kasi akong bigyan ng bartender dahil lasing na raw ako, eh hindi pa naman!" halos mabulol na ito sa pagsasalita habang humahagikhik sa kaniyang tabi.

Kinuha niya ang bote ng alak mula rito na muntik na nitong mabitiwan dahil sa, well kalasingan. Napangisi siya sa babae saka muling nagsalin ng kaniyang alak. Mukhang hindi siya nag-iisa ngayong gabi, mukhang kagaya niya'y wasak rin ang puso ng babaeng umupo sa kaniyang tabi.

"Bakit ka ba kasi nag-iinom?" tanong niya rito.

"Hako?" Itinuro pa nito ang sarili sa kaniya. "Wala naman trip ko lang," sagot pa nito sa kaniya.

"Ayos naman pala ang trip mo eh," naiiling niyang saad dito.

"Nagse-celebrate lang ako. Hanniverzary kasi namin ng jowa ko ngayon, pero wala shiya eh nasa mhalayo. Kaya ako na lang ang magse-celebrate," nakangisi pang sagot nito sa kaniya. "Eh hikaw? Bakit ka nag-iinom ng mag-isa?" tanong nito sa kaniya.

"Broken hearted," maikling sagot niya rito saka muling sinaid ang kaniyang baso. "Iyong babaeng mahal ko kasi, ikakasal na pala. Hindi man lang niya ako hinintay, kaya ko namang ibigay ang buhay na gusto niya eh. Kaso sabi niya, hindi raw niya ako mahal. At alam mo ba kung anong tingin niya sa akin? Younger brother, bullshit 'di ba?" Sinulyapan niya ang kaniyang katabing nakatulog na yata sa kalasingan.

Napangiti pa siya nang marinig niya ang mahinang paghilik nito. Kinuha niya ang baso sa kamay ng babae saka inilapag iyon sa mesa. Inubos niya ang laman ng kaniyang braso saka tumayo upang lisanin na sana ang lugar na iyon. Ngunit bigla rin siyang napalingon sa kinalulugmukan ng babae at tila nakonsensiya naman siyang iwan ito roon ng mag-isa.

"Tsk! Iinom-inom hindi naman pala kaya," kausap pa niya sa sarili.

Huminga siya nang malalim saka nilapitan ito para gisingin. Nagmulat naman ito ng mga mata saka tumayo at naglakad. Dahil sa sobrang kalasingan nito, hindi na ito makapaglakad pa nang matino. Kaya naman inakay niya ito at pasuray-suray silang lumabas sa bar na iyon.

Mabuti na lang at nasa itaas lang ng bar na iyon ang kaniyang hotel suite kaya roon na niya dinala ang lasing na lasing na babae. Hindi naman kasi ito umimik nang tanungin niya kung saan ang kuwarto nito. Pagpasok sa kaniyang suite ay agad niyang inalalayan itong makahiga sa kaniyang kama. Doon niya napagmasdan ang itsura ng babae. Mukha itong anghel na natutulog sa ibabaw ng kaniyang kama. Her nose is so cute and her parted lips were so red like a cherry. It's like inviting him to taste it.

'Damn! Iligo mo na lang iyan Lester,' sita pa niya sa kaniyang sarili.

Umayos na siya nang pagkakatayo at saka naglakad patungo sa banyo. Magbababad na lang muna siya sa tubig upang maibsan ang kaniyang kalasingan at pag-iinit ng kaniyang katawan. Kahit naman nakainom siya, alam pa rin naman niyang mali ang pakialaman ang babaeng hindi naman niya pagmamay-ari.

Nakalublob na siya sa bathtub nang pumasok ang babae roon at walang atubiling nagtanggal ng saplot nito sa katawan. Napamura naman siya saka nagmamadaling tumayo sa bathtub upang takpan sana niya ang katawan nitong nakalantad sa kaniyang harapan. Ngunit bago pa man niya matakpan ang katawan nito ay mabilis na siyang hinalikan nito sa kaniyang mga labi. Ikinunyapit pa nito ang mga kamay sa kaniyang batok na ikinabigla naman niya.

Alam niyang mali pero sa bawat paghalik nito sa kaniya ay tila may malilit na kuryenteng dumadaloy sa kaniyang katawan, na nakapagpapainit sa kaniyang pakiramdam. Tuluyan na siyang natangay sa mga halik nito sa kaniya, kaya ipinulupot niya ang kaniyang kamay sa baywang nito at tinugunan ang bawat halik na ipinagkakaloob nito sa kaniya.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon