20: Clark Denomin

218 15 16
                                    


M I K A E L

Hindi ko maiwasan ang pag-ngiti habang nakatingin kay Kurt at Tairish na magkayakap.

Woah!

Success ang panghaharana ni Kuru!

"Hey, Miks.. can i have my price now?" Tanong sa'kin ng nasa tabi ko na manang-mana sa gwapo n'yang kuya.

"Later, Kyle."

Bahagya kong ginulo ang buhok n'ya na nagpa-simangot sa kanya.

He's Kyle Celestine.

Kapatid ko sya, eight years old at isa s'ya sa nagbigay ng letter kanina kay Tairish.

"Look at her, Miks! She's really cute." Turo ng kapatid ko sa isang babae at napangiti ako ng malawak nang makita kong si Riye Akemi ang tinutukoy n'ya.

Walang duda, utol ko 'to.

Manang-mana talaga sa'kin 'tong kapatid ko. Bukod sa gwapo pero syempre mas gwapo 'yung panganay, may taste rin pala sa babae.

"Too bad for you kiddo, she's my girl." Sabi ko at tinapik sa balikat ang nakababata kong kapatid.

Ngumuso s'ya sa sinabi ko.

Hahaha! Ang cute, parang ako lang.

Pero syempre mas cute ang panganay.

"Psh! She's too pretty for you."

Tignan mo 'tong bata na'to!

Wag na kayo magtaka kung bakit ganyan ang ugali n'yan. Kasi ako, hindi ko rin alam kung saan nagmana 'yan.

At kung bakit Miks ang tawag n'ya sakin? He's a grown up man na daw.

Minsan natatawa nalang din ako sa kapatid kong 'to.

"Hey, men! kumusta ka?" Tanong naman sa kanya ni Tyler na tinukod pa ang isang tuhod para maging magkapantay sila ni Kyle.

"Okay lang, men!" Sagot naman ng kapatid ko at nakipag-highfive pa.

"Alam mo, Mikael.. mas matanda pa mag-isip ang kapatid mo kumpara sa'yo."

Nagsisimula nanaman 'tong Tyler na'to mang-asar.

"Lul." Tanging sagot ko na nagpatawa sa kanya.

"Saan na si Clark?" Tanong ko sa kanya dahil bigla nanaman naglaho ang bass guitarist namin na malakas ang topak.

Oo, malakas ang toyo ng isang Clark Denomin.

Sa tinagal-tagal namin s'yang kabanda ay isa paring mystery sa'min kung anong buhay n'ya o kung sino ang mga magulang n'ya.

He never introduce us to his parents or relatives manlang.

"Ang ganda nya talaga.." rinig kong bulong ni Tyler habang nakatingin sa kung saan.

Sinundan ko naman kung nasaan ang tingin n'ya at nakita ko si Ms.Rafaella.

"Bakit hindi mo kasi gayahin ang isang 'yon."

Inakbayan ko s'ya at itinuro ko si Kurt na masayang nakikipag-usap kay Tairish.

"Hindi 'yung nagliligaw tingin ka d'yan! Ang bagal mo unahan na kaya kita?" Pang-aasar ko at nahuli ko s'ya sa sinabi ko.

"F*ck you."

Hindi ko na napigilan ang matawa.

"Bakit kasi hindi mo ligawan, dude?" Tanong ko.

Our Counterplay LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon