°°°°Chapter 79°°°°
•••Third Person's POV•••
Gabi
Halos hindi makatulog ang buong pamilya ni Lucas, nagbabantay sila at binabantayan ang bawat isa, sa bawat kaluskos ay napapapitlag ang lahat at naghahanda, maraming aswang ang sumasalanta sa labas ng bahay at sa buong paligid, nakakadinig sila ng mga sigawan pero wala sila magawa dahil hindi nila kaya ang lumaban, lalo na at wala sina Vleane
"Masisikatan pa po ba tayo ng umaga?,"tanong ni Aimy sa kanila,"Sana po dumating na sina Kuya Lucas,"natatakot nitong saad sa kanila
"May awa ang Diyos anak,"yakap ni Aling Niña sa anak,"Nararamdaman ko na malapit na sila makarating, maililigtas nila tayo lalo na si Vleane,"
"Tama iyon, mga anak,"pag sang ayon ni Mang Lito,"Ramdam ko din na malapit na silang makarating,"dagdag pa nito
Kaya nabuhayan sila ng loob dahil sa sinabi ng mag asawa, nagkatinginan sina Cassie at Eugene bago nagtanguan, lumapit naman si Cris sa dalagang si Aimy at hinawakan nito ang kamay para iparamdam doon na mahal na mahal siya nito
"Sana nga po ay dumating na sila,"ani ni Jane na karga ang anak at pinapatulog, habang su Calvin ay nakabantay sa pintuan at nakikiramdam sa buong paligid
"Napakaraming aswang sa paligid,"ani ni Calvin,"Hindi natin sila kayang labanan, wala tayong magagawa kundi ang magtago dito,"malungkot na saad nito kahit na gustong gusto nila tumulong sa mga kababaryo nila
"Wala na tayong magagawa, anak,"ani ni Mang Lito,"Kahit gustuhin natin tumulong ay wala tayong magagawa,"
"Magpahinga na po kayo,"ani ni Eugene,"Kami na po ang bahala dito magbantay,"
"Salamat mga anak,"ani ni Aling Niña na kakakitaan ng pagod at pangamba
"Kami na po ang bahala,"ani naman ni Cassie, sumenyas iyon kay Aimy at sinamahan na nito ang mga magulang nila sa silid para makapagpahinga
Habang tahimik sila na nakaupo at nakikiramdam ay nananatili namang nananalasa ang mga aswang sa labas, walang pinapatawad ang mga ito, pinilit nilang buksan ang bawat kabahayan kahit na saradong sarado ang bawat kabahayan
Ang mga bata ay umiiyak at sumisigaw dahil sa sakit na nararamdaman nila sa tuwing pinupunit ng mga matatalas at matutulis na kuko ng mga aswang
"Sige magpakabusog kayong lahat!,"sigaw ni Regina sa mga alagad nila,"Ubusin ang lahat ng mga tao sa buong Baryo!,"galit na sigaw nito
Habang ang dalawang anak nila ni Ronelio ay ngumingisi at sumisingasing sa galit at gutim na gutom
"Sige mga anak! Magpakabusog kayo! Ubusin niyo silang lahat!,"utos nito sa mga anak nila
Nagpalit anyo ang mga iyon at naging mabangis na mga aswang, naging abwak ang mga iyon at gumawa ng butas sa ilalim ng lupa para doon gumawa ng lagusan para makapasok sa loob ng kabahayan na hindi mapasok ng mga aswang
Sigawan ang madidinig sa loob ng bahay ng makapasok doon ang dalawang abwak, sinira ng dalawa ang pintuan at inihagis ang katawan ng mga taong naninirahan sa loob ng bahay na kanilang napapasok
Nararamdaman naman nila Eugene ang pag galaw ng lupa at ng kanilang sahig dahil sa mga nilikhang lagusan ng dalawang abwak
"Mga abwak!,"ani ni Eugene,"Maghanda kayo, baka masira nila ang sahig natin,"babala nito sa lahat
"Nagkakaroon ng crack ang sahig,"ani ni Aimy,"Baka masira nila ang sahig at mapasok nila tayo,"
"Matibay ang sahig natin,"ani ni Cassie,"Hindi nila tayo basta basta mapapasok kaya magtiwala lang kayo,"
![](https://img.wattpad.com/cover/345405770-288-k18010.jpg)
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...